Chapter 3

396 5 0
                                    

Chapter 3

*Pikit dilat pikit dilat*

"AAhhhh!" Napahawak ako sa bibig ko ng mapahikab ako. Siguro alas dos na ako nakauwi ng bahay? Pagkadating ko kasi ng bahay higa tulog kaagad ako eh.. Nahirapan pa nga si Yaya na gisingin ako sa sobrang himbing ng tulog ko.

Uwian na.. Need ko pang puntahan si Mr. Kim este Rai pala..

Inilagay ko muna ang mga books and note books ko sa bag ko tyaka isinuot ang bag pack ko.

Hikab lang ako ng hikab..

"Hi Jelly Mae!" ;D Kumaway sakin si Rai pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto.. Himala yata at ako pa ang sinundo nito? Ano kaya nakain nito? Hmm baka palabas nya lang ito? Tapos tutulugan nya ulit ako ah? hmmm... Tingnan nalang natin mamaya.

"U-uy Jelly Mae bakit ganyan ka makatingin? Di ka ba naniniwalang seryoso na ako? Hay ano ba Jelly Mae wag ka ngang ganyan! Pramis di kita tutulugan!" Itinaas nya ang right hand nya.

"Jella Mae ang name ko hindi JELLY MAE ok!? Oh sya pramis mo yan ah!?" Naglakad na ako.. Bale ako ang nauuna at sya naman ang sumusunod.

"Jelly este Jella Mae hindi dito ang daan papuntang Library ah? Mali ka yata ng daan?"

"Tama lang ang daan natin.. Hindi tayo sa Library.. Sa school Garden tayo pupunta"

"Eh? Bakit dun?"

- Sa Garden

"Dito tayo sa Damuhan umupo" Aya ko kay Rai.. Makakatulong ang pagpunta namin dito.. Inaamin ko miski ako inaantok sa library at saka ang daming tao dun. Gusto ko ng ibang lugar para sa tahimik na pagaaral at para din mapreskuhan.

"Pero diba bawal umupo dyan?"

"Hindi yan! Batas kaya ako haha joke wala namang bantay eh at saka minsan lang naman tayo magbreak ng rules"

Wala na din syang nagawa kundi sundin ako.. Umupo sya sa tabi ko.

Buti na lang at may Library card ako kaya nakahiram ako ng ilang libro..

Tinupad nya ang pangako nya.. Hindi nga sya natulog kahit panay pikit pikit na sya pinipilit nya paring gumising.. Natutuwa naman ako sa ginagawa nya.. Nagiimprove na sya kahit papano.. :)

"Basahin mo itong story na ito tapos may mga itatanong ako sayo after mong mabasa"

"Y-Yes mam!" Kinuha nya ang libro at sinimulan nya nang basahin.

*Pikit.. dilat.. Pikit pikit pikit* Di ko na kaya ang antok ko.. Napapapikit na ako.. "Ahhhhh" Hindi pwede hindi pwede akong makatulog!

Napasandal ako sa balikat ni Rai.. Agad naman akong umayos ng upo.. "S-sorry" Sabi ko.

"Wag mo na piliting pigilan yang antok mo.. Alam kong mas inaantok ka pa kesa sakin"

"Pero nagaaral pa tayo! Ah alam ko na! Siguro gusto mo lang din matulog kaya pinapatulog mo ako no?" Alam ko na yang balak mo hindi mo ako maiisahan bwahahaha

Hinawakan nya ang gilid ng ulo ko "T-teka ano gagawin mo?" Isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya.

"Shhh.. Magrest ka muna.. Hindi ako matutulog promise ko yan diba? Kaya trust me... Magseself study muna ako ngayon"

- Foundation day :D

Nasaan kaya si Rai? Kaninang umaga ko pa hindi nakikita yun? Bakit ko nga ba sya hinahanap? Day off ko naman ngayon sa pagtututor sa kanya! Hay nasanay lang siguro ako na palagi ko yung kasama.. yah! yun lang yun!

Hanep ang pakulo ng Marriage Booth.. Nagdistribute sila ng mga posas sa mga lalake sa campus at may habulang nagaganap.. Pwede kasi nilang posasan ang mga gusto nilang babae..

Tutor nya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon