I am Regine Sophia G. Dizon

0 0 0
                                    

Regine's Pov

Yun na nga, naghihintay ako ng jeep ng makita ko ang sasakyan ni pogi. Mukhang hindi niya nga ako natatandaan dahil hindi man niya ako pinapansin. How sad naman oh, crush ko pa naman siya.

Nagmumukmok na ako ngayon at nakayuko, nakakahiya baka makita pa ako ni pogi. Ang pangit ko na ngayon, kasing pangit ng araw na ito.

Sanay naman ako na walang kausap sa skul. At naiintindihan ko naman hindi ko sila kalevel. Dahil sila langit ako mas mababa pa sa lupa, pero pinaasa ako ng smile mo pogi, akala ko close na tayo. Iniisip pa naman kita lagi, iniisip ko na ang sweet sweet mo. Bibigyan mo ako ng bulaklak. Magpopropose ka sa akin, magpapakasal tayo. Tapos magkakaroon tayo ng limang a-.

Pit!! Pit!! Ayy butiki. Nasa skul pa pala ako, ang ganda na sana ng imagination ko panira itong kotse na ito.

Biglang bumaba sa kotse si pogi at nilapitan ako. Oh my gosh, magpopropose na ba siya sa akin? Ayiiehhh.

Malapit na siya, ang bago niya talaga.

"Miss, sinong hinihintay mo? -pogi" ikaw pogi. Ay este jeep.

" Hmm, wala naman" -ako. Nakakahiya naman kung sasabihin kong jeep ang hinihintay ko.

"Sabay na tayong pauwi?-siya" feeling close to ngayun ha, kanina hindi man ako pinapansin.

Sumabay na ako sa kaniya, nakakatakot rin dito na mag-isa. At mas makakatipod ako nito. At syempre, makakasama ko ang gwapong lalaking ito ^_^ .

Nasa loob na kami ng kotse ngayon, di na nanaman niya ako kinakausap at napansin kong iba na ang pinupuntahan namin. Hindi ito ang daan papunta sa bahay namin.

Huwag mong sabihing hindi niya alam ang papunta sa amin, hinatid na niya ako sa amin nung minsan. Natatakot na ako, baka irape ako ng gwapong ito.

"Hmm, hindi ito yung papunta sa amin diba?" natatakot kong tanong

"Alam ko " -nakakalokong sagot niya.

"Saan moko dadalhin" -maiiyak na nito ako.

"Akong bahala sa iyo"-siya with an evil smile.

Nagdadabog dabog na ako nito at maiiyak na, tinatapik tapik ko na rin siya sa likod niya. At bigla nalang kaming huminto. Ang laki ng building sa labas, hotel ba ito?

" Ui saan ito? Anong gagawin mo sa akin?" -niyayakap ko na ang sarili ko habang nakapikit.

"Ano ba? Nasa mall tayo oh, nagugutom na kasi ako at gusto kong kumain"-siya. Pagtingin ko sa labas, ayy oo nga no. Mall pala ito, kaya pala ang daming tao kasama pa ang mga anak nila.

Akala ko irerape na ako nito. Sayang naman, joke lang hindi ako ganun.

"tara" -siya. Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Sweet naman niya no, gentleman.

Nandito kami ngayon sa isang mall, sinama niya ako dito sa jollibee ;) . Paborito niya rin ba dito? Paborito ko kasi dito. Parang bata lang,

Nag-order siya ng 2piece chicken para sa aming dalawa at mga fries.

Noong una nahihiya pa ako pero nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kumain na rin ako. Ang sarap sarap talaga kumain dito, lalo nat kasama ko itong poging ito. Para kaming nagdedate nito. Kinikilig ako :)

"Hmm, may itatanong pala ako.-siya" kinikilig na tuloy ako.

"Ano yun?" -ako with shy voice

"May I know your name? "-siya. Ayy oo nga no, hindi pa pali magkakilala pero nagdedate na kami :) . Ang tindi neto.

"Regine Sophia G. Dizon :)"- sabi ko naman

" Nice meeting you Regine, I am Alexander Aguirre. You can call me Alex. "-siya so Alexander pala name niya. Bakit Alex naman nickname niya? Pambabae.

Nagshakehands kami at ang soft ng mga kamay niya, halatang mayaman siya at walang trabaho. Napatingin ako sa relo ko at magseseven na ng gabi. Naku antagal na pala namin nandito. Kailangan ko ng umuwi.

Bago pa ako magsalita, siya na ang nagyaya na ihatid ako sa bahay. Bahay? Parang may nakakalimutan ako ha?

Ayy oo nga pala, ako nga pala ang dapat na magluto sa bahay dahil kasama ko si James. Kumain na kaya yun? Lagot ako nito kay tita sabi pa naman niya hindi yun marunong sa mga gawaing bahay.

Inalis ko muna ang isip ko doon at nagfocus muna ako kay Alex. Ang pogi niya talaga, nandito na kami ngayon sa kotse niya. Naitanong ko na rin kung bakit hindi siya namamansin sa skul, hindi niya pa pala alam ang name ko. Kaya pala. Akala ko kasi nakalimutan na niya ako.

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay, nakasakay parin kami sa kotse niya. Yayayain ko sana siya sa loob kaso nakakahiya naman kay James at baka malaman pa ni Alex na nakatira kami ni James sa iisang bubong, Nakakahiya iyon, crush ko pa naman siya baka maturn off.

Nagkausap muna kami ni Alex sa loob ng kotse bago ako bumaba. Gusto niyang nakipagfriend sakin, getting to know each other ^_> .

Ang saya ng araw ko ngayon dahil sa gabing ito, akala ko mamalasin ako buong araw. Buti nalang nakita ko siya.

Nakapasok na ako sa bahay, may duplicate key naman rin ako. Hindi ko makita kung nasaan ang bestfriend ko, siguro tulog na siya kaya pumasok na ako sa kwarto ko.

Iniisip ko parin si Alex at talagang kinikilig ako. Siya na ba ang prince charming ko ^_^ . Pero paano na yung pinangakuan ko? Ang gwapo kasi ni Alex, gustong gusto ko siya. Ang sweet sweet niya pa. Hayy naku, excited na ako bukas para makita siya.

First Day is a complete success.

Saan TutungoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon