3 -- Whatever

30 1 0
                                    

[SATCHEL'S POV]

Ayun. Di ko ren kase pinag-aaksayahan ng oras na makilala ang mga kaklase ko yan tuloy, di ko naman alam na kaklase ko si kuya sa CR. Hmmp !!! Kaasar ><#

Estimated ko na nasa 30+ lang naman ang mga classmate ko eh... I-minus mo pa yung mga bumagsak sa ceiling grade namin last semester.. siguro mga hindi bababa sa 25 nalang kami lahat dito. Ewan ko pero ko talaga alam kung baket di ko sila kilala kahit sa mukha. Ako kase yung taong bahay-school lang ang buhay eh. At isa pa, I don't know how to mingle with other people. Buti nga nakapasa pa ako eh dahil wala naman kaming mga groupworks last semester. Ewan ko lang ngayon.. Pero sana wala ulit!!!

Nakuwento ko narin ba na 2nd week ako palagi ng klase pumapasok at hindi 1st week!!?? Hehehehe:DD Iniiwasan ko kase yung "INTRODUCE YOURSELF" eh !! Kaya nung unang linggo ng 2nd semester ay absent ako ng whole week!! Bwahaha.. I'm such a bad girl. Kelangan ko pa tuloy mag-isip ng dahilan para mapirmahan 'tong Regristration Form ko.

BTW Tapos na ren sa wakas ang klase ko ng puro kwento lang. Kaya kelangan maka-layas na ko agad dito! Hanap na muna ko ng makakainan at baka mamaya, kausapin pa ako ni Kuya sa CR!

Lakad.. Lakad..

Lakad.. Lakad..

Lakad.. Lakad..

Amp!! May humawak sa balikat koo!!! Calm down Satchel O_O

Hinarap ko sya... And shocks!!! Si kuya sa CR!!! Shete, Otso, Nuebe.

"Uy Satchel. Sorry nga pala sa kanina ah! Hehehe ^_^

Gusto mo sumabay ka na samen kumaen??" -- Nakuha mu pa mag-smile ah!! Muka mu!! Di ako sasama sayoo!

"Thanks but no thanks." I replied sabay talikod! Wew. Ako na ang taray queen!

"Uy !! Sige na! First time ka lang namin makasama eh! Sige na!!" Pangungulit pa nya.

Nilayasan ko lang sya! Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Subukan mo pa kong kulitin at sasapatusin na kita! GRRR >:3

Lumalabas ako madalas ng campus para maghanap ng pagkain. Pumupunta ako sa pinaka-malapit na Convenient store tapos kakain ng intstant noodles. Ayun. Ganun lang ang routine ko twing may pasok ako na aabot ng tanghali. Sa kinain kong instant noodles magkasama na ang breakfast at lunch dun!

Natapos na din ang sumunod kong klase. Hahaba na ata ilong ko sa pagsisinungaling ko! Nandito na ako ngayon sa bahay. Haay life. Gusto ko sana kumaen kaso wala ng laman ang refrigerator kaya tulog na lang nga! AT DITO NATATAPOS ANG ARAW KO!! BORING NO? NAKAKAGUTOM PA!

---

Ngayong araw mamaya pang 2pm ang klase ko sa school. Oh diba? Inconsistent nga ang schedule ng mga klase sa eskwelahan ko diboh???

Maganda na ren to dahil nagkaroon ako ng time kumaen!! Nagpadeliver nalang ako ng almusal ko.. ganun na rin ng tanghalian ko. Di ako marunong magluto eh! Prito-prito lang. Saka, tinatamad akong mag-grocery eh! Madaming tao dun!!

At eto na nga, papasok na ako ng kotse ng may nasagap akong di magandang pangitain..

"Uyy! Satchel!! Taga-dito ka lang pala!!!! Driver mo pala si Manong Ver!!!??? ^___^"

WATDAEFFFFFF!!!!! BAKIT NANDITO SI KUYA SA CR!!!!!!!! (hanggang ngayon di ko parin alam ang pangalan nya)

"Manong!! Kilala mo sya!!??" Tanong ko kay Manong Ver. The Driver.

"Ah opo. Taga jan po sya sa harap. Mam.. este Miss Satchel. Jan po sa dorm sa harap ng bahay nyo." Sagot ni Manong Ver. The Driver.

"Kelan pa? I mean.. May dorm dito?? Sa harap ng bahay?? Sa loob ng subdivision?? Weird. Tara na Manong!" Sagot ko. Di ko parin pinapansin si Kuya sa CR hanggang sa pag-alis.

Pagdating ko sa school syempre dating gawi. Nag-CR sa TAMANG CR. Tama na ko pramis!!

Pagdating ko sa room. Nagulat ako ng mga 5%. HAHAHA:D Onti lang. Kase naunahan pa ko ni Kuya sa CR makarating ng school! Nagteleport ata.

Umupo ako sa paborito kong pwesto. Sa pinakadulo ng last row. Siguro kaya di ko sila makabisado ay dahil sa ang gugulo nila. Kung saan-saan sila pumupwesto. Walang seating arrangement. Ako lang ata may permanent seat dito eh. Sabagay, iba-iba naman ang room sa bawat subject eh. Pero ako lang talaga ang may naka-reserbang upuan sa dulo!

Dumating na si prof. At may nagreport na sa harapan. Pag ganto madalas nagsusulat lang ako habang nakatago ang earphones ko sa tenga na natatakpan ng buhok ko. Hehe:D

"Ahm.. Satchel paki kuha naman ng bolpen ko sa paa mo..." - Sabi ng babae sa na katabi ko.

Pero kunwari di ko sya nariring. BLAH BLAH BLAH.

"Satchel..? Satchel?? Yoohoo?? Paki abot naman ng bolpen ko"

Tsk. Nakakaasar na ah! Istorbo. Pagbigyan kita ngayon

"Oh.. eto na!!"

"Salamat Satchel ^___^" Reply nya na may kasamang malapad na ngiti. Tsk. Uso ngitian dito ah.Kabadtrip.

Inexplain na ni prof yung lesson. Dun ko lang tinanggal yung earphones. Dun ko lang naman naiintindihan yung lesson eh.

"Okay class. Prepare for a quiz next meeting. Class Dismiss."

So ayun natapos na ang klase.

"Tara sabay-sabay na tayo umuwi" Sabi ni Classmate A. Di ko alam pangalan nya eh. Anu bay an. Pati ba naman sa pag-uwi, sabay-sabay paren? Nu silbi ng independence day?

"Kaw Satchel gusto mo sumabay? ^_^" Sabe nung babaeng katabi ko kanina.

"No thanks." Sagot ko sabay hablot ko ng bagpack ko.

Nung tumalikod ako naririnig ko pa yung pinag-uusapan nila.

"Uy Camille ! Bat mu naman kinakausap yung weird na yun? Nakakatakot kaya yun.."

"Eh bakit naman..? Okey naman sya ah? Nakausap ko pa nga sya kanina eh" - Si Camille siguro yun. Sya siguro yung katabi ko kanina.

"Bahala ka mamaya bigla ka nalang nun sunggaban! Bwahahaha" Ano tingin saken nun? Kumakaen ng tao!!??

"Di naman! Alam nyo ba kapit-bahay ko lang yun eh" Boses lalake na pamilyar yung boses. Siguro si kuya sa CR yun.

Tapos nun di ko na narinig yung usapan.. malayo na ko eh Mga chismosa yung mga yun ah. Tama bang pag-usapan ako ng nakatalikod ako.

Atleast ako, pinag-uusapan ko man sila, sa isip ko lang!! HMP!! Sabagay, ano namang pakeelam ko kung pinag-chichismisan nila ako?? LIKE I CARE!!! DUHHHHH!!!

Teach Me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon