Pagkarating na pagkarating ko sa algeria ay pumunta agad ako sa medyo malayo sa bayan para hindi agad ako mahanap..
Namili na rin ako ng kotse para hindi ako mahirapan sa paghahanap ng bahay.hindi rin naman kasi ako marunong mag commute.okay lang naman kasi marami naman akong dalang pera bukod kasi sa allowance ko ay nilalagay ko rin sa savings ko ang kinikita ko sa pag momodel..
Nandito na ako ngayon sa parang ma bukid na parte ng algeria..
Nasaan na kaya ako?
Kailangan ko narin makabili ng bahay bago dumilim!
Tumingin ako sa paligid para maghanap sana ng taong magpagtatanungan ngunit wala akong nakita kung hindi ang
lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno mukhang nagpapahinga ito.Sige sakanya nalang tutal mukhang hindi naman kami nagkakalayo ng edad at wala na akong ibang choice..
Bumaba na ko sa kotse ko at nilapitan ang lalaki na natutulog sa ilalim ng puno..
Imfairness may itsura siya.
Yumuko ako at sinundot ko ang pisnge niya..
Ganito kasi ako manggising
Nakatatlong sundot lang ako at nakita ko na siyang gumagalaw..
Unti unti nitong dinidilat ang mga mata..
Nang nakita niya ako sa harap niya ay napatunganga ito at kinusot muli ang mata...
Ano bang problema nito?
Binaliwala ko ang pag titig nito saakin at nag salita na..kailangan ko nang makahanap ng bahay malapit ng dumilim..
"Sorry sa abala pero pede ba akong magtanong?"sabi ko
Para naman itong natauhan nung nagsalita ako..
At napatayo ng diretsyo..
Ang weird niya promise!
"Ah..a-ano u-uli yon?"kumakamot sa batok na sabi nito..
Anong meron sa kanya at nauutal siya?
"Ang sabi ko kung pede ako magtanong kung meron binebentang bahay dito?"
"Hmm,meron malapit sa bahay namin.kaso subdivision siya at mahal ang bayad!"sabi nito habang pinapag pag ang pantalon nito..
Ayos!bahay check..
"Pede mo bang ituro saakin kung saan?"ako habang naka tingin sa kanya ng diretso
"A-hh,medyo malayo yun at kailangan pa nating sumakay ng jeep!"sabi niya..
Ngumiti ako at sinabing
"Ako na ang bahala.."
Hindi mapigilan ni Harley na hindi humanga sa taglay nitong ganda lalo na at ngumiti ito..
Kanina lamang nung nagising siya ay akala niya ay nasa langit na siya dahil nakakita siya ng angel
Pero natauhan siya ng bigla itong nagsalita.nahihiya rin siya dito dahil hindi niya mapigilang mautal sa pagsagot sa mga tanong nito..
Ngayon nasa loob na siya ng konte ng napakagandang dalaga..namangha rin siya sa ganda ng kotse nito ngunit hindi niya iyon pinapahalata dahil nahihiya siya at baka masa bihan siya nito ng ignorante
"Iliko mo diyan pagkatapos diretso!"sabi niya rito at tinuro ang daan
Ilang sandali pa ay nakarating na agad sila sa subdivisio na napaka ganda ng mga bahay at sobra ring mahal..
Sabi ko ay aalis na ko pagkatapos ko siyang ihatid dito pero ayaw niya akong paalisin dahil ihahatid niya daw ako dahil sobrang abala daw ng ginawa niya saakin..
Para sa akin wala naman yon ..
"Sandali lang pipirmahan ko lang ang mga dokumento"sabi nito sa kanya
Sinamahan ko siya mamili ng bahay kanina at ang napili niya ay ang pinakamalaki sa lahat ng bahay dito sa subdivision..
"Ayan,ayos na!tara hatid na kita!"sabi nito at sumakay na sa driver seat
Habang nasa byahe kami ay hindi ko napigilang ang sarili ko na magtanong..
"Ano nga pala ang pangalan mo?"kinakabahan kong tanong
Tinignan niya ako at ngumiti..
Sa pag ngiti niyan na yon ay parang may naramdaman akong paro paro sa tiyan ko..siguro ay nagugutom lang ako.
"Im Autumn Sy!"nakangiti nitong sabi