Una

75 2 0
                                    

Magmamarunong na ako, ha? Pagbigyan niyo na. Kasi feeling ko, sa buong existence ko sa mundong ito, may isang bagay na talaga namang expert na expert ako: ang pagiging tanga.

'Yung tipong, oo, alam kong mali ang umasa ng umasa. Pero makikinig ba ako sa sarili ko? Siyempre hindi.

'Yung tipong ini-aalmusal, tinatanghalian, minemeryenda, at hinahapunan ang salitang "move on", pero hindi isinasapuso.

'Yung tipong bukambibig ang "Bukas na bukas, wala na siya sa isip ko," pero hanggang salita lang.

Dios mio, perdon! Seventeen years. Seventeen years at hindi pa rin ako nagbabago.

December 19, 2015, tandaan niyo itong araw na ito! Dahil ang Christmas gift ko sa sarili ko, hindi bagong damit, o make-up, o haircut, o manicure.

Ang pinakamahalagang regalo na maibibigay mo sa sarili mo ay freedom.

At kahit ano pa ang sabihin ng mga tao sa paligid mo, ng mga istoryang nababasa mo tungkol sa love, ng mga pelikulang romantiko—kahit ano pa ang sabihin ng iba, dito nagsisimula ang pag-momove on.

Huwag mong pilitin na kalimutan ang hindi mo nga kayang maalis sa isip mo. Pero kailangan, alam mo sa sarili mo na you deserve more. You deserve a love that frees you: from your insecurities, your worries, your troubles. 

Una: Realize that you deserve to be free. 


#HUGOT: Diary ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon