Chapter 10

33 4 4
                                    

Ito na po ang chapter 10~ ʕ•ᴥ•ʔ

Enjoyyyyyyy~ (づ。◕‿‿◕。)づ

- IamMs_Xiana Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

***************************************************************

Lei's POV....

Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Tahimik lang kaming magbabarkada na kumakain ngayon. Ewan ko ba, hindi naman kami ganito dati napakaingay nga namin kung kumain nung buo pa kami. Ngayon kasi hindi mo na mararamdaman para na kaming tinanggalan ng buhay kapag kumakain kami, nung unang mangyari to naninibago pa ang mga tao dito sa canteen dahil dati daw napakaingay namin at napakagulo. 

Noon yun....

Hindi na ngayon...

Kasi marami ng nagbago...

Habang kumakain hindi ko namalayan na tumutulo na pala sa pagkain ko yung luha ko. Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin din pala sakin. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero kahit anong gawin kong punas hindi parin sila tumitigil.

Umiiyak na naman pala ako..

"Umiiyak ka na naman Lei." sabi sakin ni Jamai habang tinatapik tapik ang balikat ko.

"Wag ka ng umiyak magiging maayos din ang lahat." sabi ni Archie sakin.

"Sorry guys... Hindi ko namalayan." sabi ko sa kanila habang nakangiti. Ngumiti rin sila sakin pwera kay Regine na inirapan ako at binulong ang mga salitang "ang drama~"

Pinabayaan ko na lang yun at tumahimik. Nagpatuloy sa pagkain ang mga kaibigan ko ng biglang may lumapit samin na hindi namin namamalayan at sinabing...

"Hindi niyo man lang ako inimbitang kumain kasama niyo.. Nakakatampo naman~" malamig na boses na sabi niya samin kaya nagkatinginan kami at itinaan ang mga ulo namin. 

Nakita namin siya..

Nakita namin siya habang may hawak na pagkain sa kabilang kamay niya habang malamig ang mga tingin na ibinibigay niya samin pero nakangiti. Napatayo kaming magkakaibigan pwera kay Regine na nakaupo parin at parang walang nakita sa harap niya.

"X-xia?!" sabay-sabay na sabi namin magkakaibigan. Nagulat naman siya at napatawa.

"I guess that's your 'Welcome back!' for me." malamig nasabi niya samin habang nakangiti at natatawa parin. Natulala kami hindi namin alam kung anong dapat sabihin. Parang nablangko ang utak ko, hindi ko alam kung ganun din sila.

"Umm guys?... Are we going to stand here? Hindi niyo man lang ako papa-upuin at pati kayo ayaw niyo rin bang umupo?" Tanong niya samin.

"A-ah! S-sorry!. Nagulat lang talaga kami. U-upo kana." sabi ni Vincent sa kanya.

Nagbalik kami sa mga sarili namin nung magsalita si Vincent. Nagsi-upo na kami.. Ganito ang ayos...

vacant| Xia | Serinna | Jamaica | Lei | Regine

       T             A           B            L            E

Kent | Vincent | Archrie | Michael | Steven |

Awkward...

Sobrang awkward at tahimik.. 

Ewan ko lang pero mukhang nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang unang magsasalita. Magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Regine..

"Ano ba yan?! Bakit kayo ganyan? Ganyan niyo ba iwe-welcome ang pagbabalik ni Xia? Kawawa naman siya kung ganon~ Katahimikan lang ang welcome niyo sa kanya." Sabi niya habang naglalakad papunta kay Xia at umupo sa vacant na upuan. Kung saan umuupo siya. Upuan niya.

LIHIM(On-going) ~SLOW UPDATE~Where stories live. Discover now