#A Good Start

1.7K 37 0
                                    


SAM POV.

Ok back to school na ulit ako .. Back to disguise to hide my identity.

7:30 pa lang ready na ako .. I mean naka Uniform na ako at dahil 8 o'clock pa start ng first class ko today  napag isip ko na mag laro ng basketball. Hilig ko kasi ang mag laro ng basketball at dahil stable na naman yung lagay ng puso ko pwede na akong mag laro. I have Heart transplan 2years ago..

Hmm I miss playing  basketball so ito na nga nandito na ako sa Court.

Mabuti na lang walang tao. Pinulot ko yung bola tapos sinimulan ko ng i-dribble yung bola.

Nag start ako sa 2points shot nag shoot naman next is nag 3points shot ako and then yun nag shoot ulit. Sinubukan ko naman mag Lay-up, Jump-shot at kung anu-ano pa.

Parang pakiramdam ko may na nonood sa akin kaya lumingon ako sa likod ko at dahil na rin sa gulat ko nabato ko yung bola kay Red. Oo tama kayo si Red yung nakita kong nanonood sa akin. Whaaaaah  Nakakahiya ≧﹏≦ nakita nya akong nag lalaro tapos ganito yung uniform ko nakaka wala ng Poise. Yung Uniform ko kasi Long Sleeve na White na pinatungan ng Long Sleeve na Navy blue na may neck tie, tapos Mini skirt na dirty brown ang kulay at Long sock hanggang tuhod. did you capture my discription if not go to Hell. Hmm I'm just kidding ^_^v

Napahawak sya sa Ulo nya, na natamaan ko ng bola.

"Oopps Sorry hindi ko sinasadya. bakit ka kasi nanjan nagulat tuloy ako sayo." sabi ko sa kanya. I apologized to him kasi ako yung taong umaako ng kasalanan.

Napansin ko parang dumudugo yung natamaan ko ng bola kaya lumapit ako sa kanya tapos tinignan ko yung ulo nya.

Gosh its bleeding. Kinuha ko agad yung panyo ko sa pocket ko tapos pinunasan ko yung dugo na sa ulo nya.

"I'm Really sorry i didn't mean to throw the ball to your head." explaination ko sa kanya.

"ah eh wala ito." sabi nya sa akin habang napakamot sya sa batok nya bakit ang pogi nitong Creature na nasa harapan ko.

And Wait its a Miracle hindi man lang sya nag sungit sa akin at wala syang Reaction ng punasan ko yung dugo sa ulo nya hindi nya ako tinaboy.

"Tara samahan kita sa clinic para magamot yang sugat mo."offer ko sa kanya.

"Huwag na maliit lang naman ito and I want to say sorry sa nagawa ko sayo last time mainit lang yung ulo ko that time kaya sayo ko naibunton yung init ng ulo ko." sabi nya. May kabutihan din palang taglay itong si Mr. Yabang akala ko na pagkaitan ng kabaitan.

"hmm apology accepted." sabi ko tapos nginitian ko sya .

"I know we dont have a good start . hmm so can we start agian?" tanong nya.

"Sure" matipid kong sagot.

" I'm Jared Montemayor but call me Red and you are?" sabi sa akin ni Red tapos nilahad nya yung kamay nya.

"Sam Mendoza"sabi ko sa kanya tapos naki pag shake hands ako sa kanya . The momment na nahawakan ko yung kamay nya Feeling ko may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

Tumingin ako sa Wrist watch ko mag 8o'clock na pala.

" Oh sayo muna yang panyo ko papahiram ko muna incase na kaylanganin mo pa dahil jan sa sugat mo na nadugo." sabi ko sa kanya tapos inilagay ko yung panyo ko sa palad nya.

"So Red i have to go na and nice meeting you see you around na lang. bye.." dugtong kong sabi sa kanya tapos umalis na ako hindi ko na hinintay yung sasabihan nya.

---

Nandito ako ngayun sa Garden tapos na kasi yung klase ko. Hinanap ko yung panyo ko, Ngaun ko lang Na-realize na Pinahiram ko pala kay Red.Hala ang Abnormal ko talaga bakit ko pinahiram yung panyo ko. Ganun pa din naman yung panyo kong naiwan sa Soccer Field na napulot nya. Baka mag taka sya na bakit mag kapareho at baka maisip nya na iisa lang yung nakita nya sa Soccer Field at ako.. Lord wag naman sana.

♡ UNEXPECTED LOVE ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon