Bagong Mundo

4 2 0
                                    

Gie Pov'

Ring!!Ring!!

Ang aga naman manggulo ng alarm clock na to. Anong oras na ba?

Napansin kong magtatanghali na kaya agad agad akong bumangon dahil ngayon ang araw na lilipat ako kina auntie ko.

Oh my gosh! Mabilis lang akong naligo. Mabilis lang akong nagbihis. Nagjeans nalang ako t-shirt at doll shoes. Ayaw kong magdress. Hindi ako makakilos ng maayos. Pagkatapos ay kumain na ako.

Ready na ako ngayon excited na akong lumipat at gusto ko ng makita yung bestfriend ko. Huling kita ko doon ang cute cute niya. Ang saya saya pa namin nagkekwentuhan noon.

"Flashback" Grade 5

Naglalaro kami sa playground at ang saya saya namin. Oo kaming dalawa ng pinsan ko.

Siya nga pala si James de Guzman, crush ko siya kasi ang cute cute niya. Pero may pinanghahawakan pa kasi akong pangako doon sa One true love ko kaya hindi pwede.

"Gie!". Bigla akong tinawag ni james.

"Yes James?". Sagot ko naman sa kanya with a sweet tone.

"Huwag kang magagalit ha, may sasabihin ako sa iyo" . Ang bilis ng pintig ng puso ko, aaminin ba niyang crush niya ako?

"O-o ssige, aano yunn" nauutal kong sabi. Kinakabahan na ako ngayon.

"Aalis na kasi kami ngayon baka di na tayo magkita" . Ang sakit ng narinig ko, gusto ko ng umiyak. Nanatili parin ang kaba ko, pero hindi sa kilig kundi sa takot na baka totoo nga ang sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin diyan? Nagbibiro ka lang diba? Iiwanan mo na ba ako" Hindi ko maiwasan ang magtanong, hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon basta masakit. Mawawalan ako ng crush at bestfriend.

"Totoo ang sinasabi ko Gie, lilipat na kami sa Maynila. Gie tandaan mo, matagal ko ng inilihim sa iyo ito ng ma-"

"Pit..!!!!!Pit!!!." dinig na dinig na ang busina ng kotse nila kaya hindi ko na narinig ang huling sinabi ng bestfriend ko. Nakita ko ang mama niya na papunta sa kanya. Pinipilit ko paring pigilan ang aking luha. Wala na akong karamay ngayon, ako nalang mag-isa.

Pero bago siya makaalis binigyan niya ako ng paborito kong ice cream. Strawberry flavor pa naman. Pinipilit kong ngumiti at kainin itong bigay niya.

Naiwan ako sa playground ng nag-iisa. Naiwan ako at wala ng kasama. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na bumagsak. Ang sakit sakit talaga, gusto kong magsisisigaw.

This is the same thing happened when I am 7 years old. Wala pa noon ang pinsan ko, narito rin ako sa playground at ginulo ako ng mga nambubully. Umalis na sila at umiyak ako ng umiyak. And pagdilat ko nakita ang malaanghel niyang muka. Nakalimutan ko na kung bakit ako umiiyak and I'm stunned.

"Are you okay?" yan yung sambit niya at tumatango nalang ako.

"why are you alone?" ang cute cute niya.

"My father was already dead and my mother was an OFW. I'm living with my lola" . Bigla kong nahugot ito, wrong grammar pa.

" Then I will be in your side, I will marry you. Someday, its a promise." natulala nanaman ako nagsisink in pa sa utak ko ang lahat.

End of Flashback

Kumain na ako ng mabilis, itlog at hotdog lang naluto ko kasi nagmamadali narin ako. Sasakay pa ako ng Bus, ang tagal pa ng biyahe.

Wala narin akong iiwanan sa bahay dahil namatay yung Lola ko last week, kaya okay narin na lumipat ako sa pinsan ko.

Nilock ko na ang pinto ng bahay. At sumakay na ako ng bus. Excited na akong makakita ng malalaking building (parang bata lang) .

Mukha mali ang nasakyan kong bus kasi dito ako sa mall bumaba. May address naman ako kina auntie ko kaya hindi ako maliligaw.

Napansing kong ang daming tao sa mall na ito, kaya pumasok ako sa loob. Katatapos lang siguro ng concert dito, tingin tingin sa paligid pero wala namang mga artista. Tuloy lang ako sa paglalakad at pagtingin sa kaliwa at kanan ko ng biglang...

"Aray!! Fact, miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo." galit na galit ang gwapong nilalang sa harap ko. Mukha bad mood pa naman at naapakan ko pa.

" Sorry po sir.." yan nalang ang nasabi ko. Aalis na sana ako ng bigla niyang hilahin ang kamay ko.

" Anong sorry sorry, hindi mo ba ako kilala. " as if naman kilala ko siya eh bago lang ako dito st hindi naman siya artista. Kahit parin kami pinagtitinginan ng mga tao. Parang kinikilig pa sila sa nangyayari.

" Hindi po eh, bago lang ako dito ".

" Dinumihan mo sapatos ko oh, kiss mo nalang ako " . Pagkasabi niya nun tinadyakan ko ulit siya sa ano niya.

" Aray!! Arayy!! Miss ang sakit, sira ka ba? " gwapo nga manyak naman.

"Manyak!!" sigaw ko sa kanya at umalis na ako. Kakain muna ako sa jollibee :) .

Habang naglalakad ako ang dami palang manyak na gwapo dito, iniisip ko kung ano bang mundo itong napasok ko.

Pauwi na ako ngayon. Mag aalas kwatro na ng hapon. Pero napag-isipan ko munang puntahan ang skul ko. Excited na ako ;)

Nasa labas na ako ng gate, ang laki laki. Ang tataas pa ng mga building. Papasok sana ako ng biglang hinarangan ako ng guard.

" Miss anong gagawin mo? Estudyante ka ba dito? " ay oo hga hindi pala ako naka uniform.

" ay sorry po manong, nagandahan lang po ako sa skul ninyo" wala eh. Sayang di ako nakapasok.

" sige, ayos lang. Ay, good morning Sir"

Biglang sumulpot ang Diyos sa harap ko. Para akong nasa langit ngayon sa sobrang gwapo niya.
Ang ganda ng ilong niya ng labi niya, ng buhok, lahat na sa kaniya ang macho pa niya.

Natauhan ako ng hinawakan niya ako, kanina niya pa pala ako tinatawag. Nakakahiya naman.

" Naliligaw ka ba? " oo saan ba papunta sa puso mo. Aha corny ko.

" Medyo po" hawak hawak ko ngayon ang address ng pinsan ko. At bigla niyang kinuha.

" ah alam ko to, tara miss hatid na kita" sabi niya.

" Ay nakakahiya naman po" pero kinikilig ako.

" Maggagabi na oh, delikado dito pag gabi at nag-iisa kalang" wala na akong nagawa at sumakay ako sa kotse niya. Ang ganda ganda, yung mga bagong labas ito.

Habang nasa biyahe, hindi ako umiimik. Nahihiya ako at giniginaw sa aircon niya,

" ayos ka lang ba? " siya,

" opo" . Ako

" huwag kanang mag-opo sa akin, 16 palang ako. Bago ka dito no? " siya

" ah opo, este oo. 15 palang ako" ako.

" so bakit nasa harap ka ng skul kanina? Dun kaba mag-aaral? " ang sarap niyang kausap, ang ganda sa pandinig ng boses niya at soft pa. Gosh kinikilig ako talaga, kahit nilalamig.

" hmm. Oo" speechless ako, at sa wakas nakarating na kami.

" nandito na tayo. " siya, di ko alam ang sasabihin ko.

" hmm, thankyou. Paano ba kita mababayaran" di ko siya maiimbita loob dahi hindi naman sa amin ito.

" it is okay miss, just smile." napangiti naman ako, ang cute cute niya kase.

Aalis na siya at nagbabye ako na parang bata with a smile. Nagsmile din siya bago umalis. Pwede na akong kunin ni Lord. Grabe ang gwapo niya talaga.

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon