FFHA - 8

1K 46 19
                                    

Author: Happy 2K reads! Yay! I love your comments sa previous chapter! About kay Claire! Haha. Pasukan na guys! So mamadaliin ko yung mga updates baka every week :) basta depende sa schedule ko. 4th year na ako eh. So ayun!

This chapter is dedicated to @jay_abao :) hello sayo! :)

***

CHAPTER 8

--------

RANZ KYLE

Pagkadating namin sa ospital inilagay agad nila sa stretcher si Sabrina. At pinatawagan ko na rin sa kanila sina Veejay at Gemarie.

Hindi pa rin lumalabas yung doctor.

Nakaupo kami ng Chicser dito sa upuan malapit sa room kung nasaan si Sabrina. Bigla naman akong inakbayan ni Biboy. "Pre, wag kang mag-alala. Magiging okay rin naman si Sabrina. Sa sobrang iyak lang siguro yun." Sabi niya sa akin at binigyan ko siya ng weak smile.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Sobrang nag-aalala. Sobrang kinakabahan ako. Kainis!

"Guys!" Agad kaming napalingo sa tumawag sa akin. Sina Veejay at Gemarie tumatakbo papunta sa amin.

"Uy! Ano nangyari kay Sab!?" Tanong sa amin ni Veejay.

"Nung tumawag si Owy, agad kaming nagpunta dito. Bakit niyo kasama si Sab!? A-anong nangyari ha!? Sabihin niyo uy! Nag-aalala kami!" Sabi naman ni Gem habang niyuyugyog si Clarence.

"Nahimatay siya." Simple kong sagot.

"Ha!? Ano!? P-paano!? S-saan!?" Nauutal na sagot ni Veejay. "T-tsaka bakit niyo kasama si Sab!?" Tanong naman ni Gemarie.

"Isa isa lang tanong uy!" Sabi naman ni Ully.

"Eh paano gagawin nag-aalala kami kay Sab!"

"Kami rin naman eh. Pero alam naman nating magiging okay siya." Sabi ni Oliver.

"Pero bakit nga?"

"Nakita naman siyang naglalakad habang papunta kami sa kakainan namin restaurant." Paliwanag ni Owy.

"Tapos ayun binaba siya ni Ranz, then nagulat na lang kami na buhat buhat ni Ranz si Sab." Paliwanag naman ni Clarence.

"Ranz, ano nangyari?"

"Nakita ko siyang umiiyak. Tapos ayun, bigla siyang nahimatay. Buti nasalo ko siya." Paliwag ko.

"Inatake na naman siya ng asthma niya for sure." Sabi ni Gemarie.

"Oo nga, hay pero bakit siya umiiyak?"

"Di namin alam." Sabay sabay naming sagot ng Chicser. Napabuntong hininga na lang sina Veejay at Gemarie.

Sana okay lang si Sabrina. Lord, please....

Tahimik kaming lahat. At ilang minuto lang ay lumabas na yung doctor.

"Sabrina Garcia?"

"Uhm.. Doc, kami po. Kaibigan niya po kami." Sabi ni Gemarie at napatayo naman kaming lahat.

"Ahh okay. So ayun, okay na naman ang kaibigan niyo. She have a asthma, right?" Tanong sa amin at tumango yung dalawa, "Nahimatay siya dahil nawalan siya ng oxygen because of her asthma. Buti na lang naitakbo niyo siya agad dito. She's fine now. Ipapalipat ko na siya ng room. Siguro 2 days pa siya dito para mabantayan siya ng mabuti. That's all, excuse me." Sabi ni Doc at umalis na.

Falling For Him Again (A Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon