"Sha! Anong petsa na? May balak ka ba pumasok sa school o tutulala ka lang dyan?" sino pa ba yang may sagad na energy sumigaw este salita palang yan ah. Edi ang aking dear mama.
"Meron naman mama, wait lang bumebwelo pa" yan lang nasabi ko, wala talaga kasi ako sa sarili mula kagabi. Iniisip ko kasi kung anong sinabi ng nanay ni Neil sa kanya.
"Sasakyan lang may bwelo?" pambabara naman sakin ni madear.
"Oo mama tama yan, nanganak ka ng sasakyan. Nakuuu makaalis na nga" sabay alis ko ng bahay. Madali pa naman makahalata yun pag may iniisip ako baka magtanong pa.
"Malilate na tayo" sabi ni Besh na nakasandal sa may gate namin. Nalimutan kong sabay pala kami. .wew wala ka talaga sa sarili Keisha! Gising-gising pag may time.
"Di ka nakatulog?" puna niya.
"H-ha? Ba't mo naman nasabi yan Besh?"
"Tignan mo oh mukha kang panda" seryoso niya sinabi yan. .hinihintay ko nga tumawa eh pero diretso lang tingin niya sakin.
"Hahahaha naman besh alam kong maladyosa ang ka-cute-an ko pero bakit naman panda? hahaha" edi ako nalang tumawa kahit di ko talaga gets.
"Lakas ng hangin mo kahit kelan. .panda kasi yung palibot ng mata nun kulay black, parang yang eyebags mo" paliwanag niya.
"Iiiiiihhh besh naman eh! Di nga?" ayoko nga magpakita kay Neil na ganto itsura ko mag-aalala pa yun.
"Ano ba kasi nangyari?" seryoso pa rin talaga mukha niya. Halatado na eh. .wala talaga ako masisikreto sa kanya.
"Alam na ng nanay ni Neil ang tungkol samin" sabi ko.
"Tutol ba siya?"
"Yun nga yung iniisip ko eh, pa'no kung tutol siya ano gagawin namin? *sigh*
"May tiwala ka ba sa boyfriend mo?"
Tumango ako.
"Yun naman pala eh, wag ka na mag-isip masyado" pag-aalo niya. "Kung hindi niya kayang magpakalalake, ako bahala sa'yo"
Bigla namang gumaan pakiramdam ko sa sinabi niya. Oo may tiwala ako kay Neil, pati rin kay Besh. .kaya bakit nga ba ako matatakot.
"Uy Bestie, kamusta pala bf mo? Selos pa ba? usyoso ni Maricar pagkaupo ko.
"Did you talk to him na about that thingy?" pagsali ni Samantha.
"Diba sabay kayo umuwi bakla, ichika na yan!" -Darling
"Okay na. .nilinaw ko sa kanya na wala dapat ikaselos" sagot ko sa kanila.
"Eh ba't ganyan mukha mo parang di pa rin ayos?" - Maricar
Sumang-ayon naman yung dalawa.
"Mamaya ko nalang sasabihin mga bruha, bell na oh" sakto namang dumating na yung teacher kaya pumwesto na sila ng maayos.
Ang totoo niyan, di ko alam kung dapat ko pa ba ikwento yun sa kanila. Kahit ganyan mga bruhang yan, alam ko mag-aalala sila sakin. Ayoko naman mamroblema pa sila noh.
Uwian na at hindi ko alam kung isasabay pa rin ba ako ni Neil ngayon. Hindi pa kami nagkikita mula kahapon, may practice sila sa basketball kaninang tanghalian eh.
Pagkalabas ko ng silid-aralan, nag-aabang na pala siya sa may pinto.
"Ay kabuting palaka!" nasabi ko sa gulat ko sa kanya. Tumambay ba sa may pinto??
"Miii naman, may kabuti ba na palaka? hahaha" tawa niya. Hilig talaga mambara ng mga tao ngayon.
"Nagulat lang eh. .sabay ba tayo ngayon Diii?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Switch (ON-GOING)
RomanceNaranasan niyo na ba magkalovelife ng nakakaloka? Ay loka-loka nga pala tayo pag naiinlove noh XDD Eh paano pag yung talagang nakakaloka as in?? Sa sobrang gulo eh puro nakakaloka nalang nasasabi ko=_= Sino ba namang di magkakaganito pag ang boyfri...