Chapter 5
"Miss, nasa labas na po si Sir Rai.. Inaantay kayo"
"Thanks manang" Lalabas na sana ako ng kwarto pero napatigil ako at nilingon si Manang "At saka nga pala manang pakilinis na lang ng kwarto ko.. ahehe masyado kasing napakalak sa paghahanap ko ng mga isusuot hehe sorry po Manang" ^__^v
"Ok lang po Miss.. Sige alis na po kayo baka malate pa po kayo nyan hehe"
"Thanks Manang" :) Nagtatakbo na ako pababa ng hagdanan.
Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Dad.
"DADDYYY!.." Nakapamewang kong sinigawan si Daddy nakita ko kasing kausap nya si Rai.. Baka tinatakot nya pa yun! Ganyan kasi yan pag may lalaking bumibisita sakin.
Lumapit ako sa kanila "Daddy naman eh! wag mo namang takutin si Rai!"
"Nagkakamali ka Jelly Mae hindi ako tinatakot ng Daddy mo hehe.. Ako ang kumausap kay Tito hehe" Pagtatanggol ni Rai.
"Hmmmm.." Tiningnan ko ng may halong pagdududa si Dad.. "Tara na Rai malilate na tayo!.. Bye Dad una na muna kami hehe" Tyaka ko kinaladkad palabas si Rai.
"Pagpasensyahan mo na ang Dad ko ah? Over protective kasi yun! Ako lang kasi ang nagiisang anak nya at babae pa hehe.." Nagbuntong hininga ako "Kung minsan nga nasasakal na ako sa pagiging ganun nya.. Mas malala kasi yun dati"
Nginitian lang ako ni Rai "Sobrang swerte mo sa Dad mo dahil mahal na mahal ka nya" :)
"Alam ko naman yun.. Mahal na mahal ko din naman sya" :)
At tuluyan na kaming natahimik..
Ngayong araw namin malalaman kung sino sino ang mga makakagraduate.. Naging seryoso na talaga si Rai sa pagaaral kaya hindi na ako masyadong nahirapan.. at saka may tinatago palang talino itong taong ito. Sinadya nya lang talaga ang magpabagsak dahil sa Dad nya. Speaking of Dad nya, Nasa poder na pala sila ng Dad nya ngayon. Kahit may iba na itong pamilya eh kinupkop nya parin sila.. Nagsisisi ng sobra ang Daddy nya dahil sa pagiging manhid sa Mama nila.. Masaya na din ako dahil naging responsableng Ama na ang Dad nya ngayon sa kanila :)
Panay lingon ako kay Rai.. Medyo kinakabahan ako.. Sasabihin ko na ba or hindi? Eh kasi naman nahihiya ako eh >___<
Pero kailangan ko nang sabihin kasi pag pinatagal ko pa.. Baka makahanap na to ng iba!
Huminga ako ng malalim.. Kaya ko to!..
"May sasabihin ako sayo" Sa di sinasadya ay nagkasabay kami ng sinabi.. Natawa na lang kaming dalawa :D
"Sige ikaw na muna ang mauna" - Rai
"Hindi ikaw na lang!" - Ako
"Ikaw na!" - Rai
"Ikaw na sabi eh!" Tapos bigla syang tumawa.. Ano naman kayang nakakatawa dun?
"Teka may balak ka bang pumasok sa room namin? Kanina pa kasi tayo nakalampas ng room nyo hehe" Lumingon lingon ako sa paligid..
Oo nga no? lampas na ako.. Nakakahiya naman! >,<
"Bakit di mo sinabi kaagad!? Kainis ka!" Pinalo ko ng mahina ang balikat nya "Sige later na lang tayo magusap!" Nagwave ako sa kanya tyaka naglakad papunta sa room namin.
---
"Miss LOZANO!"
"Ahehe Sorry po nagmamadali lang" ^__^v At tinuloy ko na ulit ang pagtakbo ko.. Pinapagalitan na ako ng mga Teachers na nakakasalubong ko.. Bawal kasing magtatakbo sa Corridor haha..
BINABASA MO ANG
Tutor nya (COMPLETED)
Short StoryIto ay kwento ng isang babaeng takot na muling umibig dahil palagi na lang syang nasasaktan..