I am Who am I

0 0 0
                                    

Regine's Pov'

Ring!!!! Ring!!!!

Hayy buset na alarm clock ito. Kasarap sarap ng tulog ko eh nambibwisit.

Pinatay ko na ang alarm clock at tiningnan ko kung anong oras na at pagkakita ko. Gosh! 6:30 na at may pasok ako ng 7:00 at kailangan ako para sa openning ceremony dahil transferree ako.

Nakausap ko na pala si tita kagabi, nasabi na niya sa akin ang mga dapat kong gawin. Kailangan ko daw maglinis, magluto, basta mga gawaing bahay dahil hindi marunong ang anak niya sa mga ito.

Nagtataka nga ako nung una kung bakit inihabilin niya sa akin ang mga ito at sinabi niyang aalis muna siya para sa isang business trip. Ang mas ikinabigla ko ay yung naisip kong kaming dalawa lang ni James ang matitira sa bahay. Ano nalang kaya ang maiisip ng ibang tao.

Kahit naman na sanay na ako noon na kami lang dalawa ang maiwan, bata pa ako noon kaya hindi ko pa naiisip ang salitang kahihiyan. Pero iba na ngayon.

Dali dali akong naligo, nagbihis at kumain narin ako. Inihanda na ni tita ang almusal namin bago siya umalis. Mayroon narin akong allowance galing kay mommy na ibinigay niya bago ako pumunta dito sa maynila.

Nagjeep nalang ako papunta sa school at buti nalang alam nila ang school na ito kung hindi naligaw na ako.

Nakita ko ulit dito sa tapat ng school itong guard na ito at naalala ko na nanaman ang malaanghel sa kagwapuhan na lalaking nakita ko kahapon. Sana makita ko ulit siya, excited na ako.

Tuloy tuloy akong naglakad papunta sa office ng principal, hindi na ako sinita ng guard dahil nakauniform na ako. Wala narin akong ibang requirements na dapat ayusin dahil nagawan na ng paraan ni tita. Kaya ngayon nasa office na ako at hindi ko makita ang principal.

Nandito lang ngayon ang napakagandang babae sa harapan ko na hindi nararagdagan ang edad. Kaya binati ko muna.

" Good morning po Mam "-ako masaya kong bati sa kanya.

" Good morning din iha, ikaw ba ang transferree dito? " -siya tango nalang ako. Shy type ako. Nasaan ma kaya ang principal? Kanina pa paikot ikot ang mata ko pero hindi ko pa siya nakikita.

" Ako nga pala si Bianca Aguirre at pwede ko akong tawaging tita Bianca. -siya . ha? Ganito ba dito? Close na kami agad.

" By the way iha, buti naisipan mong lumipat dito? "-siya

" Ahh, nakatira po kasi ako ngayon sa tita ko Mam. "-ako. Iyan nalang sinabi ko.

Kring!!! Kring!!!

Nagring na yung bell. Ngayon na yung openning ceremony at wala parin ang principal.

" Tara na iha, sabay na tayo sa gym" -si tita. Wow, close na kami agad :)

" Sige po ti--ta"-nahihiya kong sinabi.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng school. Mayroon ding mga bulaklak sa paligid. Ang gaganda at ang linis linis dito sa school. Pinagtitinginan kami ng lahat ng mga estudyante ngayon.

Yung iba parang nabibigla, yung iba natatakot ang ekspresyon nila. Ang gulo nila, ang ganda ganda naman ni Mam.

Hindi oo nalang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ang ganda talaga dito, mayroon pa silang mga poster at mayroong nakalagay sa ilalim Principal sa taas nun Bianca Aguirre. Eh yun yung pangalan ni Mam diba? So siya pala ang principal.

Ng magsink in sa utak ko yun, kinakabahan narin ako ngayon. Kaya pala natatakot ang iba kanina sigurado terror si mam. Pero ang bait niya sa akin kanina diba? Pakitang tao lang ba iyon dahil bago ako dito? Makikiride nalang ako hanggang sa makaalis ako.

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon