Ampalaya

265 2 0
                                    

Sige, idaan mo sa mga pelikulang romantiko at sa mga kantang mapapait. Ilabas ang ice cream at kung ano pa man ang palihim mong nilalamon dahil alam mong kakailanganin mo ang mga iyon.

Sige, mag-post ka sa Facebook at mag-tweet sa Twitter ng mga song lyrics na kunwari ay hindi mo lang matanggal sa isip mo pero ang totoo, ay patama na sa kung sino ang may sala o tingin mo ay may sala sa iyo.

Sige, magmukmok ka, umiyak ka, daigan mo pa ang mga aso sa paghagulgol. Sayangin mo ang mga oras mo kakatitig sa pader.

You are entitled to moments of weakness. Pero hindi mo ikagaganda ang pagiging ampalaya habang-buhay.

#HUGOT: Diary ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon