Satsat

253 2 0
                                    

Hinding-hindi na talaga ako bibili sa canteen. Ever. Kung kailangang hindi na ako pumasok o dumaan sa canteen, gagawin ko.

Hindi ko matanggal sa isip ko ang sinabi niya. No, actually, that's a lie. Dahil hindi ko naalala kung ano ang sinabi niya.

Ang naaalala ko lang, nagkadikit ang siko namin. 

At tinraydor ako ng lichugas kong puso dahil 'ayun, nagsibalikan na naman ang mga kabayo sa dibdib ko.

Ang unfair! Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na wala ngang pag-asa. Wala wala wala walawalawalawalawala. WALA! As in, wala. 

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi isang kwento sa Wattpad ang buhay ko. Hindi ito teleserye nina Kathryn at Daniel. Hindi ito isang pelikulang ginawa ni Cathy Garcia-Molina. Hindi ito cliché kung saan sa simula, one-sided lang, pero kapag lumipas ang panahon, matutunan ng manhid na mahalin ang umaasa.

Nakakatawa dahil kahit paulit-ulit ko nang itatak sa isip ko 'yon, isang maliit na encounter lang, isang 'di sinasadyang paramdam, nagsisibalikan ang mga kabayo, nagsisilabasan ang mga paru-paro.

So sa madaling salita, hindi na nga ako papasok ng canteen. Diyos ko, ang dami ko pang satsat, 'yon lang naman talaga ang gusto kong sabihin. 

#HUGOT: Diary ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon