#Handkerchief

1.9K 57 0
                                    


NEXT DAY

Maaga ako nagising kaya na pag pasyahan kong mag jogging muna hindi ko sinuot yung pang disguise ko kinuha ko lang yung hoodie jacket ko tapos sinuot ko yung hood ko sa ulo ko. kinuha ko yung cellphone  ko tapos sinalpak ko yung headset ko sa tenga ko atsaka lumabas na ako ng Cabin ko. Mabuti na lang walang tao dito sa hallway

Nandito ako sa Soccer Field. Ang sarap ng simoy ng hangin at dahil napagod na ako kaka-jogging umupo muna ako sa Bermuda Grass.. after 30 mins. maliwanag na . Sumikat na si haring araw kaya kaylangan ko ng bumalik sa Cabin ko mahirap na baka may makakita sa akin at sa kasamaan palad pag lingon ko sa likodan ko nakita ko yung bumato ng bola sa akin. Sh*t im dead!

Nakatingin sya sa akin. Tumayo na ako sa pag kakaupo ko at Naglakad ako ng mabilis pabalik sa Cabin ko .. Hindi pa ako nakakalayo tinawag nya ako.

"Miss.. Yung panyo mo." 

oh holy cow.!! bakit hindi ko napansin na nahulog ko yung panyo ko. nakaburda pa naman yung name ko dun ..WTH..! hindi ko na sya pinansin .. yung tipong hindi ko sya narinig.

RED POV.

Nakakainis ang aga ko nagising hindi na ako makatulog kaya napag pasyahan kong mag laro ng basketball sa court after kong mag laro nag libot-libot muna ako hanggang sa mapadpad ako sa Soccer Field tapos may nakita akong girl na naka upo sa bermuda grass lumingon sya sa akin tapos natamaan sya ng sinag ng araw dahilan na lumabas yung natural na kulay ng mata nya na kulay Caramel.. I cant deny na she look perfect napaka angelic ng mukha nya ngayon ko lang sya nakita dito sa University.

(Author:  ayiee si Red na love at first sight.

Red:,Hala Author hindi ahh.

Author: Ok pwede ka na maging denial king.. oh sige na back to reality.)

Nagmadali syang tumayo tapos nag lakad sya ng mabilis.

May nakita akong panyo dun sa pwesto nya kanina mukhang nahulog nya pinulot ko at kinuha ko.

"Miss yung panyo mo." sigaw ko sa kanya pero mukhang hindi nya ako narinig.

tinignan ko yung panyo may nakalagay na Sam siguro name nya Wait baka sya yung nabato ko pero parang malayo kulay blue yung mata yung nabato ko tapos naka eye glass pa ehh itong girl na nakita ko Caramel ang kulay ng mata tapos walang eye glass baka mag ka pangalan lang sila ..

Haist bakit ko ba pinag cocompare yung Sam na nabato ko ng bola >_<¦¦¦ Yeah i cant deny na nagagandahan din ako dun sa Sam na nabato ko ng bola para kasi silang may similarity nung nakita kong babae ngaun.

♡ UNEXPECTED LOVE ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon