"So paano yan break na kayo ni Darryl? I mean. .hindi na kayo magkukunwaring kayo?" tanong ni Maricar saakin. Nag-emergency chika meeting kuno kami sa aming tambayan ngayon. Ilang araw na rin mula nung nagtapat saakin si Darryl ng feelings niya sa tulong ng mga 'to at hindi na kami nag-usap simula nun pag hindi kinakailangan, lumalapit naman siya pag nandyan ang nanay ni Neil pero hindi siya nagsasalita. Pakiramdam ko nga nakakahalata na eh, wag naman sana kami mabuko.
"Di ko nga alam ang gagawin best, ginagawa pa rin naman niya yung mga dati. Hinahatid at sundo pa rin niya ako sa bahay. .yun nga lang hindi niya ako kinakausap o sinasabayan man lang maglakad. Palagi lang siyang nasa likod at nagmamasid, hindi ko tuloy alam ang iniisip niya. Sa tagal na naming magkakilala ngayon lang siya umakto ng ganyan", sagot ko.
"Ngayon lang din siguro kasi siya nasaktan ng ganyan", seryosong pahayag naman ni Darling.
Napatingin kaming lahat sa kanya dahil sa sobrang seryoso ng pagkasabi niya nun. Unang beses ko lang ata narinig ang panlalaking boses ni Darling. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit parang natauhan ako sa sinabi niya. Tama siya, nasaktan ko nga ng husto si Darryl. Akala ko kasi maiintindihan niya at masasalba ko pa ang pagkakaibigan namin pero ang tanging nagawa ko lang ay maging makasarili. Inisip ko lang kung anong makakabuti sa'kin, na mas magiging maayos ang lahat kung walang komplikasyon.
"Don't worry Keisha, tingin ko he will not leave you naman. You know, as a friend" - Samantha
Narinig nanaman namin ang seryosong tinig ni Darling, "Nagpapakatotoo ka ba talaga Keisha o pinipilit mo lang paniwalain ang sarili mo para walang komplikasyon? Kilala kita mahilig kang umiwas sa mga bagay na komplikado parang math problems, tinutulog mo nalang pag hindi mo masagutan"
"Wow hugot level 100000!" - Maricar
Si Samantha naman mukhang nagloloading pa sa sinabi ni Darling at ako? Ayoko nang isipin. Mahal ko si Neil at boyfriend ko siya. Maaaring magulo sa ngayon pero alam kong kaya namin ito. Si Darryl pa rin ang isa sa mga bestfriends ko at hindi magbabago yun kahit anong mangyari. Kung kailangan ko ulit humingi ng tawad gagawin ko. Tama, iyon ang gagawin ko.
"Hihingi nalang ulit ako ng tawad, gagawin ko iyon hanggang sa mapatawad niya ako" pahayag ko.
"Paano kung hindi ka pa rin niya mapatawad?"- Darling
"Naniniwala akong mapapatawad niya ako, hindi pa siguro ngayon pero pinanghahawakan ko pa rin ang matagal naming pagkakaibigan at tingin ko sapat na iyon para patawarin niya ako"
Tumayo si Darling at mukhang aalis na.
"Where are you going?" pigil sa kanya ni Samantha.
"Madam hindi pa po tapos ang meeting, ikaw nga ang pasimuno tapos aalis ka?" -Maricar
"Naisip ko kasi na wala namang kabuluhan 'to. Sarado ang isip at puso ng babaeng 'yan. Maloloka lang ako, sayang ang beauty" sagot naman ni Darling sa kanila.
Nainis na siguro siya saakin, slow nanaman ba ako? Ano bang pinaparating nila? Kaya nga ba ayoko ng mga komplikadong sitwasyon! Humarap si Darling sa'kin ng huling beses bago siya lumabas at sinabing, "Sana lang Keisha humingi ka ng tawad dahil sa tamang dahilan ng pagkakamali mo, hindi dahil lang sa iniisip mong pagkakamali mo. Inaamin kong Keiryll ako pero hindi ko 'to sinasabi dahil duon, sinasabi ko ito dahil kaibigan ko kayo kaya gusto ko kayong maging masaya. Please lang, pakinggan mo kung anong nararamdaman mo at wag mo hayaang pangunahan ka ng takot"
_________________________________________________
BINABASA MO ANG
Love Switch (ON-GOING)
RomanceNaranasan niyo na ba magkalovelife ng nakakaloka? Ay loka-loka nga pala tayo pag naiinlove noh XDD Eh paano pag yung talagang nakakaloka as in?? Sa sobrang gulo eh puro nakakaloka nalang nasasabi ko=_= Sino ba namang di magkakaganito pag ang boyfri...