Takahashi POVHindi ako makapaniwala sa sinasabi ng Jeon na 'to! Girlfriend ba talaga niya si Jozetskie?! Kung ganon bakit hindi agad sinabi ni Jozetskie sa'min ang totoo, Na Boyfriend niya si Jeon?!
"Kailan pa naging kayo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Matagal na! Kaya, hayaan niyo nalang na, ako ang mag dala sakanya sa Hospital"
Hindi parin pwede!
"Kahit na boyfriend ka niya, still kami nalang na close friends niya ang mag dadala sa kanya sa hospital. Kaya akin na si Bessy kung ayaw mong patulan kita kahit na guwapo ka!"
Napitingin naman ako kay Kathriezze ng bigla siyang mag salita. Habang hinihila ang kamay ni Jozetskie. Tsk, tsk kahit kailan talaga!
"Bro, hayaan mo na silang mag dala sa hospital" kalmadong sabi ni Izzle kay Jeon habang tinatapik tapik ang braso niya.
"Hindi pwede! Girlfriend ko siya! Kaya dapat ako lang ang--"
"Bakit ba?! Hindi porket boyfriend ka ng kaibigan namin hindi mo na siya ipapaubaya samin! Tandaan mo, boyfriend ka lang at hindi kaibigan!"
Hindi ko na napigilan ang mag taas ng boses. Sino siya para hindi ipaubaya si Jozetskie? Boyfriend lang siya! Hindi ba mas importante ang kaibigan kaysa sa karelasyon? Bakit? Dahil kahit na nagiging tanga ka sa karelaston mo, anjan ang parin ang mga kaibigan mo para sumuporta sayo! Hindi ba?
"WALANG SA'YO NICOLE, AKIN LANG ANG ASAWA KO!"
( ̄^ ̄) ako
( ̄ω ̄;) kathriezze
ヽ(^。^)丿Jeon
╮(─▽─)╭ FP
Wala na. Natulala kami ni Kathriezze habang paulit ulit na nag-eecho ang sinabi ng Jeon nayun samin..
Walang sayo..Akin lang ang asawa ko!
Walang sayo..Akin lang ang asawa ko!
ASAWA KO...
ASAWA KO...
ASAWA KO...
Si Jeon? Hayun, bigla nalang tumakabo palabas ng restaurant. Pota! Bahala na nga! Basta ako... Naku! Ewan ko ba!
Kathriezze POV
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni FP Jeon Lee! Naging Angel Locsin pa! Ano yun? The Legal Wife? Wahahaha. Ene beyen.
"May narinig ka?"
"Malamang may tenga ako!"
Napa-poker face ako sa sinagot ni Takahashi, kahit kailan talaga! Napaka pilosopo mo!
"Tara na!" Sabi ni Takahashi at akmang kukunin na ang bag niya.
"Teka, pa'no si Bessy? Baka pagsamantalahan pa siya dun!"
Worry na sabi ko kay Takahashi, eh totoo naman diba? Hindi pa kaya kami siguradong naniniwala sa sinasabi ni Jeon na boyfriend siya ni Bessy. Bakit ganon gusto ko talagang mag-tampo dahil sa nalaman ko, kaso pinipigilan ko lang kasi hindi kami sigurado ni Takahashi na sila na talaga!"Hayaan mo muna! Basta siguraduhin lang nilang ligtas siya. Tatawagan ko nalang siya pag-dating natin sa room. Baka sakaling gising na."
Seryosong sabi niya at binitbit ang bag niya..talaga naman kahit papaano may tinatagong ka sweetan ang batang to wahaha. Hindi niyo lang alam kung pano magalit yang si Takahashi. Damay lahat ng nasa paligid niya. Pag dating sa pang labas na anyo niya? Jolly siya at masiyahin. Pero pag dating saming dalawa ni Jozetskie? Naku, mag tago na kayo dahil matitikman niyo ang labi--ay Palo ng tatay namin! Wahaha.
BINABASA MO ANG
Best Friends can be Lovers
De TodoStory of two Friends who Fall in love each other. Written by: _CaseyFreyl_