Xiara's POV
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay sa mga nakikita ko. Nagmamadaling naglakad ako sa pwesto ni Pia habang nakatutok ang atensyon ng lahat kay nila Simon at sa fiancee nito.
Nang makalapit na ako rito ay hindi ko mapigilang mapakita abg pagkainis ko sa kanya.
"Pia! Ano bang pumasok sa kokote mo at dinala mo rito ang anak ko?! Nahihibang ka na ba?!" nanggagalaiti kong wika ngunit sa mababang tono lamang. Ayokong makaagaw ng atensyon ng iba dahil kung mangyari iyon, tiyak na maaaring magpang-abot si Simon at ang anak ko.
"Sa labas tayo mag-usap, Xiara Wriella. Gusto kitang sabunutan pero hindi ko magawa rito." wika nito na mayroong seryosong mukha. Tinalikuran pa ako nito.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Paano ang anak ko? Ayoko namang makita niya na nakikipag-sigawan ako sa Tita niya.
Sinulyapan ko ito at kita ko namang nakangiti lamang siya sa akin habang hawak ang Ipad na iyon.
"Sandro, anak. Mag-uusap lang kami ni Tita Pia mo sa labas ha? Babalik din ako agad." hinaplos ko ang mukha nito at hinalikan sa noo.
"Opo, mama. Ayos lang po ko dito. Good boy po ako promise!" tinaas pa nito ang kanang kamay nito. Napangiti tuloy ako kahit nakakaramdam ako ng kaba.
"Huwag kang makikipag-usap kahit kanino. Huwag kang sasama kapag hindi ako o ang tita mo ang nagyaya." paalala ko pa at tinanguan niya lang ako.
Nagmamadali naman akong lumabas doon sa venue at agad ko namang nakita roon si Pia na prenteng nakasandal sa gilid.
Pagkalapit ko pa lamang rito ay nakakuha agad ako ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Para akong natigagal. Hindi ako makakilos sa pwesto ko.
"HINDI AKO NATUTUWA SAYO, XIARA WRIELLA! PINASUNDAN KITA! AKALA KO BA MATALINO KA? BAKIT HINAYAAN MO NA NAMAN ANG SARILI MONG MAGPAGAMIT KAY SIMON? ANO?! WALA KA NA BANG NATITIRANG RESPETO SA SARILI MO? NA PAGKATAPOS NG LAHAT MAGPAPAKANTOT KA NA LANG ULIT SA LALAKIN IYON?!" sigaw nito sa akin. Hindi ko maiwasang mapaiyak sa mga salitang binitiwan niya.
Alam ko naman eh. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Eh anong magagawa ko kung matapos ang mahabang panahon ay siya pa din ang nilalaman ng puso ko?
"SABI MO SA AMIN, AYAW MONG MALAMAN NI SIMON ANG TUNGKOL KAY SANDRO KAYA NIRESPETO NAMIN IYON. PERO ANO? IKAW MISMO ATA ANG SISIRA SA SARILI MONG DESISYON! TUTAL GANYAN LANG DIN NAMAN, EDI BAKIT HINDI NATIN SABIHIN KAY SIMON ANG TUNGKOL RITO SA MISMONG ENGAGEMENT PARTY NIYA DIBA?" sigaw muli nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Parang awa mo na, Pia! Huwag mong gawin sa akin to! Alam ko nagkamali ako at hindi maganda iyon pero anong magagawa ko! Mahal ko pa din siya! Pero kaya ko namang kalimutan iyon eh, kaya nga hindi na ako babalik dito sa Maynila pagkatapos ng gabing ito. Kaya parang awa mo na, Pia! Parang awa mo na! Huwag mong sabihin sa kanya. Kaya kong saluhin lahat ng sakit at pagdurusa huwag lang ang anak ko, huwag lang si Sandro. Ayokong masaktan siya!" humahagulgol kong wika at napaluhod na lamang.
Ang sikip sa dibdib. Ayoko ng ganito lalo pa at sobrang lapit lang ng anak ko sa kanyang ama.
"PIA! SHASHA!" napalingon kami sa likod at natagpuan ko roon si Kris na humahangos na lumapit sa amin.
Tinulungan ako nitong tumayo at ipinatong sa balikat ko ang coat niya.
"Hindi kayo matutuwa sa sasabihin ko pero si Sandro.. Kasama si Simon ngayon." nag-aalalang saad nito. Pakiramdam ko ay lalo atang tinakasan ng kulay ang mukha ko.
Hinatak na lamang nila ako papasok ng venue at doon. Natagpuan ng aking mga mata na masayang nakaupo si Sandro sa kandungan ni Simon. Nagtatawanan pa ang mga ito na para bang sila lamang ang tao doon.
Pagtingin ko sa paligid ay natagpuan ko ang mga guest na naaaliw na nakatingin sa kanila lalo na ang fiancee nito.
Patakbo akong lumapit sa mga ito at nagmamadaling binuhat si Sandro.
"Mama!" natutuwang wika ni Sandro at hinalikan ako sa pisngi. Pagtingin ko kay Simon ay seryoso ang mga tingin na ipinupukol sa akin nito at nakatiim bagang pa.
Napahigpit ang yakap ko sa anak ko na para bang sa oras na bitiwan ko siya ay tuluyan na siyang mawawala sa akin.
Nagmamadali akong tumakbo palabas ng venue na iyon at alam kong nakasunod ito sa akin. Naririnig ko rin ang kislapan ng camera kaya lalo akong nakakaramdam ng kaba.
Jusko po. Ano bang ginawa kong mali at kailangan kong maranasan ang lahat ng ito. Pagkarating ko sa parking lot kung saan nakaparada ang service truck ay ipinasok ko doon si Sandro.
Papasok na rin sana ako nang hablutin ng kung sino man ang kamay ko kaya napaharap ako rito. Doon ko natagpuan ang mga nanlilisik na mga mata ni Simon.
"WHERE DO YOU THINK YOU'RE FUCKING GOING?" galit na wika nito. Wala nag nakasunod na media rito kundi ang tatlong bodyguard niya na lamang.
"B-bitawan mo ako!" nagpupumilit akong magpumiglas rito ngunit masyado siyang malakas. Sumenyas pa siya at pilit nilang kinuha ang anak ko sa loob ng truck.
"Ano ba! Pabayaan niyo na kami! Ano ba?! Huwag niyo kuhanin ang anak ko!" nagsisisigaw ako pero hindi nila ako pinansin. Kinaladkad naman ako ni Simon hanggang makarating kami sa tapat ng kotse niya at marahas akong ipinasok roon.
"Drive and bring us to my rest house, now!" maawtoridad na wika nito sa driver niya. Pilit pa din akong kumakawala sa kanya pero lalo lamang humihigpit iyon at nasasaktan ako.
"Simon, ano ba?! Nasasaktan ako!!" sigaw ko rito at alam kong hilam na ng luha ang mukha ko. Wala na akong pakielam kung lalo akong magmukhang mahina o magmukhang tanga, ang importante sa akin ngayon ay ang makalayo kami ng anak ko.
"MASASAKTAN KA LALO SA AKIN KAPAG HINDI KA TUMAHIMIK!" sigaw nito sa akin.
"EH PUTANG INA MO PALA EH! BAKIT BA HINDI MO NA LANG KAMI PABAYAAN NG ANAK KO AT NAKIKISALI KA PA SA PROBLEMA!" napipika na ako at habanf tumatagal na kasama ko sa iisang lugar si Simon ay lalo lamang naninikip ang dibdib ko.
"AT BAKIT KO KAYO PABABAYAAN NG ANAK NATIN?! ANONG AKALA MO SA AKIN TANGA?! NA SA LOOB NG APAT NA TAONG WALA AKONG BALITA SAYO NA MAY ANAK PALA TAYO EH, PALALAGPASIN KO NA LANG?!" nagtaas baba ang dibdib nito sa galit at kita ko ang pamumula ng mata nito sanhi ng galit at pagkabigo.
Umiwas na lamang ako ng tingin at nanghihinang napasandal sa bintana.
"Ganyan naman kayong lahat diba? Isisisi niyo sa akin lahat ng pagkakamali na para bang wala kayong ginawang mali o kasalanan. Na para bang ako lang ang nagkaroon ng maling desisyon sa buhay." hinayaan kong tumulo ng tumulo ang mga luha ko habang nakapikit. Naramdaman ko rin ang unti-unting pagbitiw niya sa kamay ko.
"Sana pinatay niyo na lang ako. Para hindi ko na lang nararanasan lahat ng paghihirap ko ngayon. Pagod na ako eh. Pagod na pagod na." sa isang iglap lang, lahat ng sakit noong apat taon ay bumalik muli sa pagkatao ko.
Iyong kalungkutan na unti-unti muli akong nilalamon hanggang kahinaan at negatibong paniniwala na lang ang natitira.
Simon's POV
Napabuntong hininga na lamang ako at pinigilang mapaluha habang tinititigan ang natutulog na si Xiara sa tabi ko.
Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan siya sa noo. Mahal na mahal ko talaga siya.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya pinagsalitaan ng mga ganoon kanina. I just can't control my emotions that's why I bursted out like that.
I'm really stupid and I hope, I could make it up to her. I could make it up to my son.
********************************
HAPPY NEW YEAR GUYS! So ayun, akala niyo may putukan? Ayaw ko muna. Hahahahaha! Medyo sabaw pero basta, abangan. Mga ilang chapies na lang tapos na to.
Salamat sa pagsuporta! Baka magbago isip ko at matuwa ako kay Fafa Simon, bigyan ko siya madaming POV. Lav Ya! Mwaaaah! :*
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)
RomanceXiara Wriella Clemente and Simon Chromewell's Story "S-sir, uuwi na nga po pala ako. Kung may ipapagawa pa po kayo eh tatapusin ko na lang po bukas. Ingat po." tumalikod na ako pakasabi ko non pero napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga bisig niya...