Chapter 2
Jelly Mae?
Jella Mae ang name ko hindi Jelly Mae!!!!!!!!!!!!!!!
Sasabunutan ko sana si Baklang Inday pero hinatak ako ng isang babae sa likuran ko.. at pinaligiran ako ng mga babaeng kasama nya.
"Ano ka ni Raiven?" Si Mr. Kim ba si Raiven na sinasabi nila?
"Tutor nya" Sa di ko malamang dahilan ay nagtawanan sila.. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Tinapik nung isang babae ang balikat ko "Well Goodluck hahaha" At nagsialisan na sila.
Nakatira ba ng katol ang mga tao dito? Ang weird nila ah?
Nilapitan ko na lang si Mr. Kim.. Di Obvious na hobby nya ang matulog ah? =____=
"Mr. Kim?.." Hinatak hatak ko ang polo nya para gisingin "Tama na ang pagtulog dyan uy!.." Di parin sya nagigising.. Ang kupad naman nito oh! "Mr. Kim Gising na.." Naagaw ang atensyon ko nang makita ko ang tenga nya.. Ang liit naman ng tenga ng taong ito? Ang cute naman ;D..
Hinimas ko yung tenga nya gamit ang hintuturong daliri ko..
Nagulat na lang ako nang bigla syang bumangon..
Nakakasilaw naman ang balat nya.. Ang puti puti nya talaga.. Ang kinis ng mukha nya.. Ang tangos din ng ilong.. Gwapo pala sya sa malapitan.. sayang naman kung bakla sya..
"Ikaw ba ang bago kong Tutor?"
Tumango lang ako.. Hmmm *Singhot Singhot*... Ang bango ng pabango nya.. Lalo na ng hininga.. >/////<
"Ok tara na!.." Tumayo na sya at hinawakan ang braso ko..
"Tapusin na natin to! Nang matuloy ko na ang pagtulog ko.. Storbo ka!" Kinaladkad nya ako papunta sa Library.
-Library
Madali naman palang kausap si Mr. Kim eh? Mukhang di naman pala ako mahihirapan sa pinagagawa sakin nila Mam Gayo..
"Tama na siguro ang mga libro na ito?" Nang makuha ko na ang mga kailangan kong libro, Naglakad na ako pabalik sa kinauupuan ni Mr. Kim..
"zzzzz" - Mr. Kim
Ay nagkamali pala ako.. dahil..
Tulog nanaman sya!! Sabi nya tatapusin nya daw ito para makatulog na sya pero di pa nga kami naguumpisa natuloy nya na ang pagtulog nya!!!!
Ok Easy lang.. Easy lang Jella pigilan mo ang galit mo.. Goodvibes Goodvibes!!!!!! ^__^+
First day pa lang ito ng pagtututor! kakayanin ko ito.. wala sa bukabularyo ko ang sumuko! Madami na akong natutoran hindi ako papayag na sya lang ang magpasuko sakin ng ganito! Kaya ko ito! Tiwala lang! ;DD
After 3 days...
"Pwede bang habaan mo pa ang pasensya mo Ms. Lozano? Please?" - Mam Gayo
"Mam Ayoko na! Sagad na sagad na ang pasensya ko! Wala syang ginawa kundi ang matulog ng matulog ng matulog! Wala na talaga syang pag-asa Mam!"
"Ms. Lozano.. Kahit ngayong araw na lang.."
Wala na akong nagawa.. Grabe ang pamimilit ni Mam Gayo.. Nakakainis! Kung hindi ko lang kailangan ng mataas na grades di ko talaga gagawin ito!
Katulad ng inaasahan, Tulog nanaman sya ng sunduin ko sya sa Room nila.. Sinasagad nya talaga ang pasensya ko! Di ko na kaya ito! Kailangan ko nang ilabas baka sumabog ako pagkinimkim ko pa ito!!
Naglakad ako ng padabog sa Room nila at nag stop sa gilid ng upuan ni Mr. Kim.
Sinipa ko ng malakas ang Desk nya.. Napabangon naman ito.. Ako naman halos mapaiyak.. Ang sakit ng paa ko T^T
BINABASA MO ANG
Tutor nya (COMPLETED)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng takot na muling umibig dahil palagi na lang syang nasasaktan..