START

2 0 0
                                    

Gie Pov'

"Wow!! Ang Ganda!!"- nalula ang mga mata ko dahil sobrang ganda at taas ng bahay nila. Parang mansyon ito. Alam kong mayaman sila pero napakayaman nila.

Kinakabahan ako na baka hindi ito yung bahay nila. Hintayin ko nalang kaya siya dito sa labas.

7 pm. Nandito parin ako sa labas ng bahay nila, nilalamig na ako at nagugutom narin ako. Natunaw na yung friend chicken na kinain ko kanina. Sabi naman niya pumasok na daw ako at hintayin ko nalang siya sa loob.

Dahan dahan lang papasok na ako, excited narin akong makita ang pinsan ko.

Pumasok na ako pero walang katao tao sa loob. Nilibot ko ang buong bahay, napakaganda talaga. Ang laki pa ng tv nila. Pati sa kitchen ang ganda. Nandito ako ngayon sa kitchen nila kumakain ng mga prutas, pinagtiyatyagaan ko nalang ang mga ito kasi gutom na gutom talaga ako.

Hayy naku, nakakabored namang kumain. Manonood muna ako ng tv. Lipat ako ng lipat ng channel ng mapadpad sa Naruto. Ang ganda ganda, ang gwapo ni Sasuke. Ang cool ni Naruto. Ng biglang may narinig akong magbubukas ng pinto.

Dali dali kong pinatay ang tv at mga ilaw. Pumunta ako sa isang sulok at nagdadasal.

Sino ba ito? Siya ba may-ari nito? Ganito ba talaga kapag mayaman, may magnanakaw. Sana si tita na ito, sana.

Pumasok na siya sa loob, narinig ko ang mga paa niya papunta kung saan naroon ako. Narito na siya sa kitchen, binuksan niya ang ilaw. Nasa ilalim ako ngayon ng table nila kaya di niya ako nakikita, di ko rin makita yung mukha niya pero lalaki siya.

"Ano tong mga to!!". Pasigaw niyang tanong. Ayy, hindi ko pala naligpit yung mga pinagkalatan ko kaninang kumain ako.

"Sinong nandiyan? " pag-aalala niyang tanong. Kinakabahin narin siguro siya.

" Hoy multo.! Magnanakaw! Magpakita ka, di ako natatakot sayo" pagmamatapang niyang sinabi, daig pa nito ang babae kung makareact.

Lalabas na ba ako? Tanong ko sa sarili pero baka ako ang mapatay niya. Hihintayin ko nalang dumating si tita.

Bigla nanamang tumunog ang pinto na para bang may magbubukas. Dali daling sinara ng lalaki sa harap ko ang mga ilaw at naghahanap ng mapagtataguan. Surprisingly nagtago siya kung saan ako nakatago kaya katabi ko siya ngayun.

Sisigaw na sana siya ng bigla kong takpan ang bibig niya at sinenyasan siya na tumahimik Shhh!..

"Ui sino ka? Anong ginagawa mo dito" pamilyar ang boses nito. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita.

"Ui sino ka nga sabi, magnanakaw ka no? " tanong niya na may halong kaba. Kinakabahan narin ako na baka mali ang napasukan kong bahay.

" hindi ha, baka ikaw ang magnanakaw" sagot ko sa kanya

" Paano ako naging magnanakaw eh bahay--? Di na siya natapos sa pagsasalita dahil bumukas ang ilaw. Natakot na siguro.

Nakatalikod siya sa akin kaya di ko makita yung mukha niya ngayon, pero sa tindig niya at katawan. Masasabi kong gwapo siya, ang bango bango niya pa. Kasing edad ko lang siguro ito.

Pagharap niya ay nakita ko ang kanyang mukha at sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan ang aking bibig .Hindi dahil mukha siyang nakakatakot kundi dahil siya ang tinadyakan ko dun sa isang mall.

"Ikaw". Sabay naming sinabi pero mahina lang, inalis ko na kasi ang kamay niya sa bibig ko.

Bakit siya na nanaman? Destiny ba ito? Karma? O sinusundan niya talaga ako?

" sinusundan ba ako para makaganti ka sa akin? " tanong ko sa kaniya.

" hindi ha, baka ikaw sumusunod sa akin para ibigay na yung kiss ko? " ano daw? Kiss niya mukha niya.

" Manyak!!" sabi ko tsaka ko siya kinurot.

" ano ba!" sabi niya at papalapit na siya ng papalapit sa akin. Nakakaloko ang mga tingin niya na para bang may balak ng masama. Malapit na, ang ganda ng kaniyang mga labi. Ano ba itong iniisip ko. Malapit na malapit na. At napapikit nalang ako. Pero napansin ko hindi na malapit ang mukha niya pero nakaharap parin siya sa akin.

Narinig namin ang yabag ng mga paa ng dumating at papunta siya sa kwarto. Kaya napagdesisyunan namin na lumabas na at medyo masikip sa ilalim ng mesa.

Bumukas nanaman ang pinto ng kwarto at palabas na siya ng bigla akong napasandal sa pader at kaharapan ko na nanaman ang lalaking ito. Magkadikit lang kami, ang bango niya talaga.

King hindi lang ito masungit crush ko na siya. Sayang lang mukhang daig niya pa ang babae pag may regla.

Back to the topic. Papalapit ng papalapit ang babae at nakita niya kaming dalawa. Hindi kami makatingin sa kaniya sa takot. Naalis lang ito ng biglang magsalita siya.

"Oh anak! Anong ginagawa mo diyan? " anak? Mag-ina sila?

" Oh ma, ikaw pala iyan. " humarap na siya sa nanay niya at nasa likod naman niya ako nakatago.

" sino iyang kasama mo sa likod? " ha? Ano daw? Ako? Sino nga ba ako at bakit ako nandito. Kinakabahan na ako.

" Ahh ma... Si ano po." hindi niya rin alam kung ano ang isasagot niya.

" Ui anak ha, baka girlfriend mo yan. Pakilala mo naman sa akin " . At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

" ah, ma hindi po. Ano kas--" hindi na niya pinatapos magsalita ang kaniyang anak at nagsalita na.

"Regine!! Ikaw na ba iyan? " excited niyang sinabi, bakit niya ako kilala? Tiningnan ko siya at ang ganda niya. Siya nga ang tita ko ( di ko talaga siya tita, kapitbahay namin sila noon at kaclose ko kasi wala si mama ).

" Tita!! " excited kong sabi sa kaniya

" aba tingnan mo nga ang laki mo na ngayun ha. Kamusta kanaba, nagkakita na pala kayo nitong si James" james? Nasaan si james? Excited na akong makita siya.

" okay lang po tita, kayo po? Nasaan po pala si James? " pagtataka kong tanong.

" eto siya oh, ang gwapo niya diba? " itinuro niya ang lalaki. Ha? Ito ba si james? Nahiya tuloy ako, itong lalaking manyak na to? Si james?

Note: baka po kay Gie lang po magawan ko ng Pov, at hindi po sila magkaano ano. Tinuring lang po na tita ni gie ang mama ni james dahil close po sila at kapitbahay po. Nung bata po kasi si gie ay lagi siyang nasa kanila kayat naging bestfriend niya si james.

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon