Xiara's POV
After 4 years..
"Magandang umaga po, Aling Eva." nakangiti kong bati habang inaayos ko ang mga bulaklak na idedeliver mamayang alas siete sa Maynila.
"Magandang umaga din sayo, hija. Napakaaga mo naman atang pumunta rito. Mamaya niyan ay mawalan ka na ng panahon kay Sandro." sabi pa nito at tinulungan ako sa pagbubuhat ng paso.
"Hindi naman po sa ganoon, Aling Eva. Kaya po ako pumasok ng maaga ngayon ay para sana makauwi ng maaga. Balak ko po sanang ipasyal siya ng ako ang kasama." malumanay kong wika rito. Tumango tango ito at nginitian pa ako.
"Alam mo, Ella. Napakalaki na talaga ng ipinagbago mo. Noong unang mga araw mo pa lang sa akin ay hindi kita kailanman nakitaan ng saya. Para ka pang may sakit noon dahil sa kapayatan mo pero tignan mo. Gumaganda ka habang tumatagal ang panahon. Hindi lang iyon, nakikita ko ang mga kislap sa mga mata mo simula ng isilang si Sandro." nakangiti nitong wika at hinaplos pa ang pisngi ko.
"Ganoon po ba? Siguro talaga nga lang nagbigay ng panibagong pag asa at saya sa akin ang anak ko. Na kahit gaano man naging mahirap ang mga pinagdaanan ko ay binigyan niya naman ako ng makulay na mundo ngayon." tinanguan pa ako nito at nagsimula na muli kaming magtrabaho.
Matagal na panahon na simula ng lumayo ako sa Maynila. Simula ng iwan din ako ni Kuya Warren noong araw na iyon ay hindi niya na muli akong dinalaw pa. Pero tinatawag tawagan naman niya ako.
Kahit kailan ay hindi ako nagtanong ng tungkol sa mga pangyayari sa Maynila kahit ang tungkol kay Sandro ay hindi ko kailanman binanggit kay Kuya.
Siguro ay kapag naisipan ko ng dumalaw sa Maynila ay tsaka ko na lamang ipapakilala si Sandro kay Kuya.
Naging mahirap man kasi ang nangyari sa akin noon ay unti unti ko rin natanggap ng dahil na sa tulong ng mga taga-Pangasinan. Nangunguna na rito si Aling Eva.
Lalo na noong nalaman kong ipinagbubuntis ko si Sandro. Halos manghina ako noon at balak ko pa itong ipalaglag dahil sa hindi ko na alam ang tamang gagawin. Ni hindi ko nga alam kung paano ako makakahanap ng trabaho ng mga panahong iyon.
Hanggang makasalubong ko si Aling Eva sa daan. Tinulungan niya akong makabangon muli sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa akin dito sa negosyo niya. At doon nagsimulang muli ang pagbangon ko.
Inunti unti ko ang pagbuong muli sa aking pagkatao, sa pag ngiti ng walang alinlangan at patuloy na mabuhay ng payapa at masaya.
Natuto muli din akong manampalataya sa Diyos at maging matatag hindi lamang para sa sarili ko pero para na din sa akin anak.
Naputol ang pag iisip ko ng may ibalita sa maliit na telebisyon ni Aling Eva. Doon ko nakita ang taong matagal ko ng hindi nakikita pero nakapagbibigay pa rin sa akin ng malakas na pagtibok ng puso.
Lalo itong gumwapo kung tutuusin. Tumangkad siya at pumuti. Lumaki rin ang pangangatawan nito at halatang napakasaya na sa estado ng kanyang buhay. Napabuntong hininga na lamang ako.
Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang isang sopistikadang babae na nakaangkla sa kanyang braso habang papasok sila sa isang presscon.
Hindi maiiwasang may kumirot sa aking dibdib lalo pa noong sinabi ang nalalapit na engagement party nito. Akala ko kaya ko na pero hindi pa pala. Pinatay ko na lamang ang tv tsaka itinuon ang sarili sa pagtatrabaho.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)
Roman d'amourXiara Wriella Clemente and Simon Chromewell's Story "S-sir, uuwi na nga po pala ako. Kung may ipapagawa pa po kayo eh tatapusin ko na lang po bukas. Ingat po." tumalikod na ako pakasabi ko non pero napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga bisig niya...