Xiara's POV
"Mama, bakit po hindi dumadalaw si Papa?" nagliligpit ako ng mga labahin ng tanungin sa akin iyon ni Sandro.
Nilingon ko ito at kitang kita ko ang pagkadismaya at pagkalungkot. Hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag dahil halos tatlong buwan na simula ng makita ko siya.
Napailing na lang ako at lumapit kay Sandro. Hinaplos ko ang mukha nito at binigyan siya ng magaang halik sa noo.
"B-baka busy lang ang Papa mo, anak. Intindihin mo na lang siya ha? Atsaka siguro kasalanan ito ni Mama kasi may hindi kami napagkaintindihan." mahinahong wika ko. Tumango naman ito at ngumiti ngunit kita ko pa din ang mga lungkot sa mga mata nito.
Alam ko kasalanan ko ito. Kasalanan ko ito dahil naging matigas ang puso ko. Hindi ko man lang kinonsidera ang nararamdaman ng anak ko sa mga maaaring mangyari.
Pati ang mga kaibigan ko ay hindi ako magawang kausapin. Ilang beses ko silang tinawagan pero isa lamang ang sagot nila sa akin. Ayaw nila akong makausap.
Hindi ko sila masisisi dahil tanga pa din ako sa mga ganitong bagay. Sa pagdedesisyon o sa pagkonsidera ng mga importanteng bagay.
"Sige, Mama. Lalabas po muna ako kasi sasamahan ko po si Ate Nena." tumakbo na ito palabas kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa pag-aayos ng mga gamit.
Alam ko naman na naghahanap ng ama ang anak ko pero paano ko naman iyon maibibigay sa kanya? Lalo pa ngayon na nabalitaan ko kay Aling Eva na ipinalabas na daw sa telebisyon ang paghahanda sa nalalapit na kasal ni Simon.
Noong mga panahong iyon ay gusto ko na lamang ibaon ang sarili ko sa lupa dahil mas malala pa sa pagsisilya elektrika ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay sinusubukan ko na lamang balewalain ang sakit dahil kung iindahin ko iyon ay baka paglamayan na ako sa susunod na araw.
Kaya nga hindi na ako umaasa pang may milagrong mangyayari na isang araw, maaari naman palang maging isa kaming buong pamilya. Ang kaso, sa realidad, bubuo siya ng pamilya kasama ng ibang babae at hindi kami kabilang ni Sandro roon.
Naputol ang pag-iisip ko nang mayroong kumakatok sa pinto. Tumayo agad ako at pinagbuksan ito, doon ay bumungad sa akin ang nakapamulsang si Kuya Warren.
"K-kuya.. Ahm, pasok ka." paanyaya ko rito. Pumasok naman ito at prenteng umupo sa sofa.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pumunta ako rito para dalhin kayo ni Sandro sa Maynila. Kayo ang may karapatan sa pangalan ni Simon at hindi kasama roon si Gilliana o kung sino mang babae." seryosong wika nito. Napanganga na lamang ako at hindi alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya.
Tumingin ito sa akin at kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Si Marie Azalthea at Gilliana ay iisa. Nagpa-plastic surgery siya para lamang maisagawa ang plano niya laban sa Chromewell Family. Iniimbestigahan pa namin ng mga kaibigan ko kung sino ang mga kasabwat o ang ulo ng kagaguhang ito. At sa oras na ito, gusto ko ay kunin niyo ang karapatang dapat lamang sa inyo. Sapat na rin ang dalawang buwang paghihirap ni Simon nang wala kayo sa tabi niya. Masakit para sa akin ang makita ang kapatid ko na ganoon kamiserable habang ang babaeng iyon ay unti-unting winawaldas ang pera ng kapatid ko." mahabang wika nito.
Nanatili lamang akong nakatayo roon. Walang kahit anong salita ang namutawi sa aking bibig.
Hindi ko akalaing may mga ganito na palang mga bagay ang nangyayari sa paligid. Ni hindi ko alam kung paano ako magre-react o kung ano dapat ang sabihin ko.
"Huwag lang pagtayo ang gawin mo diyan, Ella. Tumatakbo ang oras at madami pang dapat gawin." sabi nito. Tumayo na ito at akmang lalakad na ng humahangos na pumasok si Nena.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)
RomanceXiara Wriella Clemente and Simon Chromewell's Story "S-sir, uuwi na nga po pala ako. Kung may ipapagawa pa po kayo eh tatapusin ko na lang po bukas. Ingat po." tumalikod na ako pakasabi ko non pero napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga bisig niya...