Kabanata 02

29.6K 516 7
                                    

Kabanata 02
Bruise

Tinitigan ko ang mga assignments ko. Kanina pa ako nahihirapan sa pag sagot ng assignments ko sa math.

Kinagat ko ang labi ko at itinali muna ang buhok kong mahaba at nilingon si Kuya Clyde na nasa kwarto niya.

Nakabukas ang pintuan ng pintuan nito para makita pa rin niya ako. He is wearing a white t-shirt and shorts habang nakahiga sa kama, nakatuon ang pansin sa isang libro. I sighed at muling itinuon ang pansin sa mga assignments ko.

    Habang nagso-solve sa hiwalay na papel ay narinig kong nag ring ang phone ni Kuya Clyde.

Hindi ko naiwasang lumingon sa kinaroroonan niya at pinanood siyang kuhain ito. Inobserbahan ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang kinakausap ang tao na nasa kabilang linya.

    "Maglalaro pa ako next week okay?!" Napasabunot si Kuya sa sarili niyang buhok. Irritated expression is painted all over his attractive and serious face.

Ano kaya ang pinag uusapan nila? Nagkibit ako ng balikat at idinapo uli ang tingin sa mga sino-solve ko. "Okay. Susubukan ko. Anong oras?" I can't help but eavesdrop.

Natigil ako sa pagsusulat at nakinig sa boses niya. "Susubukan ko. . . oo. Kailangan ko ng pang dagdag na kita. . . yeah. Next month pa ako sisweldo. . . kailangan ko na ngayon." At doon natapos ang usapan niya sa kausap niya sa cellphone.

    Nagnakaw ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko siyang bumagsak sa kama, sa kaniyang mukha ay bakas pa rin ang lungkot at pagka irita.

Inangat niya ang bisig niya at muling itinuon ang pansin sa libro. Kaya ginawa ko na ring busy ang sarili ko sa pagso-solve ng mga math equations.

    "I give up!" I wailed at itinaboy ang mga notebooks ko sa pang huling attempt na mag solve. That's it. I really hate math.

I irritatedly covered my face using my hands at muling pinagmasdan ang mga equations na hindi ko pa masolusyunan hanggang ngayon. Nang lingunin ko ang orasan, ten na pala ng gabi. Parang kanina lang ay alas ocho. Hindi ko napansin.

    "Kailangan mo ng tulong?" Nilingon ko si Kuya Clyde.

He is leaning against the doorjamb at nakahalukipkip akong pinagmamasdan habang may ngiti sa labi niya.

    Tumango ako. "Yes. Ang hirap ng math!"

    Iiling iling siyang ngumisi at naupo sa kama. Naramdaman kong lumubog ang mattress nang maupo siya. He sat near me, facing my notebook. Naamoy ko kaagad ang mabango at natural niyang amoy.

    "Ang dali lang nito." A proud smile crept on his beautiful shaped lips.

    Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Talaga?"

    Tumango siya. "Paborito ko yung math noong kasing edad mo pa lang ako." Pagkikwento niya at dinampot ang ballpen ko. "Halika, turuan kita kung paano 'to. Ano ba ang hindi mo maintindihan?" Malumanay niyang tanong.

    Matapat kong sinabi sa kaniya ang mga bahagi ng lessons na hindi ko nagets. He is listening to my questions with patience.

Sa bawat tanong na ibinabato ko, marami siyang mga kasagutan na ibinibigay. If I'm still confuse, he will show me a trick or a shortcut.

Saglit akong natuwa dahil naintindihan ko ang mga turo niya. At ng mga sandaling din na iyon, hiniling ko na sana sumapi siya sa teacher namin sa math na mukhang hukluban.

    "Gets mo na?" Nilingon niya ako.

Tumango ako at ngumiti para basagin ang awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Kuya Clyde. "Good. Eleven na. Tulog ka na." Sabi niya at tumayo sa kama.

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon