Simula

69.8K 828 6
                                    

Simula

Marahan kong tinanggal ang pagkakataklob ng kumot sa aking mukha at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik na at isa itong magandang senyales. Inangat ko ang mga bisig sa ere. Its already one a.m in the morning nang tignan ko ang itim kong wrist watch.

Bumungisngis ako, marahang tinanggal ang pagkakataklob ng kumot sa aking katawan. Sigurado akong tulog na sina mommy, daddy at ang mga katulong sa bahay. Si Kuya naman ay marahil wala pa at nasa street racing niya. O pwede namang kasama yung Stella na dinala niya noong nakaraan sa bahay.

I'm going to grab this opportunity to escape from this house!

Ibinaba ko ang binti sa kama, feeling the red carpet against my feet at yumuko. I grabbed my blue backpack under my bed and tiptoed towards the closet.

I wore my black leather jacket and slid my feet down to my skinny jeans. Tahimik kong sinuot ang itim na flat shoes at isinukbit nang maayos ang bag ko na may lamang skateboard.

Saglit akong dumaan sa salamin at tinitigan ang babae na nakatitig pabalik sa akin. My black hair is tightly pulled in a bun. Bilog na bilog ang mga mata ko na kulay brown. Magkahawig kami ng ilong ni Kuya Damien while my natural red and pouty lips were from my mom.

Kontento akong umalis sa harapan ng salamin at inayos ang pagkakalagay ng skateboard sa aking likuran.

My parents are not allowing me to use this one so I'm hiding it from them.

Baka mag histerya nanaman si mommy na baka maulit ang insidente noong katorse anyos pa lamang ako.

I was using my skateboard nang mabunggo ako ng bike na hindi ko nakita habang umaandar ang skateboard sa subdivision. Since then, I'm not allowed to use them anymore.

Unless, if they're asleep.

The hell! I'm fifteen now and I can handle myself out there.

I'm not a baby anymore. I want a freedom. I want to escape everything for awhile. And that is what I'm gonna do tonight.

Oh yeah Serenity! Be a badass.

I bit my lip tightly at inangat ang glazer ng bintana ng kwarto ko. Nang matapos ay inalabas ko ang ulo ko at nilingon ang bawat sulok ng subdivision na tanaw mula rito. Naramdaman ko kaagad ang lamig ng gabi na nanuot sa balat ko. My lips quivered habang pinapasadahan ko ng tingin ang buong subdivision mula sa aking bintana.

Alright, cool. Mukhang wala ng ibang tao na gising ngayon.

I let my shoes stepped on the surface of the roof. Nang makalabas na ako ay isinara ko nang maayos ang bintana at idinikit ang sticky note na may nakalagay na BUSY BEING AWESOME doon sa salamin sa loob, just in case na sa umaga pa ako makabalik.

Sanay na ako rito sa pag labas masok sa bahay nang walang paalam. Halos dalawang taon ko na ginagawa ko na ito kasama ang mga kaibigan ko na nagpakilala sa akin ng kakaibang klase ng kalayaan.

Minsan kapag nalalaman ito ng mga magulang ko, ay hinahayaan lang nila ako. Pero noong unang beses kong ginawa ito ay halos kainin na nila ako sa sobrang galit nila. Pero habang tumatagal, nasasanay na rin sila.

Pero kapag nalaman nilang gumagamit ako ng skateboard at may nangyaring masama sa akin, baka paghigpitan pa ako lalo. At baka bumalik ang kanilang pagiging halimaw sa tuwing nakaka gawa ako ng mali. My parents love me so much pero ibang usapan na kapag nakakagawa nanaman ako ng hindi tama at may nangyari sa aking masama.

I smirked as I slid down the pipe and to the tree near the roof. Kumapit ako sa magaspang na sanga nito, inilagay ang mga binti sa isa pa nitong sanga at tumalon pababa ng puno. Napa squat ako, napa dapo ang mga daliri sa damuhan at tumayo nang maayos.

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon