FFHA - 7

1K 55 20
                                    

Author: This chapter is dedicated to Drell! :) Hello, isa ka rin sa active reader/voter/commentor. Thank you! :)

Picture ni Sabrina sa taas! :)

***

CHAPTER 7

-----

SABRINA LOUISE

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Ka skype ko si Mama. Miss ko na siya eh.

"Ma... Dapat ko po bang puntahan si Papa?" Tanong ko kay Mama. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumungin sa akin.

"Sab... Kahit naman hiwalay kami ng Papa mo, hindi ibig sabihin nun, hindi mo na siya dadalawin o kakausapin." She stopped for a seconds, "And... ayaw ko namang tanggalan ka ng karapatan na huwag na siyang makita. Kasi anak, kahit na ganito ang nangyari sa amin, sa atin he's still your father."

Pero..... Hay :(

"Alam ko po yun, Ma. Pero diba alam mo naman pong galit ako sa kanya... Psh. Kainis naman kasi eh." Sabi ko at may tumulong luha sa mata ko.

Ang hina hina mo talaga, Sabrina. Umiiyak ka na naman. Ang sakit pa rin kasi. Nakakainis. Nakakaasar.

"Oh, iiyak ka na naman? Huwag ka ngang umiyak, papangit ka nyan!" Asar sa akin ni Mama at napatawa naman ako sa sinabi niya, Mama talaga. "Oh ayan nakangiti ka na." Sabay ngiti niya sa akin.

"Di ko talaga alam, Ma. Should I?"

"You should, Brina. Alam kong miss ka na ng Papa mo. At tsaka malay mo, nagbago na Papa mo diba? Tss. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang tunay na anak no!"

"I know Ma. Haha. Sige na, Ma. Bye na. I love you."

"Sige, Brina. I love you too. Ingat ka dyan. Bye."

-CALL ENDED-

Naligo na ako at pagkatapos kong maligo ay naligo na ako. Okay, Sabrina. Kaya mo yan. Bumaba na ako ng condo unit ko at sumakay ako sa taxi.

Breathe in. Breathe out.

**********

Nandito na ako sa bahay ni Papa. Bahay namin. Agad naman akong sinalubong ni Yaya Lucia. Namiss ko siya. Sa buong limang taon na kasama ko ang stepmother at stepsister ko at isama niyo pa yung Papa ko na lagi silang kinakampihan. Si Yaya Lucia lang ang kakampi ko.

"Sab! Namiss kita! Namiss ko yung alaga ko, kamusta ka na? Tanda mo na ha." Sabi niya sa akin at niyakap ako.

Namiss ko siya ng super, parang nanay ko na siya.

"Yaya, mas namiss ko po kayo. Ayos lang po ako. Kayo po ba?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Hindi mawala ang ngiti niya.

"Hay nako. Okay lang, pero mas okay ngayon dahil nandito ka na ulit! Teka, nasaan mga gamit mo, Sab?" Tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Yaya, hindi naman po ako babalik dito. Bibisitahin ko lang po si Papa. Ayoko ng tumira dito no. Psh. *bumulong* may kasama kasi akong bruha dito eh, sayang ganda ko." Sabi ko at tumawa. Natawa rin si Yaya dahil ayaw rin niya sa stepmother at stepsister ko. Well, halos lahat ng katulong dito ayaw sa kanila. Ewan ko ba kay Papa, bakit hindi niya makita kita yung kamalditahan ng mag nanay na yun! Tss. Bulag ata si Papa eh.

"Osige, paghahanda kita ng merienda." Sabi ni Yaya at pumuntang kusina. Tumango naman ako. Nilibot ko naman yung mata ko sa bahay. Daming nagbago dito. Nakita ko yung mga pictures. Nandito pa picture ko. Woah, buti hindi tinanggal ni Papa? Akala ko hindi na anak ang turing niya sa akin eh. Haha.

Falling For Him Again (A Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon