Chapter 1
Halos manghina ako... Gusto ko sana syang isurprise pero sa di inaasahan ako ang nasurprise nya..
Si Yuki...
Ang Boyfriend ko...
Kitang kita ko na may kahalikang ibang babae at sa mismong kwarto nya pa..
1st year anniversary namin ngayon.. Bumili pa nga ako ng cake.. Di ko talaga pinaalam na pupunta ako ng condo nya. Gusto ko syang isurprise..
Ang inaasahan kong maganda sanang araw.. Parang naging bangungot bigla..
"Do you really love me Yuki?" Hinimas nung babae ang pisngi ni Yuki.
"Tinatanong pa ba yan? Syempre naman oo" Sagot nito in a sweet tone
"Eh paano si Jella? Hihiwalayan mo na ba sya? Magtapat ka nga sakin.. minahal mo ba ang babaeng yun!?"
"Ayoko ng away ngayon honey please? kakabalikan lang natin.. Pero kung gusto mo talagang malaman.. Sige sasabihin ko.. Ni-minsan hindi ko sya minahal! Ginawa ko lang namang pampalipas oras ang babaeng yun! At saka Hon Ang boring nya karelasyon ni hindi man lang nagpapahalik tsk! NapakaMaria Clara.. Hindi ko tuloy magawa ang mga gusto kong gawin! di tulad na lang pagkasama kita" Hinawakan nito ang pisngi nung babae at unti-unting nilapit sa mukha nya..
Bago pa man matuloy ni Yuki ang tangkang paghalik muli sa malanding babaeng yun.. ay hinila ko na kaagad ng pagkalakas lakas ang buhok nung babae nang makalapit ako.. Nalaglag pa nga ng patalikod yung babae sa baba ng kama sa sobrang lakas ng hila ko..
Dapat lang sa kanya yan!
"J-Jella" Gulat na gulat na sabi ni Yuki.
Pinilit kong huminahon at nginitian sya pero obvious na obvious na Fake smile.. Kinuha ko ang cake sa karton at muling humarap kay Yuki.
"Baby Happy 1st year anniversary.. At BREAK NA TAYO!" Itinapon ko sa pagmumukha nya ang cake na hawak ko saka derederetsyong lumabas ng condo unit nya..
"I HATE HIM! I REALLY REALLY HATE HIM! G*GO SYA! P*TA!"
MANLOLOKO!
MANYAKIS!
Ginamit nya lang ako ;'(
Halos pagtinginan ako ng mga tao.. Hindi talaga ako nagmumura pero sa mga nakita ko.. Di ko maiwasang mapamura.. Mas masaklap pa ito sa lahat ng nangyari sakin.
Ang tanga tanga ko sobra! Ilang beses na nangyari sakin ito.. Ilang beses na akong niloko.. pinagpalit! Hindi parin ako nadadala kaya eto ako sa bandang huli ang nasasaktan.. ;(
Bakit ganun? Hindi naman ako ganun kasama para mangyari sakin ang mga katulad nito..
Masama ba ang magmahal ng totoo?
Hay!!!!!! Napakadali ko kasing magtiwala at mahulog sa mga mabubulaklak na sinasabi ng mga punyetang mga lalaking yan!
Ayokong umiyak.. Ayokong sayangin ang luha ko sa hayop na yun! Hindi sya deserving iyakan!
Pero bakit ganun? Hindi ko mapigilang umiyak? Sobrang sakit kasi eh.. Minahal ko yung hayop na yun tapos ito lang ang igaganti nya?
Lolokohin nya lang pala ako! ;(
Napapagod na akong masaktan.. Ayoko na.. Parang ayoko na magmahal..
"Kayo! Kayong mga lalaki kayo! Lahat kayo manloloko! Wala kayong ginawa kundi paiyakin ang mga babaeng katulad ko!.." Kinagat ko yung lower lip ko para pigilan sana ang pagluha ko pero di ko mapigilan.. Parang may sariling buhay ang mga mata ko "Bakit? Bakit? *Sob*... Bakit ba kayo ganyan?" Nagpatuloy lang ako sa pagiyak habang nakaupo sa damuhan dito sa Park.. Niyakap ko ang mga tuhod ko at pinatong ang ulo ko..
BINABASA MO ANG
Tutor nya (COMPLETED)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng takot na muling umibig dahil palagi na lang syang nasasaktan..