Chapter 4
...
Mhiej's POV
Tumigil kami sa isang beach resort ..
Ako tsaka yung si Lee na friend ni Kyle ..
Pero bakit dito ?
Hmm..
Pagbaba namin ,
Umalis agad yung si Lee ,
Hindi man lang nagpaalam sa akin.
Pero maya-maya pa,
dumating si Kyle ,
Nag-abot sa akin ng flowers ..
Red roses ..
Hay nako ,ang bestfriend ko talaga,
sabi ko sa isip ko ..
haha.
Andami nyang kawirduhan sa buhay ,
Kakain lang kailangan pa dito sa beach and with matching flowers pa ah ?
Haha.
" Hello ! Bf ! ",sabi ko sa kanya !
" BF ! ? " ,sabi nya ng may pagtataka ..
" Oh bakit ? Bf .. Bestfriend .. Haha.Ano gusto mo ? " ,sabi ko sa kanya ..
" Ah , wala .. Oh sya tara na.. ",sabi nya sa akin tapos naglakad na kami papunta sa tabing dagat ..
Habang naglalakad ,
Akbay nya ako at yakap ko sya ..
Sayang nga eh ,
Magbestfriends na kami,
Pero kung liligawan lang ako nitong si Kyle ,
Sasagutin ko agad toh .Haha.
Kaso mukhang wala sa balak nya,
mukhang wala syang gusto sa akin,
Hmp !
Kaya nga lagi akong nagpapahatid at sundo sa kanya eh ,para kahit bestfriends lang kami,gusto kong maramdaman na importante din ako sa kanya ..Na binibigyan nya ako ng oras ,ng atensyon ..
Pero sana dumating pa rin yung panahon na magagawa ko na syang ipakilala sa iba na boyfriend ko,hindi lang basta bestfriend ..
Maya - maya pa,
tumigil na kami dito sa tabi ng dagat,umupo sa isang malaking kumot ,kaharap ang napakaraming pagkain ..
" So, tara , kain na ! Alam komg kanina ka pa gutom eh . Haha. " sabi nya sa akin ..
Nang-aasar pa ..
Yeah .. inaasar nya ko noh ,
kasi ipinaparanas nya sa akin ang lahat ng dinadanas ng dalawang taong nagmamahalan pero hindi nya naman ako mahal ,.
Ang wish ko lang naman eh ang mahalin nya rin ako,sana pwede yon noh ?
Kahit genie lang dyan na kwentong pambata eh paniniwalaan ko na ,basta ibigay lang nya ang kahilingan kong mahalin ako ng Bestfriend ko ..
Matapos namin kumain ng lunch sa ilalim ng isang puno sa tabi ng dagat sa ibabaw ng kumot at sa harap ng maraming pagkain ..,
Nagkwentuhan na lang kami ,
Nagtawanan , naglaro at kung ano ano pa .
Hanggang sa dumating ang sunset..
Kung ang sunset para sa iba ay isang malungkot na sinaryo dahil nakikita mo ang unti unting pagkawala ng haring araw,
Sa akin naman ngayon ay ito ang pinakamasaya dahil kasama ko ang hari ng buhay ko ..
Lalo ko syang minahal ng mga oras na yon ,
yung pungay ng mga mata nya ..
yung mga ngiti nya ..
Lalo kong nasabi sa sarili ko na hindi ko kakayaning mawala sa sya sa buhay ko ..
ang isang Kyle sa buhay ko ..
Napakasaya ko talaga sa mga oras na toh ..
Pero nakakalungkot lang dahil natatapos din toh ..
Sana sa mga susunod pang mga oras , makamit ko na ang tanging hiling ko ,
na mapasaalin ng tuluyan si Kyle..
Umuwi na kami ,
hinatid nya ako sa bahay ..
Pagbaba ko ng kotse ,
nagkiss ako sa kanya sa pisngi ,nag sabi ng goodbye at tumalikod na..
But wait !
First time kong ginawa yon ah..
Sa tagal na naming magbestfriend,ngayon ko pa lang sya nahalikan kahit sa pisngi lang ..
Oh God !
Mhiej !
Anong ginawa mo ! ?
Alam kong nagulat din sya sa nagawa kong yon dahil hindi ko sya narinig na nagreply sa pagGoodbye ko ..
Hindi na ako makalingon sa kanya..
Haizxt .
Baka mahalata nya na ako ..
Pumasok na lang agad ako sa house namin and umakyat na sa room ko .
Haizxt !
Nakakahiya yon !
Unang beses kong ginawa un ..
And un din ang first kiss ko ..
Tsk !
Nu bayan ?
Pano na toh bukas pag punta nya dito ..
Or ganahan pa kaya syang pumunta dito bukas ! ?
Malamang naturned-off na sakin yon !
Hmp !