High School Pandemonium

36 1 3
                                        

  "Ruds!", isang pamilyar na boses ang tumawag paglabas ko ng silid namin. Third subject na ng pumasok sya. Malagkit. Pawis na pawis. Nangitim na ang kwelyo ng polo ni Bok dahil sa naghalong libag at pawis nya. Napansin ko rin ang mga galos sa namamaga n'yang braso. Hingal na hingal at akala mo'y hinihika syang tumakbo papalapit sa amin.

       "O anong nangyari sa'yo? Bat ngayon ka lang?", tanong ko sa kanya.
      
       "Ah. E. Wala. Dyan lang s-sa labas. Nakatulog kasi ako kaya nalate ako e."

       "Ah. Ano 'yang hawak mo?"

       "Ah. Ito? Wa-wala 'to. Supot lang.", agad isinilid ni Bok ang hawak nyang puting pakete sa kanyang bag sabay akbay sa 'kin.

       "Halika na p're. Pasok tayo. Ano nga pala ginawa n'yo sa first subject?", tanong ni Bok habang pinupunasan ang nagmamantikang mukha n'ya.

       "Kingina 'yon si ma'am. Kinain ata ng inidoro. Pagkatapos magcheck ng attendance nilayasan kami. Sabi magbabanyo lang pero di na bumalik. Sipag pa naman magsikopya ng assignment ng mga gago kanina.", hindi mag-abot sa dila ko ang panlalait sa guro naming puro attendance check lang ang ginagawa. Kulang na lang sya na rin magtabi ng mga gamit para magmuka na syang gwardya.

     "E sa pangalawang subject?", mga braso naman ang pinunasan ni Bok.

        "Ayun, imbes na math naging GMRC. Nag-ingay nanaman kasi 'yung mga kinginang kaklase natin. Isang buong misa nanaman tuloy 'yung sinabi ni ma'am."

      "Wala namang bago sa gago na 'yon e."

      "Sinabi mo pa. Binentahan pa kami ng module pagkatapos. Gagamitin daw 'yon para sa susunod na klase."

     "Tangina. Nakuha pa kayong bentahan? Puta magsesermon lang naman ulit sya sa susunod na meeting e. Para sa'n pa yung pukeneneng module nya?"

      "Ewan ko" na lang ang naisagot ko sabay kamot sa ulo. Diko kasi talaga maintindihan ang teacher namin. Entrepreneurship ang subject na itinuturo nya pero nagiging GMRC sa tuwing may makikita syang mali sa mga kaklase namin. Halimbawa, makita nya lang na nagchechewing gum ang isa sa mga kaklase namin agad nya itong sisitahin, sabay sermon. Sa una, disiplina namin ang titirahin nya. Tanggap pa namin dahil may kinalaman pa naman ito sa ginawa ng kaklase namin. Tapos sisingitan nya ng mga masasamang epekto ng chewing gum sa katawan ng tao. Katanggap-tanggap pa rin naman. Tapos bigla syang magsisingit ng mga batas, kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, Japan, Singapore, Tacloban, at sitwasyon ng anak nya sa karelasyon nitong lesbian. Ganyan ang proseso nya sa bawat meeting na lang na ginawa ni Antoñetta. Nakakairita. Walang kwenta. Mabuti na lamang at isang beses sa isang linggo lang kami nagkaklase sa kanya. Pero may isa pa kaming problema, ang teacher namin sa susunod na subject.

     "Okay class. Goodafternoon.", walang kalatuy-latoy na bati sa 'min ng History Teacher naming puro bubog sa mukha. Medyo may katandaan at eksperto sa Alien Language at sa mga murang sya lang ang nakakaalam. Hindi rin sya mahilig tumayo habang nagtuturo kaya siguro na-master nya na ang pagsusulat kahit naka-upo at nakatalikod. Itataas nya lang ang kanang kamay nyang may hawak na chalk, basta lumampas sa ulo nya okay na. Sisimulan nyang magsulat... ng diretso! Lahat pantay-pantay at gothic letters pa! Ganyan sya kalupet. Kahit si Linda Blair hindi kayang gawin ang kakayahan nya. Minsan ko na rin syang ginamit na example ng minsan akong sermunan at tanungin ng nanay ko tungkol sa mga mabubuting bagay na naidudulot ng katamaran. At goodnews, pati nanay ko napamura dahil sa kwento ko tungkol sa kanya.
      

High School PandemoniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon