Jeep

196 2 0
                                    

Masakit.

Tutal sinabi ko na rin naman at nasaksihan niyo na mismo ang katangahan ko, wala nang dapat ikahiya, hindi ba? Kaya ikukuwento ko na.

Nakasabay ko siya sa jeep. Siguro't tinadhana na rin ang pagkakataon na iyon para madagdagan ang good vibes ko. Paano ba naman, naibalik na ang exam sa Calculus at himalang pasang-awa ako. 

Kaya laking tuwa ko nang makita ko siyang sumakay ng jeep. Pinausog ko nang pinausog ang katabi kong medyo may edad, at pinilit kong magkaroon ng sapat na espasyo sa tabi ko para lang sa kanya. 

Hindi ko maitago ang ngiti ko ng tumabi siya sa akin, kaya napayuko ako sa kilig. Deep inside, hindi lang kabayo ang nagtatakbuhan sa dibdib ko. Unicorn na. Nag-level up dahil magkadikit ang mga braso namin. 

Pero hindi pa nga ako nakaka-recover sa halos pagka-atake sa puso, ay agad-agad namang binawi ang kasiyahan ko. Nakita kong sunod na sumakay ang kanyang mukhang-diyosang girlfriend. Nag-volunteer na umangkas na lang ang lalaking nasa tapat ko para makaupo ang nasabing linta—este, girlfriend. 

Halatang medyo ilang ang babae dahil tulog ang nasa kanan nito at singhot naman nang singhot ang nasa kaliwa.

Nagulat ako nang kalabitin ako ng katabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko! Halos mangisay na ako sa kilig. Idagdag mo diyan ang pagsambit niya ng pangalan ko, at talagang halos matuluyan na nga ako. Kilala niya ako! Iyan ang kaisa-isang sinisigaw ng isipan ko.

Pero alam niyo kung bakit niya ako tinawag? Para pakiusapan na magpalit daw kami ng girlfriend niya, "tutal, 'di naman malayo ang bahay mo dito, hindi ba?"

Una, natuwa ako nang malaman na alam niya kung saan ako nakatira, pero naalala ko na narinig niya siguro ang sinabi ko sa konduktor. 

Kaya ang kilig ay agad napalitan ng paghihinayang at pagkasawi. Walang'ya! Paasa! Bwisit! Ang sarap ipakulam! Magsama sila! 

Pero hindi naman ako pwedeng mag-drama, kaya pumayag na lang ako at nakipagpalit ng upuan sa girlfriend niya. Wala man lang akong narinig na "Salamat" sa kanilang dalawa.

At doon ko naisip.

He's not worth it.

"Ha-choo!" Bahin ng katabi ko.

"Bless you," bulong ko pabalik.

#HUGOT: Diary ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon