Chapter 6

76 22 7
                                    

Hello..Hello..HELLO Guys!!! Actually wala akong masabi haha dejk.. Naguguluhan lang ako kung itutuloy ko pa ba ito o hindi na.. Kasi parang wala namang may interesadong basahin ang story kong ito.. Kaya nahihirapan ako at saka napakabagal ko pang mag update pero napagdesisyunan ko nalang ituloy kahit walang nagbabasa hahaha!! Para naman may magawa ako diba?

-IamMs_Xiana

-----------------------------------------------------------------

3rd Person POV...

Pumasok ang isang babae sa loob ng isang abandonadong gusali habang nakangisi ito dahil ngayon na ang huling burol ng kinasusuklaman niyang babae. Sa isip isip niya na buti nalang pinatay nila ito sobra na kasi ang galit nito sa babaeng pinatay niya syempre hindi siya nag iisa kasama niya ang mga kaibigan nito na hanggang ngayon hindi matanggap na nakapatay sila at ang mas masaklap pa doon ay kaibigan nila ito. Bukod tangi lang siya dahil mas masaya pa siya na namatay ito dahil sa wakas wala na siyang kaagaw sa lahat.

Nang makapasok ay naglakad siya at pumasok ulit sa isang kwarto at doon ay may nakaupong lalaki na agad niyang sinunggaban ng halik hindi na pumalag ang lalaki at hinalikan na rin siya. Habang tumagatagal ay lumalalim ang halikan nilang dalawa at lumilibot na rin ang kamay ng lalaki sa katawan ng babae. Nakapasok ang kamay ng lalaki sa loob ng damit niya at hinawakan ang dibdib niya napaungol ang babae sa ginawa nito at bumaba ang halik ng lalaki sa leeg niya. Habang naghahalikan ay tinulak ng babae ang lalaki saka nagmamadaling hinubad ang suot na t shirt saka hinatak ulit ang lalaki at hinalikan, habang naghahalikan tinanggal ng lalaki ang suot na bra nung babae saka bumaba ang halik nito papunta sa dalawang bundok nito ng magsawa ay hinalikan niya ulit ito sa labi at sinabi ang "Mahal na mahal kita Angelina." yan ang sinabi niya pero makalapat padin ang kanilang mga labi.

Hindi maipaliwanag ng babae ang nararamdaman niya basta ang alam niya ay galit siya kaya itinulak niya ang lalaki at kinuha ang kanyang damit at sinuot ito pagkatapos ay lumabas siya. Nangingit ngit siya sa galit dahil hanggang ngayon hindi parin niya mapalitan sa puso ng lalaking mahal niya ang babaeng iyon. Sa isip isip niya bakit kaya hindi parin niya mapalitan ito kahit wala na ito ngayon? Ano ba ang meron siya na wala ako? Sa lahat ng bagay magkaagaw kami at pati ba naman ang lalaking una kong minahal kinuha niya. Hanggang kailan ko magiging kaagaw ang babaeng patay na. Yan ang nilalaman ng isip niya ngayon habang nagmamaneho papunta sa ibang lugar.

--------------------------------------------------------

Steven's POV...

Nababahala ako sa mga nangyayari, nag aalala ako sa mga kaibigan kong nadamay sa kagagawan niya lalo ako. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nagawa namin, hanggang ngayon nasasaktan parin ako pati narin ang iba sa nagawa namin sa kanya. Hindi ko magawang makapunta sa burol niya dahil wala na ako mukhang ihaharap dun sabihin na nating hindi alam ng lahat na kami ang pumatay sa kanya pero siya...siya mismo alam niya siguro kung nasaan man siya ngayon ay galit na galit siya saming mga kaibigan niya--- mali mga traydor niyang kaibigan. Napaiyak ako siguro naman may karapatan akong umiyak diba kahit na malamig akong makitungo sa harap nila ay tinanggap nila ako. Naging mabuti siya sakin, siya lang din ang umunawa sakin sa mga problema ko pero anong iginanti ko isa ako sa pumatay sa kanya imbes na ipagtanggol ko siya gaya ng pangako ko hindi ko nagawa kasi ako mismo ay isa sa pumaslang sa kanya. Itinuring niya akong kapatid silang dalawa ni Xiara... 

Mas lalo akong naiyak dahil kay Xiara, paano kapag nalaman niya ang totoo baka kamuhian niya kaming lahat dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang kaibigan niya. Tiyak na hinding hindi niya kami mapapatawad kung malaman niya yun lahat. Naaawa na rin ako sa mga kaibigan ko dahil ilang araw na silang hindi nagpapakita dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na nakapatay kami at ang mas malala ay isa pa namin itong kaibigan.

Pinunasan ko na ang luhang pumapatak sa aking mukha at nagdasal sa diyos na sana siya na ang bahala sa akin at sa iba ko pang mga kaibigan, pinagdasal ko din na sana kung nasan man siya ngayon ay mapatawad niya kami sa nagawa namin hindi namin iyon kagustuhan at sana matahimik ang kaluluwa niya. Lalong lalo na si Xiara sana mapatawad niya kami kung sakaling malaman niya ang totoo.

------------------------------------------------------------

Serinna's POV...

Nakakulong ako sa aking kwarto at ilang araw na din akong hindi lumalabas, ilang araw na rin akong hindi pumapasok dahil sa nangyari. Hindi ko naman kagustuhan yun pero wala akong magawa kung hindi ko ginawa yun baka naisiwalat na ni Regine ang sikreto ko at natatakot akong malaman ng lahat yun lalong lalo na ng mga kaibigan ko baka layuan nila akong lahat kapag nalaman nila yun.

Napaiyak ako at tinignan ang mga kamay ko--ang mga kamay kong makasalanan, nakagawa ako ng isang bagay na kailanman ay hindi masusuklian, nakapatay kami at sigurado akong hindi magtatagal ay malalaman din ni Xiara at ng mga tao ang katotohanan. Natatakot akong makulong, natatakot akong kamuhian ng iba at ng magulang ko kaya sa ngayon ililihim na muna namin ito. Ayoko lang maging kahihiyan sa magulang ko at mga kamag anak namin dahil sa pamilya ko ako ang inaasahan ng lahat kaya ayaw kong biguin sila. Kung pwede lang hugasan ang mga kamay na ito ng paulit ulit hanggang sa mawala ang kasalanan na nagawa ko ay ginawa ko na pero hindi eh--hindi pwede, habang buhay na naming dadalhin itong lahat. 

Nag aalala ako sa lahat kung hindi lang namin nagawa yun masaya parin sana kami ngayon, kasalanan lahat ito ng Regine na iyon kung hindi sana kami nablackmail edi sana hindi namin siya napatay, edi buhay siya ngayon at nakakasama pa namin. Kung pwede lang ibalik ang oras ay gagawin ko talaga. Kung pwede lang talaga....

--------------------------------------------------------------

3rd Person's POV...

Balik tayo sa abandonadong gusali kung saan may isang babae tulog na nakaupo sa isang upuan at nakatali ito, mula sa kamay hanggang paa pati ang bibig nito ay tinapalan ng tape upang hindi makapag ingay. Mukhang ilang araw narin itong hindi nakakakain dahil pumayat ito. 

Ano kaya ang nangyari sa babae? 

Paano ito napunta doon?

At higit sa lahat...

Sino ang babaeng iyon?

--------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

WIIIIIEEEEEEE!! Sa wakas nakapag update ulit..... LOL!! Sa totoo lang ayaw ko na ito ituloy pero dahil sa minsan ay wala akong magawa ay ito nalang ang pinagkaka abalahan ko haha!!! Bahala na si batman sa lahat hahaha!! Kung may nagbabasa man enjoy reading nalang at don't forget to vote and comment this chapter yun lang... BYE GUYS!!! muah muah :*:*:*

-IamMs_Xiana



LIHIM(On-going) ~SLOW UPDATE~Where stories live. Discover now