Chapter 9

23 4 0
                                    

Yes namern~ Ako'y nagbabalik upang ipagpatuloy ang nasimulan~ Lols.. Nakapag-update na rin ako sa hinaba haba ng panahon.. Buti naman hindi pa inu-uod itong story na to~ Lols~ Ang tanong may nagbabasa pa ba? hahaha~

Okay ito na ang pinakahihintay natin lahat.. Sana maenjoy niyo~

Happy reading guys~ ^_^v


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

3rd Person's POV...

Pumasok ang isang lalaki sa isang mansion kung saan naghihintay sa kanya ang isang babae na abala sa pagbabasa sa library nito. Tinanong ng lalaki kung nasaan ito kaya naman sinamahan siya ng isa sa mga kasambahay kung na saan ito. Marahang kumatok ang kasambahay sa pintuan.

"Pasok." malamig na sabi ng babae. Sumunod naman ito at pumasok.

"M-mam... n-nandyan napo y-yung hinihintay n-niyo." nanginginig na sabi ng kasambahay. Tumango ang babae at sinenyasan nito ang kasambahay na papasukin ang lalaki at umalis na.

"Maupo ka."sabi niya sa lalaki at sumunod naman ito.

"Anong balita? May nahanap kaba? Nahanap mo naba ang may gawa?" malamig na tanong niya rito habang hindi nakatingin at nakapokus lamang sa binabasa.

"Madame.... S-sorry po pero ginawa ko na ang makakaya ko para makahanap ng clues at mahanap ang may sala pero sadyang napakalinis ng p-pagkakapatay sa kanya kaya hindi namin magawa nang mga kasamahan kong mahanap ito." sabi ng lalaki medyo nauutal ito dahil sa kaba na nararamdaman. Napatingin naman sa kanya ng diretso ang babae may galit sa dalawang mata nito.

BLAGGGGGGGG!!!  (A/N: LOL! Pagpasensyahan niyo na hindi ko alam yung tunog ng hinampas na mesa! hahaha ^_^V)

Nagulat ang lalaki dahil sa ginawang paghampas ng babae sa mesa dahil sa galit. Nanlilisik ang mga tingin nito sa animo'y kakainin ka niya.

"ANO! HINDI MO NAHANAP? NAGPATULONG KA NA NGA LAHAT LAHAT PERO HINDI PARIN! DAMN! MGA WALANG SILBI BINABARAYAN KO KAYO PARA MAGTRABAHO TAPOS SASABIHIN MO SAKING GINAWA MO ANG LAHAT NG MAKAKAYA NIYO! BULLSHIT!!! AKALA KO PA NAMAN IKAW ANG PINAKAMAGALING SA IBA PANG NAKUHA KO PERO ISA KA RIN PALANG WALANG KWENTA! ALAM MO KUNG WALA KA NG SASABIHIN UMALIS KANA AT BAKA MAPATAY PA KITA!!" sigaw na sabi ng babae sa lalaking inutusan niya. Kaya naman dali daling tumakbo ang lalaki sa takot nitong baka totohanin ng babae ang sinabi. Napahawak nalang ang babae sa kanyang ulo dahil sumasakit na naman ito. (A/N: Lols~ OA ba?)

Lagi nalang nangyayari ito dahil yung ibang nakaraan na inutusan niya para maghanap ay hindi rin nag tagumpay gaya nung lalaki kanina. Naiinis siya dahil 6 na buwan na ang nakaraan pero wala paring clue ang nahahanap o makakapagsabi kung sino ang gumawa nito. Napatingin siya sa litratong na sa lamesa niya at tinignan ito, napaluha siya dahil hanggang ngayon hindi parin ito nabibigyan hustisya. Kinuha niya ang litrato at niyakap to pagkatapos ay tinitigan pinunasan na niya ang mga luha..

"Kung hindi nila mahanap ang pumatay sayo pwes ako ang maghahanap at sisiguraduhing kong hindi siya o sila makukulong dahil sisiguraduhing kong sa mga kamay ko sila mamamatay tulad ng pagpatay nila sayo. Patawarin mo sana ako sa gagawin ko pero ito lang sa tingin ko ang magiging kabayaran ng mga taong pumaslang sayo." sabi nito na parang may kinakausap sa hangin.

************************************

Vincent's POV

Anong buwan na ba ngayon? Ilang buwan na ba ang nakalipas? Ang bilis ng panahon parang kahapon lang kompleto pa kami at masayang masaya na nagkukwentuhan, nag aasaran, nagkukulitan. Ngayon hindi ko na maramdaman ang saya na yun simula ng mangyari ang bangungot na yun at ang pag alis ng babaeng gusto ko. Miss na miss ko na siya kailan ba siya babalik? Sobrang lungkot ko ng umalis siya ng hindi nagpapaalam samin na mga kaibigan niya na parang kinalimutan na niya kami. Pero kahit ganun hindi ako nagtanim ng sama ng loob dahil alam kong may dahilan siya. Maghihintay ako na bumalik siya. Sana bumalik ka na.

************************************

Xiara's POV...

Ilan buwan na ang nakalipas simula ng mamatay siya.. Ilang buwan din naging malungkot at tahimik ang buhay ko. Kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan ang lahat na parang kahapon lang siya namatay. Pero kahit papaano nagagawa ko na ngayon ang mga bagay na hindi ko na nagagawa simula nung mawala siya.

Tumingin ako sa akin salamin at saka ko lang napansin ang pagbabago sa aking mukha. Hindi ko na makita ang ngiti na laging nakapaskil sa aking mga labi, hindi ko na rin makita ang kasiyahan sa aking mga mata na napalitan na ng malungkot at walang buhay  na mga mata at medyo pumayat rin ang aking katawan. Talaga palang nagbago na ako dahil kahit ako hindi ko na kilala kung sino ako. Sa kakatingin ko sa aking sarili hindi ko napansin ang aking ina na pumasok sa aking kwarto.

"Anak? Ready kana ba sa pagpasok mo?" Tanong niya sakin.

"Yes ma." walang emosyon kong sabi sa kanya. Ngumiti siya ng tipid sa akin bilang tugon at lumabas na ng aking kwarto. Isa pa yan sa aking pagbabago simula ng umuwi ako galing States. Tama kayo ng nabasa galing akong ibang bansa. Pinadala ako ng aking mga magulang doon upang libangin ang aking sarili dahil sobrang na daw ang stress at pagkalungkot ko sa pagkawala ng aking bestfriend.

Lumabas na ako at nagpaalam na sa kanila. "Bye." tipid na pagpapaalam ko. "Take care darling/Xia/Ate." sabi nila. Umalis na ako at sumakay sa aking kotse and yes i know how to drive. After a few minutes nakarating na rin ako, pinark ko muna ang aking kotse at bumaba.

I saw some student looking at me as though I am a new student but i don't care. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aking room. Mukhang maaga nagsimula ang klase dahil sarado na ang pinto at may naririnig akong nagsasalita i guess that's our teacher, before i enter the room i knocked twice at nakita kong lumabas ang aking guro.

"Who you miss?" Tanong niya. "I'am the new stu-No, old student here." Sabi ko sa kanya. Nakita kong napaisip pa siya. " Ahh! Ikaw ba si Ms. Mendez?" tanong niya and i just nodded. "Okay, you can enter now and introduce yourself." sabi niya. I just rolled my eyes because i hate introducing myself its just a waste of time but i have no choice.

"Xiana Mendez." i said in a cold tone. At naglakad na ako sa pinakadulo at doon naupo. Inub-ob ko lang ang mukha ko sa mesa nitong upuan at natulog.

****************************************

Lei's POV

Nakita namin na may pumasok na babae nagulat ako kung sino ito. Napatingin ako kay Jamaica na napatingin din sa akin. Maging sila Serinna, Steven, Michael, Iann, Vincent at Kent ay nagulat ng makita nila ito maliban lang kay Regine na nakangisi na nakatingin kay Xia. Tama siya nga ang pumasok ang kaibigan namin na nawala ng ilang buwan na hindi nagparamdam. Nagpakilala na siya sa gitna. Napakalamig ng boses at walang emotion niya na binabanggit ang kanya pangalan. Nagbago na siya, hindi na siya yung jolly na kaibigan namin. Matapos niyang ipakilala ang sarili naglakad siya sa pinakadulo ng aming room at dun umupo sa dulong upuan at inub-ob ang mukha sa arm ng chair. Hindi man lang siya lumingon at hinanap kami. Hindi man lang niya napansin na nandito kami at mga kaklase niya. Talagang nagbago na siya feeling ko hindi na siya ang kaibigan namin. Naramdaman ko ang kamay na tumatapik sa aking balikat lumingon ako kay Jamaica at nginitian niya ako ng tipid ngumiti rin ako bilang tugon.

***************************************

Author's Note

HiHo~ Ayan na update.. 

Sorry sa engresh ko~ Me is hindi magaling sa engresh~ Pagpasensyahan niyo nalang.. hahaha~ Pero me is so happy kasi nakapag update na rin ako sa wakas~ Muntik ko na nga makalimutan to kasi sobrang busy ko sa school~ 

Sorry na~ Pagpasensyahan na~ Pero ta-try ko na mag-update dahil bakasyon na ngayon.. So may freetime kaya magsaya~ jk.. 

Kaya i love you sa mga nagbabasa pa nito at i love you din sa mga hindi pa~ lols :*

Kitakits nalang sa next update~ :* 

XOXOXOXOXOXOXOXOXOXOXO~


LIHIM(On-going) ~SLOW UPDATE~Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt