Malapit na yung PE day namin kaya parati kami ngayong nasa gymnasium at nagpapractice ng mga sayaw, sports at iba pang activities. Pati nga yung mga gumagawa ng costumes at props nakikitambay XD Kaya ayun tagaktak talaga pawis ng mga naglalaro at siksikan much. Yung iba nga sa ibang parte nalang ng school nagpapractice.
"Aren't you going to support your boyfriend?" kulit sakin ni Samantha.
Kanina pa sila eh, niyayaya ako manuod nung practice match nila Darryl sa basketball. Ayoko manuod kasi sila Neil ang kalaban nila. Nakapag-usap naman na kami tungkol sa sitwasyon pero ayoko pa rin palalain, mahirap na gayong nagselos na siya dati kay Darryl.
"Naku gurl, pasimple lang yan manuod. .pasulyap-sulyap. .yieeeeee" pang-aasar naman ni Darling.
Malapit lang kasi kami sa laro, gumagawa ng props. Ano naman alam namin sa pagsayaw at sports diba? Tsaka baka madisgrasya pa ako. .alam niyo naman may pagkaclumsy.
"Bestie ilag!" - Maricar
Huh? Ilag daw saan naman?
*Boogsh!*
Naramdaman ko naman na may tumamang bola sa ulo ko. Aray ah @_________@ Medyo nakakakita ako ng butterflies. .este birds na lumulutang sa taas ng ulo ko @___________@
"Mhie! / Miii!" - Darryl & Neil
@________________@ Narinig kong tinawag nila ako pero di pa rin ako makasagot. Hilo mats. May yumugyog sakin.
"Mhie okay ka lang?" - Darryl
"Mag-ingat ka kasi!" rinig kong sigaw ni Neil, dun ata sa nakatama sakin.
"O-okay lang ako" sagot ko nung medyo nakarecover na.
"Kung makareact ka tol ah, boyfriend?" sagot naman kay Neil nung nakatama sakin.
Bigla nalang siya umiwas ng tingin at pumunta na uli sa court. Mukhang batrip siya.
"Sure ka okay ka lang Mhie?" napabaling yung tingin ko nung nagtanong ulit sakin si Darryl. Di ko pa pala ito sinagot. Tumango nalang ako.
"Bumalik ka na dun, may laban pa kayo" sabi ko at umupo na ng diretso.
"No, dadalin muna kita sa clinic" pagmamatigas nito.
"Don't worry fafa Darryl, kami na ang bahala sa kanya" singit ni Darling. Mukha namang gets nito na ayoko makasagabal sa practice.
Yun nga lang, hindi nagpaawat si Darryl at binuhat na ako, yung parang sa kinakasal. "Hindi ako mapapalagay kung di ako ang magdala sa'yo" mahina niyang sabi at tumuloy na nga maglakad. Medyo nahihilo pa talaga ako kaya di ko na siya pinigilan.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakatulog pala ako kanina. Nag inat-inat ako at nagpaalam na sa nurse. Patapos na pala ang lunch kaya binilisan ko ang paglalakad.Nang makalabas ako ng pinto, may humawak sa kamay ko.
"Miii" tawag niya. Mahina lang para kami lang makarinig.
"Neil?" gulat kong tanong. Kanina pa siya naghihintay dito? Luminga-linga ako, mahirap na baka may makakita uli samin.
"Hinintay lang kita para makitang okay ka na, don't worry walang tao" sabi niya. "Sanay na sanay ka na noh, na hindi ako tawaging Diii" sabi niya ng may lungkot sa mga mata. Guilty mode :l
"Miii nawawala na ba?" nagulat naman ako sa tanong niya. Hanudaw???
"Huh?"
"Kung sabihin kong layuan mo si Darryl ngayon magagawa mo ba?" ano ba 'tong pinagsasabi niya. "Ang sakit kasi na parang unti-unti kang nalalayo sakin. Ganito na nga yung sitwasyon tapos lagi pang si Darryl ang nasa tabi mo. Natatakot ako Miii"
BINABASA MO ANG
Love Switch (ON-GOING)
RomanceNaranasan niyo na ba magkalovelife ng nakakaloka? Ay loka-loka nga pala tayo pag naiinlove noh XDD Eh paano pag yung talagang nakakaloka as in?? Sa sobrang gulo eh puro nakakaloka nalang nasasabi ko=_= Sino ba namang di magkakaganito pag ang boyfri...