Chapter 4

378 9 1
                                    

Chapter 4

"Paano kung sakaling manligaw ako sayo? sasagutin mo ba ako?"

Napatigil naman ako sa pagkain sa mga sinabi nya..

"Syempre hindi! Bakla ka kaya!" Tanga tanga naman oh bakit ko ba nasabi yun? >___<

Tiningnan nya ako tapos bigla na lang tumawa ng tumawa.. Nahiya naman tuloy ako..

"A-ako bakla? hahaha.. Nagpapatawa ka ba!? hahahaha"

"B-bakit hindi ba?"

"Haha oo naman! hahaha" So mali pala ako? hala namumula na sya kakatawa..

"Eh bakit ganyan--"

"Bakit ganito buhok ko? mukha ko? pati bakit ako sobrang linis at pala ayos din?"

I nod..

"Dahil ito kay Mama.. since nung bata pa ako todo ayos na yun sakin hangang sa nakasanayan ko na.. Gusto nya kasi ng babaeng anak.. May time pa ngang pinagsusuot nya ako ng dress, sandals.. Minimake-upan.. Mukha naman kasi talaga akong babae.."

"Pero straight talaga ako.. Ang awkward nga dahil napagkamalan akong babae ng mga classmates ko nung grade 1.. "

"Nagtataka pa nga ako kung bakit ang asikaso at ang bait bait pa sakin ng mga kaklase kong lalake .. kinikindatan pa nga ako ng iba eh.."

"Di mo lang alam kung gaano ako nangilabot ng mga oras na yun!.." Haha ang kulit ng mukha nya... mukhasim lang ang peg habang yakap yakap ang katawan.. XD

"Nalaman ko na lang na crush pala nila ako hahaha" Di ko na matuloy ang pagkain ng apa ng ice cream ko kakatawa sa taong ito.. Haha

"Halos malaglag nga ang panga nila sa sobrang gulat at pagkadismaya nang masaksihan nila ang pagpasok ko ng c.r ng lalake Hahaha"

Napalo ko na ng mahina sa balikat si Rai kakatawa "Ano ba yan hahaha sumasakit na tyan ko sayo! Hahaha bale nagawa mong magsuot ng uniform na pambabae?"

"Hmm Oo" Nagkamot sya ng ulo haha nahiya pa..

"Hahaha ano ba yan! Di ka ba nailang nun?"

"Syempre naiilang ako pero.." Tumingin sya sa kawalan "gusto ko kasing laging nakikitang masaya ang Mama ko kaya kahit ayaw ko.. ginagawa ko para sa kanya"

Napatigil naman ako sa pagtawa.. Tiningnan ko ang mukha ni Rai.. May halong lungkot ang mga ngiti nya..

Mahal na mahal nya talaga ang Mama nya...

"Nakakainis lang dahil wala akong magawa para mabawasan ang paghihirap nya ngayon.. Kung pwede lang... Kung pwede lang na mapunta na lang sakin ang sakit nya.. Di ko kasi kayang makita na nahihirapan sya ng ganun"

Kitang kita ko ang pagtulo ng luha ni Rai..

"Sana maabutan nya pa ang pagiging engineer ko."

Niyakap ko ang braso ni Rai "Mangyayari yun.. basta maniwala ka lang at magtiwala ka lang kay God" ;)

Hinawakan nya ang buhok ko tyaka ginulo "Salamat Jelly Mae" ;)

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa braso nya.. Inayos ko ang buhok ko na ginulo nya "Jelly Mae ka ng Jelly Mae! Ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi yun ang tamang tawag sa pangalan ko!" (>3<)++

Napangiti lang sya..

"Pero Rai pwede kitang tulungan.. Doctor si Dad---"

"Salamat sa pagaalala pero tatanggihan ko ang alok mo.. Ayokong kaawaan mo ako.."

Tutor nya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon