5.

17 3 0
                                    

Autumn..

Maaga ako gumising ngayong umaga para makapag jogging..

Gusto ko rin kasi malibot ang magandang lugar nitong algeria.

Lumabas nako ng gate ng bahay ko..sinure kong lock lahat ng dapat i lock mahirap na baka manakawan ako..

Im wearing a plain sando black,black short,black rubber shoes and black headset..

Sumakatutal puro itim..

Hindi ko nga alam kung bakit itim na itim ako.Siguro dahil nagluluksa ako dahil gusto ako ipatapon ng mga magulang ko sa Cebu..

Hayyy!!Nevermind na nga!

Pinagpatuloy ko na lang ang pag jojogging..

Medyo maliit lang ang subdivision na napuntahan ko kaya hindi ako masiyahan dahil masyadong maikli

Kaya napagdisisyunan kong lumabas ng subdivion..

Hay!Napaka refreshing naman ng hangin dito sa probinsya hindi tulad sa maynila na napaka polluted..

Pinag patuloy ko lang ang pag jojogging hanggang sa may natanaw akong pancake House..

Pagkakitang pagkakita ko nun ay agad akong nakaramdam ng gutom.Kagabi pa kasi ako hindi kumakain sobra akong napagod sa paghahanap ng bahay.

Mantakin niyo naman pagkababa ko sa eroplano na halong kalahating araw ang byahe ay tuloy hanap na ako ng bahay..

Pumasok ako sa loob ng Pancake House .

Itong Pancake House na ito ay hindi gaano kalakihan pero maganda at elegante..

Umupo nako at hinintay na puntahan ng waiter may karamihan na rin kasi ang mga tao dito kapwa ko ay nag aagahan din..

Kinuha ko ang phone ko at inopen..

Pagkabukas nito ay dumagsa agad ang mga text ng mga kaibigan ko at nila mommy at daddy.

Napabuntong hininga nalang ako at inoff ko uli ang phone ko ng hindi binabasa ang mga message
Baka kasi pag nabasa ko yun ay magbago ang isip ko at mapauwi ako agad

Nasa malalim ako ng pag iisip ng may biglang nagsalita

" Good Morning Ma'am can i take your order?"

Tumingala ako at laking gulat ko nung nakita kung sino ang waiter...

"HARLEY/AUTUMN!!"sabay naming sabi

Napaka liit naman ng mundo at nakita ko na naman siya

"Oh,Autumn ikaw pala yan!nakakagulat ka ha?pero ano bang order mo at makuha ko na"sabi ni harley habang nakangiti

Para namang may naramdaman ako sa tyan ko ano yun?hayy!baka nagugutom na talaga ako

"Hmm,isang triple layer pancake with chocolate syrup saka hot chocolate lang."naka ngiting sabi

Agad niya naman itong nilista

"Comming up Ma'am!"naka ngiting sabi niya at pumunta na ng kitchen

Napatawa nalang ako..

Nakakatuwa talaga siya


Harley...

Hindi ko inaasahan na nandito si Autumn..

Napaka ganda niya talaga..hindi ko nga alam kung bakit tuwing nakikita ko siya ay paranamg may nararamdaman akong paro paro sa tyan ko..

"Hoy!bakit kaba pa pogi ng pa pogi?bilisan mo na nga at dalhin mo na to sa labas!"sabi juno


Napatawa nalang tuloy ako..napaka mainitin tlaga ng ulo non

Kinuha ko na ang order ni Autumn..


Papunta na ako ko kay Autumn ng nakita ko medyo maraming tao ang nakapalibot sa kanya at karamihan ay lalaki.


Ano nangyayari?


Tuluyan na akong lumapit upang malaman ang nangyayari..




"Ms,Sy pa autograph naman po..fan niyo po ako.!"

"Pa picture naman po Ms,Sy!"

"Ang ganda niya noh!"

"Yung kutis ang kinis!"

Yan ang mga naririnig ko..

Sumiksik ako at tinakpan si Autumn..

Napatingin naman ng masama sakin ng masama ang mga tao

"Ah..guys?pedeng autograph nalang?At please sana walang mag popost sa social media na nakita nio ako dito ha?"si Autumn sabay ngiti


Sumang-ayon naman ang mga tao at umayos ng pila



Hayy!Ano bang nangyayari dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just The Way You Are[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon