Kabanata 03

26.9K 519 8
                                    

Kabanata 03

Safe

Tinitigan ko ang sopas na nakalagay sa tray. Kuya Clyde gave it to me this morning. Hindi ko masyadong magalaw ang aking mga binti at kung susubukan ko man, lubhang masakit. I tried to raised my right arm. I grimaced in pain and tried my another arm but I just couldn't.

Narinig kong ibinaba ni Kuya Clyde ang cellphone niya sa kaniyang kandungan. He stared at me using his blank expression. Gumanti ako ng titig sa kaniya, sa mukha ko ay nanatiling bumabaha ang nasasaktang histura.

"Kung hindi ka lang sana nang tangkang tumakas." Mariin niyang sabi, naupo sa gilid ng kama.

Bumuntong hininga ako sa inis. "Okay. Alam kong kasalanan ko Kuya."

Mahina siyang tumawa at dinampot ang kutsara sa bowl. Hindi niya pinansin ang pagsusuplada ko, nanatili lamang siyang nakangiti at itinuon ang pansin sa pagpapakain sa akin.

"Absent ka nga pala ngayong araw. Sayang naman yung assignment mo sa math." Aniya at pinunasan ang gilid ng bibig ko gamit ang table napkin. "Dibale, bawi na lang tayo sa susunod." Utas niya at ipinagpatuloy ang pagpapakain sa akin.

Nanatili lamang ako sa kama ko buong tanghali. Sunod sunod ang mga text na narecieve ko kay Daisy, Jessica at Leeyah pero ni isa ay hindi ko nagawang reply-an dahil wala akong gana. Nanatili akong nakahiga sa kama. Si Kuya Clyde ay nakatulog na sa arm chair na nasa gilid ko lamang.

Ang mga kamay niya ay nakapatong sa libro na hawak hawak niya. Ang mga ulo niya ay nakatingala, naka awang ang labi niya at hindi ko maiwasan ang sarili na hangaan kung gaano siya ka-cute tignan sa kaniyang kalagayan.

Nakatulog na rin ako habang nakatitig sa kaniya buong tanghali. Nang magising ako, wala na siya sa arm chair. Nakita ko siya sa kaniyang silid, at nag eehersisyo. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya, sinubukang igalaw ang mga binti at bisig ko. I felt a little pain pero naigagalaw ko na ito unlike last time.

Sinubukan kong bumangon. Napakurap ako. May kaunting kirot akong naramdaman pero nagawa kong mapaupo sa kama.

"Serenity!" Nakita kong tumakbo patungo si Clyde sa akin.

Pawisan siya dahil sa pag w-work out. Tumingala ako sa kaniya. Ang buhok niyang bahagyang magulo ay nalalaglag sa kaniyang noo. Mabilis ang pag hinga niya dahil sa hingal. "Kaya mo na ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "I'm trying."

"Seryoso. Kaya mo na ba?" Tanong niya ulit at naupo sa gilid ng kama ko.

Kinagat ko ang labi ko. My fracture must be really serious. Kaya naman ng hapon din na iyon ay napagdesisyunan ni mommy at daddy na dalhin ako sa hospital. Pina x-ray ako, gumawa ng ilang mga test, at binilinan na magpahinga muna hanggang mawala ang sakit. Niresetahan din ako ng doktor ko ng mga pain killers.

"Sana natuto ka na." Sabi ni Kuya Clyde sa akin at inalapag ako sa backseat ng SUV.

"Anak, huwag mo ngang kausapin si Ma'am Serenity ng ganyan. Amo mo pa rin 'yan kahit mas matanda ka." Pag saway ni Manong Caloy.

Hindi na ako nakapag salita. Hinayaan ko ang sarili ko na mahiga sa upuan sa backseat. Ang binti ko ay nasa kandungan ni Kuya Clyde.

"Siya na ang nagsabi sa akin Pa na huwag ko siyang tratuhin na amo. Ginawa ko lang naman ang sinabi niya." Pangangatwiran ni Clyde sa papa niya.

"Ah ganoon ba?" Dinig kong sabi ni Manong Caloy.

Nang gabi din na iyon ay naka tanggap ako ng tawag sa mga kaibigan ko. Hindi ko pa rin sila nababalitaan tungkol sa kalagayan ko. Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag mula kay Daisy.

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon