Feelings (Special Chapter)

31 10 1
                                    


Naisip ko lagyan ng special chapter para naman malaman natin ang iniisip ng ibang tauhan sa kwentong ito^^ Bilang lang special chapters lang ang ilalagay ko sa story na ito kaya sulitin niyo na :D



~Darling's POV~

Helleeeeeeeeer mga bebe! Super saya ko ngayon dahil havey si author! Pasensya naman kung OA a pero di ko talaga akalain na bibigyan ako ng POV dito ni author kaya salamat talaga! Anyway, alam niyo na siguro na ang ichichika ko dito ay ang lovestory namin ni fafa Darryl. Chos! Kerryl shipper kaya ako.hihihi. Kaya naman heto kami ngayon ng mga friendships ko to the rescue na sa aming dear friend.

Sa totoo lang mga bebe, Keisha needs saving. Pa'no ba naman kaloka ang lovelife ni ateng, pinag-aagawan ng mga fafa. Yun lang hindi yun ang pinoproblema niya kundi ang bruhang nanay ni Neil na puno't dulo ng mga kaguluhang ito. Dumagdag pa itong si Reah at nagsanib pwersa ang mga bruha. Kaya eto kami ngayon umiisip ng paraan kung pa'no siya sasaya at kung paano niya marerealize and trulalu feelings niya. .na siguro ngayon ay alam niyo na.

"Ano may naisip na ba kayo?" tanong ni Maricar habang nakakunot ang nuo at nakasalumbaba.

"This is so stressful!" - Samantha

"I knew it, ako lang talaga ang may utak sa ating tatlo" sabi ko with matching flip ng aking invisible long hair.

"Bakit may naisip ka na ba?" tanong ni Maricar at tutok na tutok ang tingin nila sakin.

"Wala" 

"Yun naman pala e anong kinatalino mo?" pag-irap nila sakin.

"Ang magagawa lang natin eh isupport si Keisha" -ako

"But she's hurting so much, she doesn't deserve this" - Samantha

"Edi onting alalay lang siguro pwede na whatever will be, will be nga diba?" - Maricar

"Onting push lang mga atey" sabi ko at sumang-ayon naman sila. Nagets niyo ba usapan namin? Ganun naman pag friends diba, alam na agad kahit di detailed. Abangan niyo nalang ang mga appearance namin. Wahahaha chos.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Ang daya niyo naman! Anong pinagchichikahan niyo kanina ha? At di niyo pa talaga ako sinama. hmph" pagmamaktol ni Keisha ng malaman niyang nagsolo kaming tatlo kanina.

"Ayaw ka na naming istorbohin sa lunch date niyo" - Maricar

"Akala ko ba alam niyo na? Hindi naman totoong kami diba" - Keisha

"Sige lakasan mo pa pag-eexplain para mabuko kayo. Kaloka ka te" - ako

 "She's just defensive" - Samantha

Tumango naman kaming lahat kaya inirapan kami ng loka. Hindi naman kami kasing manhid niya noh, alam naman namin na gusto siya ni Darryl way back in netherland pa. Nadamay pa tuloy si peter pan XD Ewan ko ba dito kay Keisha, laging normal lang ang tingin niya sa mga ginagawa nitong Besh niya. Porke bespren handa na gawin lahat? Ay oo nga pala, yung ibang efforts ni Darryl hindi nakikita ni Keisha. Naalala niyo yung nagkasakit siya tapos nag-absent si Darryl? Nakita namin nun kung pa'no siya nag-alala at di na napigilang umuwi. Oh diba? Kilig langs <3

"Wag nga kayong ganyan, baka mailang si Darryl tinutulungan lang ako nung tao" saway samin ni Keisha.

"Mukha ba siyang naiilang Bestie e lagi nga yang nakangiti ngayon e biglang boom na boom ang aura" - Maricar

Love Switch (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon