FFHA - 20

621 36 16
                                    

Author: Happy New Year, everyone!!!! At dahil new year, eto ang regalo ko sa inyo! :) sorry late update! Hahaha!

This chapter is dedicated to @ErinOngsee :) Hi, nakita ko kasi yung tweet mo sa akin. So yun. Thank you for supporting FFHA! :)

**

CHAPTER 20

------------------------------------------

SABRINA LOUISE

Naglilinis ako ng kwarto ko ng tumunog yung phone ko. Factime pala. Akala ko si Mama yung tumatawag, si Ranz pala.

Teka.. Bakit facetime pa? Hindi ba pwedeng text or call na lang?

Hay nako, Sab. Alam mo choosy pa ka pa eh, kung sagutin mo na lang kaya yung tawag ni Ranz?

Oo nga, kaya naman sinagot ko naman yung video call.

"Hi, Sabrina!" Bati niya sa akin sabay ngiti. Ugh wag kang ganyan Ranz, lalo akong nahuhulog sa mga ngiti mong yan eh. Nakakainis ka, alam mo yun? >///<

"Hi, Ranz! Napatawag ka, at facetime pa talaga ha?"

"Eh, ganun talaga." Sabi niya, "I want to see your beautiful face." Bulong niya pero hindi ko narinig. Ano raw?

"What did you say? Hindi ko narinig eh,"

"Huh? W-wala! Hehe."

"Ahh. So, may kailangan ka ba?"

"Teka... Parang bad mood ka ngayon?"

"Huh? Hindi ah. Nagtaka lang ako kung bakit facetime. Di ba pwedeng text or call?"

Nangiti siya. Yung ngiting walang mata. Bakit ang cute? >///<

"Alam mo, Sab.... *focus ng tingin sa camera* be thankful. Kasi madaming babaeng hinahangad na maka facetime ako, pero ikaw....." Tumigil muna siya sandali, "Ako pa mismo ang tumawag sayo." Then he winked.

WOW NAMAN TALAGA! ANG YABANG TALAGA NITONG SI ONGSEE. GRABE SIYA! SO KAILANGAN PA AKONG MAG THANK YOU SA KANYA???!! EWAN KO SA KANYA! PORKET GWAPO SIYA..... ANG ANO NIYA HA!!

"Edi wow! Ewan ko sayo!"


"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa pa siya ng tawa. Wala na siyang mata kakatawa niya. Hmp! Bahala ka dyan! Maubusan ka sana ng oxygen kakatawa! Bwiset >////<

"Sige, tawa pa! Baba ko na to! Bahala ka dyan! Bye!"

Akmang pipindutin ko na yung red icon para i-end call pero bigla siyang nagsalita. Take note, sumigaw pala.

"Uyyy! Joke lang! Wala namang ganyanan! Hahahaha!"

"Hay nako! Ano ba kasi kailangan mo, Ranz? Naglilinis kaya ako ng kwarto ko."

"Hahahahaha! Ganun ba? Sige, sabihin ko na. Uhm.... Pwede ka ba mamaya?"

"Ha? Saan naman? Ano meron?"

"Wala naman. Dito lang sa studio ni Ully. May practice kasi kami eh. Tinatanong ko lang kung gusto mo pumunta."

"Ah. So, are you inviting me?"

Falling For Him Again (A Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon