"Beeeeeesh! Hintayin mo naman akooooooo!" sigaw ko habang patakbo na para mahabol siya. Ambilis naman kasi maglakad eh may gulong ba mga paa nito-.-
"Keisha naman eh parang 3 meters lang layo ko sa'yo kung makasigaw ka wagas. Ang aga-aga oh magigising mo yung mga tulog pa" sabi ni Darryl na halatang nainis. Tinatawag lang naman niya ako sa pangalan ko pag bad mood siya eh.
"Sorry naman napalakas volume, may SQ nanaman kayo ni Erryl noh"
(A/N: SQ= Siblings Quarrel. .gawa-gawa ko lang.hehe XD)
"Hindi kasi ako makapagreview sa ingay niya eh=_= ayun napagsabihan ko kagabi"
Sabi na nga ba eh, malamang kaya bad mood 'to ng maaga eh dahil nakulitan nanaman sa kapatid niya. Si Erryl nga pala ang twin sister ni Darryl. .yeah fraternal twins sila. Hindi mo alam ano yun? Google mo nalang bespren ko yun pag may assignment XD Maalaga naman sa kapatid yang si Besh kaso hindi talaga mapagtimpi sa makukulit. .di ko nga alam paano ako natiis nyan.hahaha.
"Nagiguilty ka sa panenermon mo sa kanya noh" puna ko sa kanya.
"Tsss. .bibilan ko nalang siya ng pasalubong mamaya" kitams guilty nga. Mabilis talaga lumambot puso nito.
Papunta nga pala kami sa mall, magkikita-kita kami ng barkada dahil SATURDAY is BARKADA DAY! yay! XD Di pa kami nagkakasawaan ng pagmumukha sa school kaya naman isa sa dalawang araw sa weekend namin ay nilalaan para makapagbonding kami. Okay lang naman sa parents namin basta kami raw gagastos. Bait nila noh?-.-
Pagdating namin sa tagpuan na bench sa mall wala pa sila kaya naman. . .
Naghintay. .
Naghintay. .
Naghintay. .
at. .
"Hindi na ata sila dadating" =_=" pahayag ni Besh. Hala lalo ata nabad mood >.<
"Matext na nga sila" sabi ko.
"Kanina pa tayo dito ngayon mo lang naisipan magtext??"
"Wag ka nga highblood besh isang oras palang naman ah"
"Isang oras pero 12 noon na! Lunch time na kaya di ka ba nagugutom?"
*ggrrhhgghhh*
O_O O_O
At ayun na nga. .tyan ko na ang nagsalita XD
"HAHAHAHA grabe ka talaga besh nag-iingay na mga anaconda mo sa tyan" pang-aasar niya sakin.
"Buti nga ngayon lang. .naghintay din kaya sila!" siyempre pinagtanggol ko mga alaga ko noh! XD
"hahaha Dalian mo na nga pagtitext dyan para makakain na tayo"
Kaya naman nagGM ako sa kanila:
To: Bestie, Baklushi, PaSOSY (Walang basagan ng trip sa mga name nila sa cp ko :P)
*Hoy mga CHAKA! Bakit niyo pinaghihintay ang DYOSA ha?? Kanina pa kami ni Darryl dito sa bench. Nagdesisyon ba kayong samahan mga cursh niyo sa panaginip niyo kaya tulog pa kayo? Sana man lang dumilat kayo saglit para magtext man lang na iindianin mango niyo kami! grrr!*
Message sent!
Pagkatapos ng ilang minuto. .
From: Baklushi
*FYI hindi ako chaka echusera! May family reunion kami ngayon hindi ko ba nasabi? Kaya pass na muna ang beauty ko sa saturdate natin. Ingat nalang sila sa'yo! Babush!*
From: Bestie
*Bestie! Nakalimutan kong may practice pala ang choir ngayon para sa mass bukas, may ikakasal kasi eh kaya half day ang practice. Next time nalang promise :D*
BINABASA MO ANG
Love Switch (ON-GOING)
RomanceNaranasan niyo na ba magkalovelife ng nakakaloka? Ay loka-loka nga pala tayo pag naiinlove noh XDD Eh paano pag yung talagang nakakaloka as in?? Sa sobrang gulo eh puro nakakaloka nalang nasasabi ko=_= Sino ba namang di magkakaganito pag ang boyfri...