Chapter 5

83 22 1
                                    

WAHHHHHHHHHH!!!! AKO MULING NAGBABALIK LELS~~~ Kamusta naman ang mga readers nitong story ko? Ako okay lang.. (hindi naman tinanong ehh -_-) Anyway ito na po ako at nag uupdate na namiss ko rin ang paggawa ng story ehhh.. Belated Merry Christmas sa lahat~~~ So enjoy this chapter~~~~~

(Si Angelina yung nasa MM...)

-IamMs_Xiana

-----------------------------------------------------------------------------

Xiara POV...

"Anak ang bestfriend mo..." sabi ni mommy. Ano ang nangyari kay Best..Nakabalik na kaya siya at dito muna dumaan bago umuwi sa kanila. Hay pasaway talaga siya palagi na lang niya pinagaalala si Tita.

"Mommy andyan siya? Nasaan siya papasukin mo dito sa kwarto ko mommy." sabi kohabang sabik na makita siya pero ang mommy ko umiling lang at lumungkot ang kanyang itsura. Kinabahan ako biglang sa nangyari. Bakit naging ganyan ang itsura niya?

"Mommy may problema ba? Nasaan si Best? Akala ko ba nandito siya." tanong ko..Pinilit kong hindi ipakita kay mommy na kinakabahan ako at baka mag alala siya. Umiling lang ulit ang mommy ko at bumuntong hininga muna siya bago magsalita. Hindi ko alam pero hindi pa nagsasalita ang mommy ko mas lalo akong kinabahan.

"Anak ang bestfriend mo............wala na." Huh!! umalis ba si Best? Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Naging malungkot ang mukha ko at tumingin kay mommy.

"Mommy bakit alam mo? Bakit hindi man lang siya nagsabi sakin na aalis pala siya? At saka bakit hindi man lang siya nagpaalam kay tita na aalis siya? Pasaway talaga siya kahit kailan." sabi ko habang natawa pero napatingin ako kay mommy at seryoso siyang nakatingin sakin kaya bumalik ang kaba ko. Umiling lang ulit siya at bumuntong hininga bago magsalita. Pigil hininga akong nakatingin sa kanya at hinihintay ulit ang sasabihin niya.

"Wala na siya anak...........Patay na ang bestfriend mo."Nanigas ako sa sinabi ni mommy. Hindi pwedeng mangyari yon hindi niya ako iiwan, magbestfriend kami sabi niya walang iwanan.

 "Wala na siya anak...........Patay na ang bestfriend mo." 

"Wala na siya anak...........Patay na ang bestfriend mo." 

"Wala na siya anak...........Patay na ang bestfriend mo." 

"Wala na siya anak...........Patay na ang bestfriend mo."   

Hindi ko nakayanan ang sinabi ni mommy kaya sunud-sunod na lumabas mula sa mga mata ko ang mga luha na ayaw kong ilabas. Hindi ako naniniwalang patay na ang bestfriend ko pero sa itsura ng mukha ng mommy ko ay hindi siya nagbibiro.

"No mommy!! Hindi totoo yang sinasabi mo!! Hindi niya ako iiwan nangako kami sa isa't isa. Kaya please mommy bawiin mo ang sinabi mo hindi yan totoo." Halos isigaw ko na yan sa mommy ko pero hindi siya nagalit dahil alam niya na nasasaktan ako. Umiling lang siya sakin saka niyakap ako, humagulgol na ako. 

Bakit? Bakit ganun? Biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina, lalo akong napahagulgol. Ibig bang sabihin ng panaginip na yun ay--------No no no!!! Hindi ako naniniwala. Hindi niya gagawin yun. Biglang pumasok sa isip ko si tita at kung paano nalaman ni mommy na wala na siya. Tiyak na hindi ito matatanggap ni tita. Lumilipad ang isip ko ng biglang magsalita si mommy.

"Nang malaman namin ang balita sa TV ay pinaalam agad namin ito sa parents niya. Hinimatay ang mommy niya at sinugod agad ito sa ospital. Pumunta agad ako dito para sabihin yun sayo." Balita? TV?  Paano malalaman ni mommy na si best yun. Sa pagkaka-alam ko hindi pinapakita ang mga bangkay ng tao, pinapakita man pero blurr naman ang picture.

"Bracelet..............Dahil sa parehong bracelet na suot niyo. Dun ko nalaman na bestfriend mo yun." Alam kong hindi ko pa tinatanong pero alam na agad ni mommy na yun ang itatanong ko. Alam na alam talaga niya kung ano man ang pumapasok sa isip ko ngayon. Kumalas ako sa pagkakayakap ni mommy at tumakbo sa tv ko. Binuksan ko ito at inilagay sa balita. 

Napahawak ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa gulat ng makita ko ang blur na picture ng isang bangkay ng babae. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito at dun ko na nakita ang kaparehong bracelet na suot ko ngayon. Napaiyak ako ng malaman na siya nga talaga ang bestfriend ko.

"Ayon sa mga nakasaksi nakita nila ang bangkay ng babaeng ito sa isang eskinita. Hindi nila alam na ito ay isang patay na tao ang akala ng lahat ay isa lang itong patay na hayop na itinapon sa eskinita." reporter na biglang lumapit sa isang tao para interviewhin ito. "Paano niyo nalaman na tao na pala ang nakitang bangkay sa eskinita na ito?" tanong nung reporter. "Bago po namin nakita yung bangkay maraming nagsasabing dumadaan na amoy patay na hayop daw po dun. Kaya po nung icheck namin kung may patay na hayop nga ba dun sa eskinita hindi po namin inakalang bangkay na ng tao ang makikita namin. Dalawang araw na pong namin naaamoy yun at hindi na namin kinaya yung amoy." sabi nung ininterview. 

" Itong bangkay ng babae pala na si Angelina Elise Kang ay anak ng may ari ng Korean Restaurant na si Anasthasia Mendoza-Kang at Christian Kang. Hindi parin alam kung bakit pinatay ang dalaga. Nakita din sa tabi ng dalaga ang mga gamit niya na mukhang hindi ginalaw ng mga killer/s. Napag alaman din namin na ang bangkay ng dalaga ay punong puno ng maraming saksak na siyang ikinamatay nito. At mukhang nahihirapan ang mga imbestigador sa paghanap ng mga clues dahil walang kahit ano silang nakita. Mukhang magaling pumatay ang killer/s na ito. Sa tingin niyo ano ang motibo ng killer/s sa pagpatay sa dalagang ito?" reporter..

Napaupo ako at napaiyak ulit habang nasa bibig ko parin ang dalawang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga nakita at narinig ko. Ang hirap i-absorb at parang gulat parin ako sa lahat ng mga nangyari. Parang nung isang araw lang masaya kaming magkakaibigan na kasama siya pero ngayon hindi ko alam sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na sa mismong araw ng birthday ko siya nawala.  Naalala ko ulit ang panaginip ko yung nagpaalam siya sakin sumikip ang dibdib ko. Sana pinilit ko siya na ihatid siya sa bahay nila edi sana ngayon magkasama parin kami. Ako may kasalanan kung bakit siya namatay. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko. Pero isang ang masasabi ko kakalimutan ko na ang araw kung kailan siya nawala ang araw ng kaarawan ko.

------------------------------------------------------------------

Okayyyyyyyyyyyyyyyyyy.. Lame update~~ Sorry pala sainyo kung ngayon lang ulit ako nakapag-update.. Tamad kasi ako~~ joke hahahaha!! Oo tinatamad talaga ako mag-update.. Ewan ko ba sa sarili ko. Minsan mag uupdate ako maya-maya nakalimutan ko na tapos kapag naalala ko na tinatamad na ako hahahaha!! Sensya na~~ Masanay na kayo kung palagiang ganito ako. 

Anyway~~ Gusto kong sabihin na Belated Merry Christmas!! Teka anong araw nga ba ngayon ahh oo 27 pala ngayon.. Diba? Diba? T_T mashaket #PoorAuthor 

XOXO <3 <3

-IamMs_Xiana



LIHIM(On-going) ~SLOW UPDATE~Место, где живут истории. Откройте их для себя