Chapter 11

22 4 3
                                    

I'm sorry guys~ Sobrang tagal akong nawala... You know naman na tamad ang author niyo~ lols hahaha... Ang totoo talaga nag focus muna ako sa studies ko... kaya ayun ngayon lang ulit sumulpot ang author na to hahaha~

So ito na yung next update... Enjoy reading and don't forget to vote and comment..

Happy reading muah muah :*

-IamMs_Xiana

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Xiara's POV

Alam kong nanibago ang mga kaibigan ko sa bagong ako kaya siguro hindi nila ako niyaya kanina kaya ako na ang lumapit. Kahit pati ako ay naninibago sa katahimikan sa lamesa kanina dahil siguro nao-awkward sila sakin..... sa bagong ako. Hindi ko rin naman sila masisisi.. Buti nalang talaga at naiintindihan nila ako, sila nalang ang meron ako ngayon, sila nalang ang makakapitan ko ngayon. Matapos ng nangyari kanina kahit papano ay nawala ang awkwardness sa mesa namin at medyo nawala ang bigat ng loob ko kahit papano pero hindi nagbago ang katahimikan sa mesa. Napatingin ako isa isa sa kanila kanina at masasabi kong hindi lang pala ako ang nagbago pati rin pala sila ay nagbago na. Wala na yung mga nagsisimulang mag ingay, wala na yung mga naglalandian, wala na yung mga asaran at kunyaring awayan at higit sa lahat nawala yung mga...... ngiti na dating nakapaskil sa kanilang mga labi. Napangiti ako ng mapakla sa naisip ko. Nakakatawang isipin na yung dating pinaka magulong grupo na laging kumakain sa canteen ay parang dinaanan ng anghel sa sobrang tahimik. Nakikita ko ngang napapalingon ang mga tao sa pwesto namin kanina at pinag uusapan kami.. Naalala ko tuloy ang mga nangyari...

FLASHBACK... (Scene sa canteen..)

"Oh! Nakakapanibago talaga na wala ang mga nag iingay dito."

"Kaya nga eh.. Biglang tumahimik ang buong paligid ng canteen dahil hindi na nag iingay yung grupo nila Regine"

"Buti nga at tahimik na dito sa canteen. Nakakainis kaya ang kaingayan nila!"

"Oo nga! Buti nga yun at wala ng maingay"

"Mga papansin kasi eh! Buti nga!" Gusto ko sanang sugurin ito ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko..

"Anyare sa kanila? Mga mukhang namatayan?" Oo nawalan kami.

"Engot ka talaga! Mamaya marinig ka dyan! Pero tumpak ka sa sinabi mo bakla namatayan talaga sila as in!" Please... Wag niyo ng pag usapan!

"Ayy talaga girl?!" Wag!

"Oo! At huli kana sa balita! 6 na buwan na nung namatay yung isa nilang barkadang babae. Grabe bakla brutal ng pagkamatay!" Wag! Ayokong marinig yan..

"Oh my god! Are you seriou------" Napahinga ako ng malalim.. Buti nalang hindi natuloy ang balak sabihin at itatanong nito dahil baka hindi ko na alam ang gagawin pag narinig ko na naman ang lahat. Hindi nito natuloy ang sasabihin nito ng may sumigaw sa kanila...

"PWEDE BA WAG KAYONG MAG-CHISMISAN DITO! AT KUNG PWEDE IBA NALANG ANG PAG CHISMISAN NIYO! MGA PAKIELAMERA MGA WALA NAMAN ALAM!" Galit na sigaw ni Michael. May balak pa sana itong sugurin ang nagchichismisan kanina kung hindi lang ito napigilan ni Archie. Naupo na ulit ito at dinabog ang lamesa. Kita mo sa mukha nito ang pagkainis dahil sa nangyari.

END OF FLASHBACK...

Pagkatapos ng scene na yun tumahimik ulit ang paligid na parang walang nangyari. Matapos din nun ay ang sabay sabay na pag alis ng mga kaibigan ko at naiwan akong mag isa. At matapos din nun ay hindi ko na rin sila nakita at hindi rin sila nagsipasok sa mga sumunod na subjects namin. Pagka-uwian ay umuwi na ako... Siguro bukas ko na sila kakausapin.

Michael's POV

F*CK! Mga bwisit na chismosa.. Walang ibang ginawa kundi pag chismisan ang buhay ng ibang tao.. Tang*na lang! Kundi lang ako pinigilan ni Archie kanina nasapak ko na sana ang babaeng yun at yung bwisit na bakla!

LIHIM(On-going) ~SLOW UPDATE~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora