#A Good Start II

1.6K 41 0
                                    


RED POV.

Habang nag lalakad ako papunta sa Music Room madadaanan ko yung Court. Pag kadaan na pag kadaan ko sa Court may narinig akong nag lalaro at dahil na curious ako pumasok ako sa Court at hindi nga ako nagkamali may nag lalaro wait ito yung girl na nabato ko ng bola last time.

Grabe ngaun lang ako naka kita ng babae na magaling mag basketball.

Nag 3points shot sya and then yun nag shoot naman. Nag Lay-up, Jump-shot at kung anu-ano pa ang ginawa nya.

Naramdaman nya atang may na nonood sa kanya kaya na palingon sya sa akin at dahil na rin sa gulat nya ng makita ako nabato nya yung bola sa akin at tumama sa ulo ko.

Napahawak ako sa Ulo ko, na natamaan  ng bola wait bakit basa itong kamay ko. Pag tingin ko sa kamay ko may Dugo.

"Oopps Sorry hindi ko sinasadya. bakit ka kasi nanjan nagulat tuloy ako sayo." sabi nya sa akin.

Napansin nya atang dumudugo yung natamaan nya ng bola kaya lumapit sya sa akin tapos tinignan nya yung ulo ko.

May Kinuha syang panyo sa pocket nya  tapos pinunasan nya yung dugo na nasa ulo ko. Nakatingin lang ako sa Mukha nya habang pinupunasan nya yung dugo sa ulo ko.Ang Lapit nya sa akin kaya kitang kita ko yung mukha nyang napaka amo at napaka ganda. Hala anu ba itong naiisip ko.

"I'm Really sorry i didn't mean to throw the ball to your head." explaination nya sa akin.

"ah eh wala ito." sabi ko sa kanya habang napakamot ako sa batok ko. Hala bakit ako  na Co-Conscious sa kanya.

"Tara samahan kita sa clinic para magamot yang sugat mo."offer nya sa akin. Ngayon ko lang narealize na mabait pala sya itong girl na ito.

"Huwag na maliit lang naman ito and I want to say sorry sa nagawa ko sayo last time mainit lang yung ulo ko that time kaya sayo ko naibunton yung init ng ulo ko." sabi ko sa kanya. Yeah nung mga oras na yun mainit lang talaga ang ulo ko.

--FLASHBACK--

"Gago yung JhayM na yun mang hahamon na mag basketball next week tapos sa sabihin huwag na lang daw baka daw matalo tayo." niinis kong sabi sa mga kaybigan.

"Pumayag ka naman i cancel yung pag hahamon nya? kasi Kung ako hindi ako papayag na i cancel. At never nya pang matatalo yung team natin." mayabang na sabi ni Samuel sa akin.

"Syempre hindi .. Gago ba sya mang hahamon sya tapos icacancel nya. Duwag lang ang nag back out bro kaya humanda sya lalampasuhin natin sya sa laro." sabi ko kay Samuel tapos yun binato ko yung bola palabas ng classroom at sakto natamaan ko itong babae at napag initan ko pa ng Ulo.

--END OF FLASHBACK--

At kaya pala Familiar yung JhayM na nakita ko dun sa MCdo nung sabado kasi yun pala yung ng hamon sa akin.

"hmm apology accepted." sabi nya sa akin tapos nginitian nya ako. Mas lalo syang Gumanda nung ngumiti sya.

"I know we dont have a good start . hmm so can we start agian?" tanong ko sa kanya.

"Sure" matipid nyang sagot.

"I'm Jared Montemayor but call me Red and you are?" sabi ko sa kanya tapos nilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"Sam Mendoza"sabi nya sa akin tapos naki pag shake hands sya. Nung nahawakan nya yung kamay ko Feeling ko may kuryente na dumaloy sa katawan ko.

" Oh sayo muna yang panyo ko papahiram ko muna incase na kaylanganin mo pa dahil jan sa sugat mo na nadugo." sabi nya sa akin tapos kinuha nya yung kamay ko at inilagay nya yung panyo sa palad ko.

"So Red i have to go na and nice meeting you see you around na lang. bye.." dugtong nyang sabi sa akin tapos umalis na sya hindi nya man lang  hinintay kung may sasabihan pa ako.

Dumaan muna akong Clinic para magamot itong sugat ko. Habang ginagamot nung Nurse yung sugat ko naalala ko yung panyo ni Sam kinuha ko sa bulsa ko.

May nakita akong nakatatak na Sam katulad dun sa panyo Nung girl na nakita ko dun sa Soccer Field last time. Hindi kaya iisa lang sila pero parang malayo baka Coincidence lang na nakapag pareho sila ng Panyo pero parang imposible mukhang pasadya yung pag kakalagay ng Name dun sa panyo.

After na magamot yung sugat ko dumiretsyo na ako sa first class ko mabuti na lang hindi ako na late kasi wala pa yung Prof. ko.

"oh Red napaano yang ulo mo bakit may bandage?" Tanung ni Vince sa akin ng makita nya ako.

"Na untog sa pintuan." pagsisinungaling ko sa kanya

♡ UNEXPECTED LOVE ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon