Chapter 7
Kyle's POV
She Kissed Me ! ???
Nananaginip ba ako ! ?
Pero hindi eh ,
Ayan lang sya oh , kakapasok lng sa bahay nila ..
Ako nandito pa ako sa kotse ..
kaya hindi pwedeng panaginip toh !!!
Tska naradaman ko naman talaga eh !!!
Ahm,
Ahm,
Ahm,
Ano ba ?
Gising ba talaga ako ?
tsk .
Makauwi na nga lang ..
- When I got home ,
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina ..
Pumasok na lang agad ako sa kwarto ,
..
Pag upo ko sa kama at pagharap sa malaking salamin na nakadikit sa likod ng pinto ko sa tapat ng kama ko ,
' Anong ginagawa mo dyan ! ? '
sabi ko ..
Ngumiti lang sa akin yung nasa repleksyon ko sa salamin ,
yung genie ..
yung si ' Lee ' ..
" Kyle .. Anong problema ? ",
si Mama ,
Nako lagot .
" Ahm,wala po .. "
sabi ko na lang ..
Ibinaling ko ulit ung atensyon ko don sa salamin ..
" Hoy , bakit nandyan ka ! ? ",sabi ko ng mahina don sa genie na nasa repleksyon ko sa salamin .
" Nakalimutan nyo na po ba Master , ako at ikaw ay iisa na ngaun .. " , sagot nya ..
" Ahm, Hmm .. Oo nga pala .. ",sabi ko ..
" Ahm, Master , ang ganda nung kasama natin kanina ah . Haha.Hinalikan nya pa tayo ! ", sabi ni Lee.
Tumingin lang ako sa kanya ..
Actually tumingin ng may panlilisik ang mata ..
Tinatanong sya kung anong gusto nyang ipahiwatig sa pamamagitan ng mata ..
" Ooops , may nasabi po ba akong mali ? ", tanong ni Lee .
Hindi ako sumagot .. tinitigan ko lang sya ..
" Ahm, yung tungkol po ba don sa Mhiej ? Ipagpatawad nyo po sapagkat talaga namang nahulog na agad ako sa kanya pagkakita ko palang ! " sabi ni Lee sabay ngiti .
Tumayo ako at lumamin sa salamin ..
" Hahaha! Ano po bang problema ?
Wala namang problema hindi po ba sapagkat magkaibigan lang naman kayo ? ", sabi ni Lee.
" Ah. Tama. Magkaibigan . ", nasabi ko na lang at napayuko ..
Napabuntong hininga ..
Hmm..
Ano nga namang karapatan ko para ipagdamot man lang sa iba si Mhiej ?
Akin ba sya ?
" Oops ! Ngayon naiintindihan ko na ang lahat .. ",sabi ni Lee.
Napatingin ako sa kanya ..
" Anong naiintindihan mo na ang lahat ? ",tanong ko ..
" Kung bakit ganyan ang reaksyon mo , kung bakit hiniling mo na magbago ng katauhan ,bakit mo ginustong mapasaiyo ang lahat ng magagandang katangian , mukha , pera , yaman , estado .. Lahat ng yon ay dahil lang sa isang tao , si Mhiej .. Tama po ba ako master ? ", sabi ni Lee.
Tumingin ako sa kanya .
Inialis ang tingin at muling nayuko ..
" Sa bagay , hindi mo nga naman maiaalis na magkagusto ka sa kanya , maganda naman talaga sya",sabi ni Lee.
Pero hindi lang ganda ang nagustuhan ko sa kanya ..
Lahat ..
Gustong gusto ko yung ugali nya ..
Lalo na yung kakulitan nya ..
Mga panahong mahina sya , malungkot . Sapagkat sa mga panahon na yon , lalo kong naipapadama sa kanya ang halaga nya sa akin ..
Bukod sa mga magagandang katangian nya pa , yon ang mga nagustuhan ko sa kanya , yung kakulitan at mga kahinaan nya dahil yon yung tunay na bumubuo sa kanya at gusto kong laging nasa tabi nya pagdating ng mga panahon na iyon ..
" Ahm, matulog na po tayo master ?
Hindi po ba ay maaga pa nating susunduin si Mhiej ? Hehe. Parang naeexcite ako ah .. ",biglang sabi ni Lee.
Oo nga pala ..
Bigla kong naalala yung nangyari kanina ..
Hinalikan nya ako ... sa pisngi ..
Parang nahihiya tuloy ako pumunta ..
Pero bakit ?
Eh malamang naman wala lang yon , ginagawa naman ng ibang magkakaibigan yon eh ..
Halik ng pagpapaalam ..
Pinatay ko na ang ilaw at natulog na ko ..
Kinabukasan ..
...
...
...
Nagring ang alarm ..
Nagising ako .
Binuksan ko yung ilaw ..
Napatigil ako !
Kinusot ko yung mga mata ko kung totoo ba iyong mga nakikita ko !
Bag ng pera !
Sa ibabaw ng drawer ko nakalagay yung bagong cellphone !
Pagbukas ko ng cabinet ,
puro mamahaling mga damit !
Mukhang kilala ko na ang may kinalaman nito !
Tumingin ako sa salamin ..
Nandon si Lee ..
' Anong ibig sabihin ng mga toh ! ? ',
tanong ko kay Lee.
' Hindi po ba't gusto nyo na ng pagbabago ? ,sabi nya na sinundan ng ngiti ..
' Sunduin na po si Mhiej ',dugtong pa nya ..
Oo nga pala !
Naghanda na nga ako paalis ..
Pagbaba ko ,may bago ring sasakyan ..
Dalawang bagong kotse !
Ginamit ko yung isa ..
Bumiyahe na ..
Habang nasa byahe ..
Biglang uminit yung relo !
' Teka ! Anong ibig sabihin nito ! ? ',tanong ko kay Lee.
...