Saan Tutungo

20 1 0
                                    

"Hubby may sauce ka pa dito oh" tinuro niya ang gilid ng labi ng lalaki at pinunasan.

"Salamat wifey, I love you".

"I love you too hubby ko"

Mga matatamis na salitang kadalasang naririnig kahit saan na di malaman kung ano ang labis ipahiwatig. Narito ako ngayon malamit sa ihawan (ihaw-ihaw).

Ako pala si "Regine Sophia G. Dizon". Labing limang taong gulang. Simple lang ang buhay ko, ngunit mag-isa nalang sa bahay. Nawalan na ako ng ama at ang ina ko naman ay nasa ibang bansa upang matustusan ang aming pangangailangan.

Lilipat na ako bukas kina auntie ko para daw may kasama yung anak niyang lalaki at syempre bestfriend ko. Lilipat narin ako ng ibang school at sa sikat na Brent International School . Medyo mahal ang tuition pero kahit paano scholar naman ako kaya konti nalang ang babayaran.

"NBSB ako". Hinihintay ko pa ang prince charming ko. At syempre pinangako ko sa sarili ko na study first muna. Pero hindi lang yun, may nangako kasi sa akin nun na isang bata na pagtanda namin ay kaming dalawa ang magkakatuluyan. Nasaan na kaya iyon? ;((

[[PROLOGUE]]

Love hurts!! Oo masakit kapag nagmahal ka, yung tipong sa bawat kurot naaalala mo ang masasayang araw na pinatibok niya ang iyong puso at dapat na itong limutin.

Move On!! Ang salitang mahirap panindigan dahil umaasa ka parin na mamahalin ka parin niya at alam mong sa kanya ka sasaya.

FOREVER!! walang ganyan. Mag-asawa nga naghihiwalay magsyota pa kaya.

Love is Blind!! oo bulag ang pag-ibig, kahit nakikita mong masakit na pinipilit mo paring maging masaya. Pinipikit ang dalawang mata, nagtitiis na baka sa pagbukas magiging okay na at ikaw ang mahal niya.

Ngunit sa lahat ng mga ito hindi parin natin maiwasan ang magmahal. Yung tipong unang kita mo palang sa kanya siya na ang tinitibok ng iyong puso.

Anong magagawa ko mahal ko siya, hindi ako susuko. Pinipilit nating magpakatatag kahit masakit na. Dahil kapag nagmahal ka masasaktan ka, mabibigo, masasawi, masisiraan, mawawasak ang mundo mo, ngunit hindi nila masasabing mali ang ginawa mo dahil sa pag-ibig lagi kang tama. Ikaw ang bida. Buhay mo yan, hindi ang tadhana ang magdidikta. Kung hindi ikaw. Hindi ang kasunduan ang magsasabi kung sino ang mamahalin at kung saan ka likigaya. Ikaw.

Tandaan mo, oo ikaw. Ikaw ang may hawak ng buhay mo at karapatan mo na sumaya.

(sorry medyo maikli lang po at bago lang po ako so enjoy po. Update po ako bukas.)

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon