Exam

229 1 0
                                    

Medyo nangamote ako sa exam namin ngayon. Lecheng Calculus kasi 'yan. 

Alam niyo bang ang Calculus ang mathematical study of change? 'Yan kasi ang pagka-introduce sa amin ni Sir Tops eh. Oo, "Tops" ang tawag namin sa kanya, o 'di naman kaya ay "Boss". Chill lang.

Anyway, Calculus is the mathematical study of change, at 'yon siguro ang dahilan kung bakit ito ang pinakamahina kong subject. Bakit? Dahil ang puso ko, hindi marunong magbago.

Hindi ko alam kung mahal ko ba siya, pero ang alam ko ay kinakabahan ako kapag nakikita ko siya. Sumisikip ang dibdib ko kapag may kasama siyang iba. Naiinis ako kapag ngumingiti siya dahil alam kong hindi ako ang dahilan kung bakit siya masaya. Paulit-ulit akong dumadaan sa harap niya, nagbabaka-sakaling lilingunin niya ako at, sa wakas, ako'y papansinin.

Sigurado akong hindi niya alam ang pangalan ko. Siguro ay namumukhaan niya ako kapag nagkakasalubong kami, tutal magka-batch naman kami. Pero hindi ako tulad ng girlfriend niyang haliparot—este, crush ng bayan. Hindi ako maganda, o sobrang talino, o kahanga-hanga ang talent. Simple lang akong tao, pero napaka-kumplikado ng mga nararamdaman ko.

Kinakabahan ako sa kalalabasan ng exam. Dapat kasi tungkol na lang sa kanya ang test eh. Baka sakaling maka-100 pa ako. Nakanaks!

#HUGOT: Diary ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon