Hindi inaakala

2 0 0
                                    

James Pov'

Narito kami ngayon sa isang mall show, inarkila kasi kami ng mall na ito para tumugtog at kumanta. Kanina pa ako wala sa mood, sabi kasi ni mama aalis siya at may babae siyang pinapunta sa bahay para makasama ko. Sino kaya yun? Sigurado matanda yun, si mama talaga bibigyan niya pa ako ng caretaker kaya ko namang mag-isa. Yun nga lang di ako marunong magluto.

Flashback

"Anak, pupunta muna ako ng cebu ha. Aayusin ko muna business natin doon." ayus lang naman sa akin, naiintindihan ko naman siya. Lagi naman din siyang umaalis.

"Sige po ma, ingat po kayo" ay naku sino na niyan magluluto para sa akin? Paano ako kakain?

" Huwag kang mag-alala anak, yung kakilala ko sa probinsya pinapapunta ko dito. " ayos. Ay baka di ako makapagloko sa bahay kasama ng mga kaibigan ko kapag nandito siya. Di bale na nga. Basta may magluluto.

"Okay po, kailan po alis niyo ma? " hindi man ako excited aha.

"Bukas ng umaga anak, first time kasi sa syudad nitong makakasama mo sa bahay kaya papaalalahanan ko lang siya." ayun naman pala, papunta na kaya iyon ngayun. Tingin sa oras 6:00 am . Ang aga pa pala.

End of Flashback

Kung bakit naiinis ako eh dahil nagpa-late na nga ako sa mall show na ito para sana matikman ko ang luto niya at hindi pa ako kumakain simula kanina. Pero hangga ngayon wala pa siya.

Katatapos lang namin tumugtog, nasira ang pagkanta ko dahil iniisip ko parin ang makakasama ko sa bahay dahil wala pa siya. Pero kahit ganun pinagtitilian parin kami ng mga babae, gwapo kasi.

Oo sikat ang grupo namin, kahit tatlo lang kami at syempre ako ang vocalist. Sikat kami kahit saang lugar at syempre pati sa skul. Ang mga kasama ko sa grupo ay mga kaklasi ko din, pare-pareho kaming 4th year high school. Yung isa sa mga kasama ko, siya ang may-ari ng buong skul. Yung isa naman, may-ari ng mga malls. At kami naman mayroon kaming mga restaurant at mga hotel. Dahil iyan sa mga parents namin. Sikat kami hindi lang dahil mayaman kami kundi dahil gwapo kami.

Pagbaba namin ng stage pinagkaguluhan na kami lalo na ng mga babae. Ewan ko sa kanila gustong magsiksikan. Buti nalang nakaalis kami kaagad doon. Pero nasa mall parin kami, naghahanap kami ng restaurant na pwedeng kainan, hindi pa kasi ako kumakain at kasalanan iyon ng pinapunta ni mama. Fastfood nanaman kakainin ko nito tulad ng dati.

May nakita akong babaeng papalapit sa amin, ang haba ng buhok at ang ganda. Nakakatulala ang ganda niya kaya next thing I knew ay natapakan niya ako.

Napaaray nalang ako sa sakit at nasigawan ko siya, katanga tanga niya. Gutom na nga ako aapakan pa, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.

At syempre nagsorry siya, bago palang daw siya dito at dahil maganda siya nanghingi ako ng kiss. Sa gwapo kong ito syempre pagbibigyan niya ako, ang daming babaeng gustong humalik sa akin. Surprisingly sinipa niya ako sa pagkalalake ko. Sa ano.. Arayy, at ayun umalis na siya hindi ko man naitanong pangalan niya.

"Wow, first time kitang nakitang makipag-usap sa mga babae ha?" ayy multo. Kasama ko pa pala itong mga kagrupo ko, si alexander pala itong nagsalita. Pero oo nga no, first time ko iyon. Simula kasi ng lumipat kami dito, hindi ako namamansin ng mga babae pwera lang kina mama at mga kamag anak namin.

Iba talaga ang babaeng iyon, mysterious girl. Who are you?

"Shattap Alex, wala lang akong magawa dahil gutom" palusot ko nalang at alex yung nickname niya. Pambabae no?

"Tara kain na tayo, akala kong kanina ka pa gutom? " -mark. Oo nga no nakalimutan ko ang gutom ko sahil sa babaeng iyon, basta talaga si mark sa pagkain hindi papahuli. Pero hindi siya tumataba. Ang ganda parin ng katawan niya. Pero syempre mas maganda itong akin.

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon