Inayos ko na ang mga kakailanganin ko mapa pera,damit at bahay basta lahat!
Ang plano ko kasi imbis na sa cebu ako pumunta ay didiretso ako ng algeria.tignan lang natin kung mahanap nila ako!
Nandito na kami ngayon sa airport kasama ang mga body guards ni mommy..
Gusto talaga nila makasigurado na makakaalis ako ng maynila..Tsk!
Buti nalang handa ako...
8:20
Oras na!
"Wait lng mag ccr lang ako!"sabi ko
Aalis na sana ako ng nakita kong tinanguan ni James ang isang body guard.
Meaning na pinapasundan ako.
Si James siya ang head ng mga body guard namin
"Ano ba!pati ba sa restroom susundan niyo ko!give me a privacy!"galit kung sabi.
Dapat mapaniwala ko sila
"Pero maam baka po kasi tumakas kayo!"sabi ng sumusunod sa kin bodyguard
Binigay ko sa kanya lahat ng maleta ko at wallet
"Oh!ayan nasayo na ang wallet,maleta at cellphone ko baka pede nako magbanyo?hindi naman siguro ako makaka alis kung wala ang wallet at phone ko!"
Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad..
Mukhang naniwala naman ang mga body guard ko ..
Agad akong lumiko at pinuntahan ang kaibigan kong si coreen na kinausap ko kahapon upang dalin ang iba kong baggage!
Dala niya rin ang ticket ko papuntang algeria na 10 minuto na lang ay aalis na..
"Buti na loko mo sila bessy?"sabi ni coreen habang inaabot sakin ang mga bag ko..
"Ako pa ba!"naka ngisi kong sabi..
Inangat ko ng konti ang skirt na suot ko at kinuha ang wallet at phone ko na nakatali sa hita ko..
Yung binigay ko sa body guard kong wallet ay isa libo lamang ang laman at ang cellphone naman ay ang pinag lumaan ko na..
Hindi ko nga alam kung di nila napapansin na sobrang gaan ng maleta ko..wala naman kasing laman yun.
Tumingin ako sa wrist watch ko its already
8:25
Oras na!
"Coreen i have to go malapit na kasi umalis ang eroplanong sasakyan ko!"sabi ko at hinalikan siya sa pisnge
"Take care Autumn !"sabi niya
"Bye Coreen see you when i see you again"ako habang kumakaway
"Call me pag nakarating kana dun!"sigaw niya
Tumango nalang ako..
Pag kapasok ko sa tunnel na kumukonekta papuntang eroplano na sasakyan ko..
Ay lumingon ako para sana tignan uli si coreen pero nakita ko si james kaya nagmadali ako pumasok..
Muntikan na yon!
Nagtaka na si James ng lumipas na ang ilang minuto pero wala parin ang babaeng binabantayan nila..
"Tignan mo na!"sabi nito kay dennis na dapat ay susunod na kanina kay Autumn
Paalis na sana toh para tignan ang binabantayan ng matalisod nito ang maleta ng amo..
Bumagsak ito bumukas..
Laking gulat nila ng makita itong walang laman..
"Shit!!"bulaslas ni james
"Hanapin niyo si Maam Autumn!Sigurado akong di pa nakakalayo yun!"sabi ni james at tumakbo para hanapin ang binabantayan..
Nalibot na nila halos ang buong Airport ngunit hindi parin nila nakikita ang binabantayan..
Tumigil muna sila saglit ni james para sana makapagpahinga ngunit nahagip ng mata nito ang hinahanap na nasa loob na ng tunnel.agad niya itong tinuro kay dennis!at napansin rin ata ito ng binabantayan kaya tumakbo ito papasok!
Papasok na sana sila sa loob non ng hinarangan sila at hinihingan ng ticket..
Hindi na sila nakapasok hanggang sa maka alis na ang eroplanong sinasakyan nito
Sigurado siyang malalagot sila sa amo..