High School Pandemonium

7 1 0
                                        

"O bata, alam mo na kung kanino mo ibibigay 'yan. Ingat ka lang dahil malapit sa presinto bahay no'n. Pagnahuli ka pati ako yataps sa mga 'yon.", tinapik-tapik ng balbas-saradong mama ang balikat ng binatilyo sabay abot ng ilang pakete ng batong biyaya mula sa sinumang pesteng nakadiskubre nito para sa mga taong gustong makaramdam ng kapangyarihan ni Superman.

"Opo boss, ako ng bahala.", ibinulsa ng binata ang mga pakete na agad namang lumusot sa kanyang butas na bulsa papunta sa lapag. Mabilis nya itong pinulot upang ilipat sa kabila nyang bulsa. Agad syang lumabas ng maliit na dampa upang ideliver ang itinuturing nyang biyaya. Bakas ang kaba sa mukha ng binata kahit ilang taon nya na itong ginagawa kapalit ng kaunting barya.

Maingat syang naglakad patungo sa babagsakan n'yang area. Palingon-lingon ang binata. Sa kanan, kaliwa, harap at likod. Inaasinta ang bawat kanto at eskinitang dadaanan nya. Mala-customs naman kung inspeksyunin nya ang bawat sasakyang nakasunod sa kanya. Nakikiramdam sa mga matang maaaring maging balakid sa kanyang misyon at maging mitya ng katapusan ng buhay nya.

Malapit sa isang palengke, lumiko sya sa isang makipot na eskinitang walang masyadong dumaraan. Sa katirikan ng araw matyaga n'ya itong binaybay. Maingat at mapanuri sa bawat galaw. Pero bago pa man sya makarating sa target area upang maideliver ang pakete ng grasya, bigla na lang syang nakaramdam ng higpit sa kanyang nagmamantikang braso. Lingid sa kaalaman nya na nasundan na pala sya ng isang pulis. Mahigpit ang hawak nito na agad nagpamaga sa mga braso ng binata.

"San ka pupunta bata?!", panggugulat ng matabang pulis sa binata na noo'y namumutlang nakatitig sa kanya.

"P-papasok po.", nanginginig na sagot ng binata sa pulis na alam nyang magiging katapusan ng buhay nya kung sakaling 'di sya makawala mula sa mga kamay nito.

"Kelan pa nagka-eskwela dyan?! Ano 'yang nasa bulsa mo puta ka ha?!"

"Bitawan moko!", kinagat ng binata ang kamay ng matabang pulis na noo'y kinukuha ang posas na nakasabit sa likod ng putok na pantalon nya. Swerte namang nabitawan sya nito kaya nagkaroon sya ng pagkakataong makatakbo papalayo.

"Araaaaaay! Bumalik ka dito leche ka!", sigaw ng matabang pulis na noo'y sumuko na sa paghugot ng posas na naipit sa taba nya. Agad nyang niradyuhan ang mga kapwa nya pulis para mag-abang sa mga lagusang pwedeng labasan ng binata.

High School PandemoniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon