Kabanata 01

47.4K 605 22
                                    

Kabanata 01
Freedom

Bumaba ako ng hagdanan. Napaka bigat ng mga hakbang ko habang nakatitig sa lalaki na nasa tabi ni Manong Caloy. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang lalaki na nasa tapat ng pinto. Siya ang lalaki na babawas sa kalayaan na mayroon ako. Siya ang lalaki na magiging sagabal sa lahat ng aking plano. This guy in front of me is going to be a pain in my ass for a very long time.

"Serenity Ellain Ortega." Natabingi ang mapula at manipis niyang labi nang banggitin niya ang pangalan ko. Tumindig ang balahibo ko sa boses niyang baritono.

I cocked an eyebrow nang maglahad siya ng kamay sa akin. "I'm Clyde Gabriel Caliente."

Tinitigan ko lang ang kamay niya. Tumikhim si Daddy Craig. My mom elbowed me gently, gesturing me to accept Clyde's hand. I was about to accept it nang ibola niya ang kaniyang kamao at ilagay ito sa loob ng pantalon niya.

Nag isang linya ang labi ko nang maiwan ang kamay ko sa ere. I sighed in frustration and shoved my hand angrily inside my pockets.

"Ilang taon na po siya ma'am?" Magalang na tanong ni Clyde kay mommy.

My mom smiled at him bago ibaling ang tingin sa akin. "She's fifteen."

Mabilis na ibinaling ni Clyde tingin sa akin at pinasadahan ng tingin ang aking katawan. "Wow, mukha po siyang eighteen." Sabay ngisi.

Umirap ako. Nang itigil ko iyon ay naabutan ko si daddy na isang nagbabantang tingin ang ibinigay sa akin.

"Ikaw hijo? Ilang taon ka na?" Tanong ni Daddy kay Clyde.

Seryosong tumingin si Clyde kay daddy. "I'm twenty two sir."

Katahimikan ang dumaan pagkatapos 'non.

"Ah, maiwan ko na po kayo." Sabi ni Manong Caloy na nagbasag ng katahimikan at bahagyang yumuko. "Sige anak, pagbutihan mo ang trabaho mo." Sabay tapik ni Manong Caloy sa likuran ni Clyde. So he is the son of Manong Caloy.

"Opo pa." Sabi nito at gumanti ng tapik sa likuran sa kaniyang ama.

"Salamat nga pala Caloy at inirekomenda mo ang anak mo." Sabi ni Mommy sa driver namin.

Tumango si manong. "Walang ano man, ho. Nangangailangan din po kasi ang anak ko ng pang bayad sa eskwela ng mga kapatid niya. Tiyaka para matigil na siya sa paglalaro niya."

"Hindi ako titigil sa paglalaro pa." Sabi ni Clyde na para bang ipinaglalaban. I was intrigued on what they are talking about.

Bumuntong hininga si manong. "May trabaho ka na."

"Pero hindi pa 'to sapat para mapatayo ko ang bahay niyo." Sabi ni Clyde. Natahimik ako at hindi na umimik pa si Manong Caloy. Mukhang may napagtanto o sumuko na lamang sa pagmamatigas ng anak.

Ibinaling ko ang tingin kay Clyde. Naabutan ko siyang isina salit salit ang tingin sa kaniyang ama at kay mommy. Tinitigan ko siya. Mukha siyang isang model sa underwear or clothing company.

I quit staring at him nang ibaling niya ang mga mata sa akin. Idinapo ko ang mga tingin kay Daddy na naka akbay ngayon kay mommy.

"H'wag ka mag alala Caloy. Aalagaan namin ang anak mo rito." Sabi ni mommy at ningitian ang driver namin.

Yumuko si Manong Caloy. "Salamat po."

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon