Kabanata 05

23.3K 407 15
                                    

Kabanata 05

Pula

Nanood kami nina Shane at Sally ng basketball practice ni Bill ng hapon din na iyon. Nakaupo kami sa bakanteng bleachers, pinapanood si Bill na tumatakbo takbo, at pinapasa ang bola, dinidribol sabay shoot. Sa bawat shoot ay tumitingin siya sa akin upang alamin ang reaksyon ko.

"Baliw na talaga sa'yo." Natatawang sabi ni Shane at inakbayan si Sally.

Tumawa si Sally kay Shane. "H'wag ka nga maingay. Mamaya magalit 'yan si Billy sa atin."

Humagikgik si Shane. "Hindi 'noh. 'Yan si Bill? Hindi 'yan." Sabay subo sa chippies.

Its too hard to remove from my mind. For the rest of the hour, I'm thinking of Bill's feelings towards me. I know. . . He likes me. He told me that he is going to court me.

Pero natatakot ako na baka sa gitna ng paghihintay niya, magsawa siya sa akin. Natatakot ako na baka magsawa siya sa paghihintay. What if he got bored and found another girl? It looks like its an early heartbreak me.

Should I put a line between us para hindi gaanong masakit kung mangyari man? Sumagi sa isipan ko si Kuya Clyde. I'll try to talk to him after class. Baka may maibigay siyang advise sa akin kung sakali man.

"Sige, kita na lang tayo mamaya." Sabay kaway ni Sally nang makarating kaming apat nina Billy sa tapat ng room namin.

Bill nodded to Sally and Shane's direction. Tinapik naman ni Shane ang likuran ni Bill, tinanguan din ako bago kami panoorin na pumasok sa aming classroom. Umalis na rin sila at naglakad patungo sa second floor.

"Do you need a tutor? You need to catch up. Marami kang lessons na namiss nung umabsent ka." Sabi ni Bill at inilapag sa desk ko ang mga books at aking bags.

Umiling ako at pinanood siyang maupo sa tabi ko. "No need Bill. Tinuruan ako ni Kuya Clyde."

Inangat baba niya nang marahan ang kaniyang ulo. Hindi niya inalis ang titig sa akin that's why I suddenly felt conscious for myself. Hinawi ko nang mabilis ang buhok ko, inilagay ang ilang takas nito sa aking tainga at nilingon siya.

I met his dark brown eyes staring back at me. I felt the weird feeling on my stomach nang nanliit ang mga mata niyang ngumiti siya sa akin.

Pumasok si Mr. Gonzales para magturo ng History. Tiyaka pa lamang niya binitaw ang titig sa akin, sumandal nang maayos sa desk at inilabas nang tahimik ang libro.

Pasimple akong nagnakaw ng tingin kay Bill. Seryoso na siyang nakatitig sa isang pahina sa libro.

Naramdaman kong lilingunin niya rin ako kaya nag iwas ako ng tingin at inilabas ang aking history book. My heart is beating hard inside its cage habang iniisip buong oras ang mga mata ni Bill.

Dark blue invades the orange and violet colors above the sky nang pumatak ang oras sa alas sais.

Nang ianunsyo ng teacher namin sa English ang uwian, nagsitayuan na kami sa mga desk namin. Nag pray at nag paalam sa teacher namin. I was about to grab my bag and books nang damputin na ito ni Billy para sa akin.

"Bill, you don't have to do this. Ang dami mo nang bitbit." Wika ko. Hindi pinansin sina Daisy, Jessica at Leeyah na dumaan sa aking likuran.

Ngumuso si Bill nang patagilid. "No. Let me Serenity."

Hindi na ako naka imik. Hindi na nakatanggi. Sumabay na ako sa paglakad sa kaniya palabas ng room habang nagkikwento tungkol sa mga hindi niya nagets sa lesson for today. Inexplain ko naman sa kaniya ang mga hindi niya na gets sa Science kanina.

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon