FFHA - 19

571 31 8
                                    

Author: Hello readers!!!! Di ako nakapag update last week dahil exam namin. So eto na! Christmas break na rin naman! :)

This chapter is dedicated to @FreakingDude_ :) hello sayo thanks for supporting my stories.

**

CHAPTER 19

--------------------------------------

SABRINA LOUISE

Nandito kami ngayon sa Mall. Kasama ko sina Veejay, Gemarie, Vella at Drell. Naisipan lang namin mag gala dahil pare-pareho kaming walang magawa. Nasaan si Ate Khea? Wala siya. Nasa America siya ngayon, dahil nagbakasyon sila ng family niya dun. Babalik rin naman siya.

"Sab, yung sa issue nga pala kahapon sa Ranzters. Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Drell habang naglalakad lakad kami.

"Oo nga, friend! Wala bang sumugod sayo? O nanakit? Nako sabihin mo sakin at tatamaan sakin yung mga yun!" Biglang sabi naman ngayon ni Vella. Lahat kami natawa eto talagang si Vella sadista eh. Hahaha.

"Grabe ka! Kawawa yun, sasama pa ako sayo no!" Natatawamg sabi ni Gem kaya lalo kaming natawa dahil sa mga sinasabi nilang dalawa.

"Pero, Sab sorry talaga ha. It's all my fault," sabi ni Veejay sa akin.

"Uy, Veejay ano ka ba. Wala yun okay lang naman. Di mo naman sinasadya eh," sabi ko sa kanya, "And I'm okay. Walang nanakit sa akin. Ting dalawang to. Sadista talaga kayo!" Dagdag ko pa.

"Syempre!" Sabi nung dalawa at nag apir pa.

"Pero, Sab. Mainit na ulo at mata ng mga Ranzters sayo." Sabi sa akin ni Drell.

"Sinabi mo pa, Drell. Pero hayaan na lang, wala namang namamagitan sa amin ni Ranz."

"WEH? Wala nga ba?" Sagot nung dalawa. Sino pa? Edi yung dalawa kong bestfriends. Sina Gem at Veejay.

"Baka naman may something sa inyong dalawa ha! Ayaw niyo lang umamin!" Sabi ni Vella.

Something??? Wala naman eh. Walang something. Diba readers?

"Huh? Wala ha! Baliw lang tong dalawang to! >///<" Sabi ko. Kaya natawa na lang kaming lahat.

"Uy, speaking of something...." Biglang salita ni Drell.

"Ano meron?" Tanong ni Veejay.

"Ayun oh, si Ranz." Sabay turo ni Drell. Kaya naman tinignan ko kung saan siya naka turo.

And yes, nandito nga si Ranz. At may kasama siyang babae.

Parang nagiba yung pakiramdam ko. Bumigat. Parang..... may kumurot sa puso ko.

"Ay, may chix na kasama. Sino yon?" Sabi pa ni Gem. "Tara puntahan natin, may chix ang loko." Dagdag pa ni Gem.

Papalakad na sana sila para puntahan sila Ranz kaso sumigaw ako.

"UY WAG NA!"

O____o

Nagulat ako sa sinigaw ko. Ewan ko pero ayoko talagang puntahan sila. Hindi sa nagseselos ako sa kanila, ayoko lang na MAISTORBO SILANG DALAWA SA DATE NILA.

HINDI AKO NAGSESELOS, OKAY?

"Huh?? Bat naman?" Tanong ni Drell.

"Baka nagseselos yan," ibulong mo pa Gem, rinig ko naman eh.

Falling For Him Again (A Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon